Karnabal,buhay at pag-ibig

39 1 0
                                    

Chapter 20:

(Flashback continues....)

Ang naalimpungatan din na si Nova ay napaupo at tumabi sa dalaga ng marinig ang pangalan ni Norman.

"Norman,b-bakit ka napatawag at bakit mo alam ang number ko?

"Eh,e,si-si Nova ibinigay niya kahapon sa akin nung naguusap tayo dun sa iskul."Sabi ng binata na ninenerbyos dahil baka pagsarhan siya ng telepono.Maging ang dalaga ay ninenerbyos din hindi malaman kung
papaano ang gagawing pakikipagusap sa telepono.Gayung kung tutuusin ay sanay na sanay siyang makipagusap kahit kaninino,sayang naman ang galing niya at pagiging presidente ng klase nila kung pautal-utal at paandarin niya ang nerbyos.

Pero bakit gano'n,iba ang dating sa kanya ng lalaking ito kapag nagtitigan
sila ay parang may koryenteng dumadaloy sa kanyang katawan na ang kilig ay naroon at ngayon nadidinig niya ang boses nito ay parang nakalutang siya sa alapaap kahit hindi siya kumakain ng tsokalateng iyon ngayon ay para siyang nasa cloud nine na napapalibutan ng ulap.Ang sarap ng
kanyang pakiramdam dahil naririnig niya ang husky voice nito.

Si Nova naman ay dikit na dikit ang tenga sa telepono ng dalaga.At maging siya ay kinikilig din magkasalikup ang
mga kamay na nakasandal sa balikat ni Andee.

"Hrmm,ah may kailangan ka Norman?" sabi nito.

"Ha?ah,e w-wala...mangungumusta lang sana k-kung di mo ikagagalit."

"Ah,okay naman kaming dalawa ni Nova narito s'ya sa tabi ko."Sumingit naman si Nova.

"Good morning Mr.Pogi...ayos ba?"

"Good morning din,salamat sayo."Sabi
Ng lalaki sa kabilang linya.

"Okay,lang ah,siya sige... magbabanyo lang ako,maiwan ko na kayo,galingan mo ha."Paalam ni Nova tumayo ito at
tinungo ang pinto at lumabas.Malapad ang ngiti at nagthumbs up sa pinsan.

"Anong sabi n'yang galingan mo...may
sabwatan kayo?"

"Wa-wala ,ah!"Tanggi ng binata.

Pero nagkalakas  ng loob ang binata sa pagkakataong iyon.

"Eh,kung sabihin kong gusto kita magagalit ka ba?"Sabay lunok ng binata,nakiramdam kung ano ang isasagot nito at pinakikiramdaman kung pagsasarhan ng telepono.

"HA!?"Nabigla ang dalaga hindi inaasahan ang sinabing iyon ng binata."Ang bilis mo naman yata!"Sagot nito na hindi naman galit
sa ipinagtapat ng binata.

"Eh,kasi yun ang tutoong nararamdaman ko sa'yo magmula pa ng una tayong magkita..."

"Sana 'wag kang magalit sa mga sinabi
ko,Andee..."Katahimikan....

"Puwedeng maging magkaibigan muna tayo?Sumasasal ng mabilis ang pintig ng puso ni Andee.Bagamat may
gusto rin ang dalaga sa binata ay masyado naman yatang mabilis ang
pangyayari.Ilang araw pa lang silang
magkakilala baka ang pakiramdam ng
binata sa kanya ay crush lamang.
Ngunit siya gusto niya at mahal na niya ang lalaki kahit bago pa lang sila magkakilala.Kay Norman ay parang nasalamin niyang mabuting tao ito na
mapagmahal sa pamilya.At magiging isang mabuting nobyo?
Kesa naman sa inirereto ng kuya niya sa kanya ng kabarkada niyang si Jethro na guwapo nga sobra naman ng yabang.At ang isa pang dahilan ay
hindi niya tipo ito walang spark na narqramdaman ang dalaga hindi tulad kay Norman nuong magbanggaan pa lang sila ay naruon na agad ang kilig ang paghanga sa binata,ang simple nitong kilos ang kabuuan nito.

"Hello?"Sa kabilang linya.

"Ah,eh,pwede sa ibang pagkakataon na lang uli tayo magusap Norman?"
Mag-sisimba kasi kami,eh!"

"HA?,ah,o-oo sige...pasensya na sa istorbo,sana di ka magalit sa mga sinabi ko...dahil pag nagalit ka kawawa ang puso ko."Sabi ng binatang animo nagpapaawa.

Napatawa ang dalaga,"Ang korni mo,hahaha!"Ngunit naruon ang kilig sa puso.

"Tutuo ang sinabi ko."Balik sagot ng binata.

"Oo,na sige na,bye."At isinara nito ang
telepono.

_ _ _

"Hindi naman makapaniwalang nasabi agad ni Norman kung ano nararamdaman sa dalaga.Pipiling -piling ang ulo nito.

"Nagawa ko nga ba iyon?"Sabi nito sa
sarili,dinaig n'ya pa ang kasabihan sa mga instsik na tanghaling tapat kung
manligaw?eh,wala naman siyang dalang hopia.Siya umaga pa lang nanliligaw na?At least,siya hindi n'ya
kailangang magdala ng hopia dahil alam niya malaki ang pag-asa niya sa puso ng dalaga.hehehe...

"Bah,iba na ang mabilis!"Sabi ng isip nito.At  naginat itong tumayo at naghanda upang maligo.At naalala niyang magsisimba pala ang mga ito na hindi niya nasabi sa telepono magsisimba rin sila.

Linggo,maraming tao,puno ang simbahan hindi na siya nakapasok sa loob dahil inaantay niya si Randel na hanggang ngayon ay wala pa,at matatapos na ang misa ng dumating ito."Sori,ngayon lang ako."Nasa likod niya ito at umabante para pumantay sa kanya,nakapwesto sila sa may pinto sa may gilid kaya kita nila ang mga taong lalabas.

At dumating ang tagpong magsasabihan ng 'PEACE BE WITH YOU' ang bawat isa.Nasa dulong upuan sila Andee at Nova at nagPeace
be with you ito sa harap at pagkatapos ay sa likuran at yumukod nakita n'ya na naruon din si Norman
At bumati rin siya dito gayundin si Norman bumati rin sa kanya at ngumiti napatingin naman si Randel sa kaibigan.Napakunot kunot ng bahagya ang noo nito.

Naglabasan ang mga tao ng matapos ang misa at nasa gilid ng simbahan sila Norman at Randel maya-maya ay nakita ni Norman na papalabas na rin si Andee at Nova hindi n'ya napansin
kasama pala nito ang kuya nito at isang babae na ina siguro nito.

"Sino ba tinitingnan mo?"Tanong ni Randel."Kita mo yung babaeng sasakay sa kotse?Siya ang sinasabi ko!"

Pasakay na si Andee ay iginagala n'ya
ang paningin sa paligid.Hinahanap ng
mata nito ang binata.

"Naku,napaantanda ito baka hindi mo
alam ang pamilya n'yan,barumbado ang kapatid niyan!"

_ _  _ _ _ _ __ _  _  _ _ _ _ _ _ _ _ _  _ _ _ _

Itutuloy....

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon