Chapter 4:Si Renee naman ay nagaaral ng komersyo sa isang pamantasan sa Maynila na malapit lang sa kanila,sa
Sampaloc.Sumasama-sama lang siya
sa karnabal kapag bakasyon at yung di gaanong malayo sa Maynila.
Nakagawian na niya na kada bakasyon ay sumusunod sa tiyahin kung saan mang dako o lugar ang fiesta,bahagi na rin ng pagre-relax da
hil sa pagtutok sa pag-aaral.Isang taon
na lang at mgkaka-diploma na siya.Ang talagang tinatarget na project ni
Manang Gloria ay malalaking siyudad
para duon mag-karnabal,kahit ayaw
ng ama na lagi itong nasa karnabal ay
wala naman itong magawa dahil nahihiya rin si tatay Domer sa kanyang ate Gloria na malaki ang naitulong sa kanya lalo na noong ito'y
nagaaral pa.Nakatapos ng kursong
Electrical Engineer ang ama ni Renee
sa tulong ni manangGloria.Kaya hindi makaangal si Mang Domer
na tuwing bakasyon ay pinupuntahan
ni Renee ang tiyahin sa karnabal.
Kagaya ngayon na muling nagpapaalam si Renee na pupunta sa
karnabal."Eh,itay ,dati n'yo naman akong pinapayagang sumunod kila tita Gloria ah...lalo na ngayon na bakasyon namin."Sabi nito sa ama na
medyo inilukot pa at pinalungkot ang
mukha."Lalo ngayon malaking project ang hawak nila,fiesta raw o naval na tinatawag...sa Angeles City, sa
isang buwan pa naman yon 'tay.Second week ng October yon kaya puwede ako dahil may klase na ako noon."Pagkukumbise ng dalaga sa ama."O,eh,di ba malayo iyon?Tanong
ng ama."Pero pagkatapos ng Naval uuwi agad ako dito.""Kayo naman 'tay parang di sanay sa
malayo't malapit.Dalawang oras lang
ang biyahe duon at ngayon lang ako
medyo malalayo,lalo ngayon kailangan ni tita ng assistant hindi naman nila kayang dalawa yon ni ate Ona."Mahabang paliwanag ng dalaga,naglungkot-lungkutang lalo ito
para mapapayag ang ama.Mataman namang nagiisip si Mang Domer."At saka 'tay gusto kong makarating sa
Pampanga at makatuntong sa sinasabi nilang city of Angels...sige na 'tay."Pagmamakaawa pa nito.Pero ewan kung napapansin iyon ni tatay Domer."Teka,muna maiba 'ko...ako nga'y tapatin mo Renee,ano yung nababalitaan kong nakikipagmabuti-
han ka raw sa isang tauhan ni tita Gloria mo?"Kumunot ang noo ng lalaki tumingin ng deretso sa mata ng
dalaga na noo'y isinusubo ang tinusok
na hotdog samantalang ang ama ay
umiinom ng umuusok pang kape.Pinakikiramdaman ang kilos ng anak sa sasabihin nito.Napatigil bigla sa pagsubo ng hotdog
ang dalaga.Di niya inaasahan ang tanong na iyon.
"Sino naman hong may makating dila
ang nagsabi sa inyo noon?"Kampanteng tanong nito."Hindi mo na kailangang malaman pa
ang tanong ko ang sagutin mo."
Malumanay ang pagkakasabi ng ama
walang halong tampo o galit para hindi magkatensyon."Sobra naman ang pagkakasabi sa inyo no'n 'tay!"Irap ng dalaga.
"Nanliligaw pa lang nga,nakikipagmabutihan na?"Nanulis ng bahagya ang nguso nito.Tumayo ang ama lumipat sa kabilang
mesa at hinila ang isang upuan at pag
kuwa'y tumabi sa dalaga."Alam mo,anak...ako'y hindi nang-uuri
ng tao kahit ano pa ang uri ng trabaho
niya."Iminumuesrtra pa ang kamay ng lalaki habang nagsasalita.
"Kahit ano pa ang katayuan niya sa buhay,ang sa akin lang ay nagaaral ka
pa,baka ang pangarap mong makatapos man lang ay di pa matupad."Iniyakap nito ang isang braso sa anak at inahagod sa likod ng dalaga.Napalayo ng bahagya si Renee at tiniti
gan ng matiim ang mata ng ama.
"Grabe naman kayo itay sa akin,naligawan lang hindi na agad matatapos sa pagaaral?"Tampo nito sa
ama.
"Hindi gano'n anak ang ibig kong sabihin."Parang napahiya naman ang
ama sa nasabi.Sabay haplos nito sa likod ng dalaga."Alalahanin mong dati rin akong trabahador sa karnabal,kaya alam ko kung anong buhay mayroon duon...ah
nagpilit akong umahon sa tulong na rin ng tita Gloria mo pero nagsikap pa rin ako sa sarili ko para kahit paano hindi ako masyadong umaasa sa kanya...dahil ang buhay sa perya ay walang kasiguruhan,meron ngayon bukas wala.At ipinangako ko sa sarili ko at sa namayapa mong ina na dahil
nagiisa ka naming anak ay pagtatapusin kita ng pag-aaral."Nangingilid na ang luha sa mata ng
dalaga ibig ng maglandas ng mga luha niya sa kanyang pisngi naramdaman
ang mga sinasabi ng ama.At bahagya na itong napapanguynguy.Naalala bigla ang inang namayapa.
_ _ _ _ _ _ _
Itutuloy...