Chapter 3:
Masarap magkarnabal dahil pag maraming tao,maraming namamasyal
gumagastos ang mga tao kapalit kasiyahang alay ng karnabal at natural na sige ang pasok ng kita.
Marami rin naman ang nagtataka dahil kung paano nakakapag-adjust ng walang uwian at lahat ng panahon
ay duon nakatuon sa pagka-karnabal.
Magandang ekspiryensya,kung saan-
saan nakakarating,iba't-ibang lugar
na napupuntahan sa isang banda para kang turista dahil malayo mang lugar
ay nararating kahit kasuluk-sulukan.
dahil sa paghahnapap ng ikabubuhay
upang magbigay ng kasiyahan sa mga
tao.Kailangang handa rin ang sarili mo sa
mga sitwasyong mararanasan kung ikaw ay isang peryante.At kailangan ay mahaba rin ang iyong pasensya.
At kailangang marunong kang makisama.Ang pagkakarnabal ay angkop sa mga katagang mahirap na masarap._ _ _ _ _ _ _ _
Tatlong taon na si Norman sa pagka-karnabal.At sa loob ng mga taong iyon
ay masasabing marami na s'yang natutunan.Dahil likas naman sa kanya ang hilig sa mga makina a pagmamaneho ng rides,kung tutusin
ay napakahilig niyang mangumpuni ng makina na iba'-ibang klase.At dahil
mahusay siyang mangumpuni ay napansin ni Manang Gloria ang katangian niyang iyon pati ang pagiging masipag nito.Nakagamayan na nga lang ang ferriswheel dahil ito
ang paborito niya rides na sabi ng iba
ay tagpuan ng magsing-irog.At dahil duon ginawa siya ni Manang Gloria na chief mechanic ng karnabal.Na ipinagngi-ngitngit ni Nestor.Hindi
niya matanggap sa sarili na naungusan na siya ng binata.Isang pagkakataon na nasira ang makina ng
Grand carousel sa kasagsagan ng karamihan ng tao ay nagprisintang
siya ang aayos sa makina na pinahintulutan naman ni Manang Gloria,ngunit ilang oras na ay hindi pa naaayos ito.Lumabas ng opisina ang babae at tinanong si Nestor kung maayos pa ang makina naliligo na ito sa pawis at puno na ng grasa ang katawan.
"Maayos pa ba yan o hindi,aba eh,sayang ang hugos ng tao!"Iritadong
sabi ni Manang Gloria.
Walang kibo lang ang lalaki at ipinag
patuloy ang ginagawa."Oy,Bernon tawagin mo sandali si Norman sabihin mong sumaglit muna
dito at tingnan itong makina,ipahawak mo muna kamo sa assistant n'ya ang ferriswheel."Sabi ng babae na napabuntunghininga at pinanood muli ang ginagawa ni Nestor na may pagkainip."Opo,Manang Gloria."Nagmamadaling
umalis ang inutusan para sunduin si Norman.At ilang sandali ay dumating
si Norman."Norman ikaw nga ang tumingin dito
sa makina kung ano ang dipirensya
hindi makita ni Nestor ang dipirensya
eh!"Umisod si Nestor at tumayo nasa anyo
nito ang pagkaasar sa binata. Ngunit
hindi siya makapalag dahil nanduon si Manang Gloria at isa pa gusto n'ya sanang magpalapad ng papel dito dahil matagal na siyang may kursunada kay Renee kung bakit ayaw namang makisama nitong maki
na."B"wisit pagkakataon ko na sana!"
Bulong nito sa sarili ngunit kapagkuwa'y tatawa-tawa itong pinapanood si Norman."Hindi mo rin
maayos yan,gunggong."Sabi sa isip nito patungkol kay Norman.Maya-maya ay tumayo si Norman at humarap kay Manang Gloria.
"Nang Gloria,meron po ba tayong ekstrang pump belt sa opisina?""Hah,aba'y meron,Bernon kunin mo nga yong reserbang pump belt na nanduon kamo sa kabinet sabihin mo kay Ona."Utos nito sa showboy.
"Opo,Manang."
Napatingin si Bernon kay Nestor pinipigil ang sariling huwag bumunghalit ng tawa dahil sa isip nito ay yun lang ? Hindi nakita ni Nestor ang simpleng dipirensya ng makina.?Gayunman ay dali-dali itong
tumalilis at tinungo ang opisina upang kumuha ng pump belt.Hindi malaman ni Nestor kung ano ang ikikilos sa harap ni Manang Gloria.
"Naku,yan lang ba ang dipirensya?"
Napatingin ito kay Nestor at parang
namutla ito sa pagkapahiya.Napan-
sin iyon ng babae."O,s'ya balik na sa pwesto at sayang
ang maraming tao!" At pumalakpak ito.
Matigas ang ipinukol na titig ni Nestor
kay Norman."May araw ka rin!"
Nagtatagis ang bagang nito.Nangingiti naman si Bernon na tauhan ng grand carousel ng papalayo ang dalawang lalaki."Epal ka kasi,ayan nakatagpo ka ng katapat
mo!"Bulong nito sa sarili,patungkol kay Nestor."Lumuwag na pala ang pumpbelt di mo pa alam,gunggong!""Idol ku na talaga si kuya Norman,
astig!!Sabi pa nito._:Itutuloy...