Chapter 26:
(Ang pagpapatuloy ng istorya sa pagbabalik tanaw ni Norman...)
Nakasandal si Norman sa malapad na
puno sa itaas ng burol,hawak nito ang
labakarang dinukot sa bulsa upang ipampunas sa namumuong dugo sa may ilong nito at sa may labi,bagamat
hindi niya nakikita ang mukha ay alam niyang umalsa ang kanyang nguso dahil sa pakiramdam niyang makapal ito dahil na rin sa lakas ng pagkakasuntok ni Luther.Panay ang dura niya dahil nalalasahan pa niya ang dugong lumalabas duon...pumutok din ang kanyang labi.
Ng dikawasaay tumunog ang cellphone niyang de key pad.
Kriiinngg!....krrrriiinngggg...
Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng jacket na kanyang hinubad at itinapat sa kanyang tenga.
"HELLO...."Matamlay niyang sagot.
Naramdaman din ni Randel ang katamlayan nito.
"...'tol,bakit wala ka pa dito para magremit ng benta,hindi ka ba papasok?"Sabi ni Randel na nasa kabilang linya."Hi-hindi muna ako paphasok..."Habang dampi-dampi nito ang kanyang bibig ng hawak na labakara.
"Bakit,ganyan kang magsalita para kang ngongo...may masakit ba sa'yo?
nasa'n ka ba pupuntahan kita...!Sabi ni Randel na sa kanyang pakiramdam ay di ayos ang pakiramdam ng kaibigan."Wag na...okay lang ako,shalamat sa pagaalala..."
"Hindi,punpunta ako dyan nasaan ka ba?"Hindi na rin ako papasok."Pangungulit nito di maiwasang magalala sa kaibigan.
Humugot ng malalim na hininga si Norman at dinig iyon sa kabilang linya na sa isip ni Randel ay may problema nga ito.
"Si-shige,..kung di ka faphasok...p'wedeng magkita na lang tayo d'yan sa inyo?"
"Hah,o-oo...sige...pagkatapos ko dito ay dideretso na ako pauwi...antayin mo na lang ako sa bahay."
"At pakishabi kay Mrs.Olivera na bukas na lang ako magreremit...okay 'tol?"
_ _ _
NAUNA pa si Randel sa kanila,at inantay nito sa may daan ang kaibigan at maya-maya lang ay namataan nitong padating na ang kaibigan.Nabaghan ito sa itsura ni Norman ng makita nitong humimpil sa kanyang harapan.
"Anong nangyari sa'yo?"Usisa nito sa
bagong dating habang nakatitig ito sa namamagang nguso ng kaibigan."Pwede,'mamaya ka na magtanong ?"
"O,eh,halika dito sa loob,pasok ka!"
"Wag na, ayohkong makita ng nanay mo itong itsura ko...duon na lang tayo
sa ilog."Sabi ng binata."Ha,di sige...sandali magpapaalam lang ako."At dali-dali itong nagpaalam sa ina at sa kanyang tiyahin.At may kinuha ito sa medicine cabinet at salaming maliit at isinupot ang mga
iyon at dali-daling lumabas ng bahay
akay ang bisekleta._ _ _
Ikinuwento ni Norman ang nanyari sa pagitan nila ni Luther.Tiim bagang na nakikinig si Randel.
Gusto ni Randel na sumbatan ang kaibigan dahil sa nangyari ngunit pinigilan ang sarili.Ayaw niyang makadagdag sa isipin nito.Nakaupo sila sa dati nilang puwesto sa ilog."Ang walanghiyang iyon...hinayupak siya.!"Gigil na nilamukos nito ang hawak na supot na plastik na pinaglagyan niya ng bulak,betadine,agua oxinada at salamin.Habang dinadampian ni Norman ng betedine ang pasa sa mukha gamit ang bulak at nakatunghay ito sa salamin."Wala ka ng paglaglagyan nitong mga avubot mo winasak mo na!"Kahit hirap ay napangisi ito.Tinapunan nito ng tingin ang di maipintang mukha ng kaibigan,galit na galit ito.