Chapter 40 :
"AT NGAYON MGA KAIBIGAN,mga giliw naming manonood!Pagkatapos na sumakit ang inyong tiyan sa katatawa at masaksaksihan ang ating
'Funny Magician'...ay dadako tayo dito
sa inyong pinananabikang bilang....at pinakahihintay na mapanood...ang ating si Reyna Sirkera Elsa sa kanyang
'Percha,the death defying act na ngayon n'yo lang makikita at matutunghayan!!".....Sumabog ang hiyawan at palakpakan ng mga manonood.Dahan-dahang sumindi ang ilaw sa ibabaw ng entablado kasunod nito ang isang spotlight at itinutok sa papalabas sa stage na si Reyna Sirkera Elsa.Nakatuntong ito sa balikat ng isang sirkero na mabulas naman ang pangangatawan.At pumalakpak ang babae,hudyat na siya ay tatalon pabagsak sa sahig at sumaludo sa mga tao.Nakasuot ito ng isang costume na one piece suit na puno ng makikislap na palamuti na kulay gold.Hubog na hubog ang kurba ng katawan ng dalaga sa suot na costume,hindi maitatanging siya ang panghatak ng tao ng sirkus na iyon,bukod sa kaseksihan nito ay may mukha pa itong napakaganda na hindi ka magsasawang titigan.Nagtumbling na inikot ng dalaga ang stage at ng bumalik sa gitna ay nag-split ito.Muling tumayo at nagbigay pugay sa mga tao.
"Mga giliw naming manonod!Sigaw ng announcer..."Sa kanyang unang bilang...ang Reyna Sirkera Elsa...!"
At humugong ang masigabong palakpakan.At pumuwesto ang dalaga sa gitna ng stage.
Iba't-ibang exhibition ang ipinamalas
nito.Foot joggling exhibition,chair balancing,pagtulay,pagluhod at pagsasayaw sa ibabaw ng alambre at kung ano-ano pa.At pagkatapos ng mga bilang na iyon ay yumukod ang dalaga upang magbigay pugay sa mga tao.Malapad ang ngiti nito dahil sobrang naramdaman niya ang pagtanggap ng tao sa kanyang ipinakitang performance.
Sa gilid ng stage ay napatayo si Renee,hindi rin magkamayaw sa pagpalakpak, ang lapad ng ngiti nito hangang-hanga sa kaibigan.
At sumabog ang sigawan at palakpakan ng manonood.Dahan-dahang pumusyaw ang ilaw sa stage at paatras na tumalikod si Elsa papasok sa loob habang patuloy sa palakpakan ang mga tao.
At ilang saglit ay muling umilaw ng maliwanag sa entablado.
"Mga kaibigan,once again palakpakan nating muli sa kanyang pagbabalik si
Reyna Sirkera Elsaaaa!!!"....Sa kanyang huling bilang ay hahandugan niya kayo ng natatangi niyang pagtatanghal!!!....Ang death-defying act na kung tawagin ay 'percha'!!!"
"At ngayon mga kaibigan...ang magsisilbing balancer ni Reyna Sirkera ay walang iba kundi si...at umalingaw-ngaw ang isang tunog bilang pagsalubong sa bagong ipinakikilala.
"Walang iba kundi ang kinagigiliwan n'yo sa flyingtrapeze....si Master Balancer at Master Trainer Jake Baldemor!!!!"Sinalubong ng masigabong palakpakan si Jake at yumukod ito sa madla bilang pagpupugay.
Si Renee ay parang napalis ang kasiyahang nararamdaman.Ang mga kamay na pandalas ang palakpak at bumagal at tumamlay.
KINABAHANG BIGLA...at di niya alam kung bakit,biglang kumabog ang dibdib.
"B-BAKIT SI JAKE???"....
KATANUNGANG NABUO SA KANYANG
ISIP."DIYOS KO,bakit ganito ang nararamdaman ko?"Tanong ng dalaga sa sarili.Kinilabutan ito sa isiping iyon.
*********
ITUTULOY....