Karnabal,buhay at pag-ibig

34 1 0
                                    

Chapter 2:

Binagtas ni Norman ang papunta sa kanyang puwesto kung saan naroon
ang kanyang hawak na ferriswheel.
Marami na rin ang mga tao nakita niya na pumipila sa mga rides.Magkakatabi ang mga bumper boat,isang kiddie ride na korteng dragon,isang Giant Spanish lantern wheel na katabi nito ang isang peep show pagkatapos ay katabi nito ang octupus ride na ma
ngilan -ngilan ring sakay at maririnig
ang tilian ng mga sakay duon.

Sa gitna naman ay ang magarang Grand carousel na madalang pa rin ang sakay dahil maaga pa naman ng mga
oras na iyon mga alas dos ng hapon.
Sa bandang kaliwa ay nasa unahan ang viking katabi nito ang horror train na pinag kakatakutan.At maraming shooting galleries at marami pang parlor games na pinagkakaaliwan ng mga bata.At sa banda roon ay isang circus na may magical act nasa gawing likura nito
ang liko -likong roller coaster.

Idagdag pa dito ang napakagandang
entrance gate ng Karnabal na parang palasyo na punong puno ng banderitas na ipinanggagayak sa mga
tao para pasukin ang karnabal.

Malapit na sa ferriswheel si Norman
ngunit may mga matang nakamasid sa kanya.Ang operator ng katabi niyang rides si Nestor ang operator ng
rollercoaster.Matagal ng napapansin
niya na parang mainit ang dugo sa kanya ni Nestor.Pinakikisamahan naman niya ito.Kay Norman ay walang masamang tinapay para sa kanya wala siyang inaargrabyado at malinis ang kanyang konsyensya.
Halos pareho lang silang maskulado ni Nestor at halos magkasing edad, lamang lang siya taas dito at ng ilang
paligo at syempre lamang siya sa kagwapuhan.(hehehe,yabang 'no?)

Hindi na lang pinansin ni Norman ang masamang tingin sa kanya ni Nestor at tuloy-tuloy itong pumasok
sa loob ng ferriswheel at pinalitan si
Boyet ang kanyang assistant driver.Maggagabi na mga alas sais na
ng hapon,mamayang mga alas otso ay
marami ng tao.Sana...dahil kundi dumami ang tao ay malaki ang malulugi kay Manang Gloria.Yun ang isang pangit na side ng karnabal,isa ring malaking sugal.Kailangan ay siguraduhing kikita ang karnabal na pinuhanan mo ng hindi birong salapi.

At pagmahina ang kita ng karnabal siguradong apektado rin ang nasasakupan mo.

_ _ _ _ _ _ _ _

Si Norman ay operator o driver ng ferriswheel.Operator ang tawag sa bawat nagpapatakbo ng rides.
Si Reneerose naman ay pamangkin ng
may ari ng karnabal,si Manang Gloria.
Manang Gloria ang tawag ng karamihan kahit hindi pa naman ito katandaan sa edad na singkwenta'y dos.Dahil bata ang itsura nitong tingnan.

_ _ _ _ _ _ __

Mahirap na masarap ang trabahong
Karnabal may pagkakaiba ito sa perya
dahil ang karnabal ay may bakod o nilalagyan ng magarbong gate.Samantalang ang perya ay pwedeng sa mga barangay o bayang
maliit na pwedeng lagyan ng sugal o beto-beto at iba pa,samantalang ang
Karnabal ay sa malaking siyudad o malalaking bayan itinatayo.
Bagamat iisa lang ang tawag sa kanila
peryante.

May kahirapan dahil kapagtapos na ang fiesta ay magpu-puldown o magbabaklas ng kung ano-anong puwesto bakal man yan o kahoy.Kailangang matiyaga ka sa kalakarang ito àt pursigido sa pagsama sa grupong ito.

Kagaya ngayon mahina ang kita hindi masyadong nag-click sa tao ang karnabal kaya maliit ang pumasok na
kita,maliit ang porsyento,dahil depende sa kita kung magkano ang mapupunta sa'yo,meron din namang buwanan.

Mahirap dahil para kayong iskwater
na itatapon sa ibang lugar,mga nagkalat ang mga gamit,kapag bagong
dating at kapag lilipat na.Na kung hindi sanay ang makakakita ay sasabihing mga basura,mga bahay-bahayang maliliit,mga tulugan na akala mo nagpipiknik sa plasa.

Ang karamihan ay kasa -kasama ang
mga pamilya.At sinasabi ng mga nakakakita na walang bayan at walang sariling bahay na akala mo ay itinakwil ng lipunan,pero ang panlalait ng iba ay walang katotohanan at iyon marahil ay ayon
lang sa kanilang nakikita at mga palagay.At ayon pa sa iba'y mga NPA o
No permanent address,kulang sa pinag -aralan dahil sa pagdadayo nga nabubuhay.Ngunit hindi naman lahat.

_ _ _ _ _ _ _ _

Pagpapakilala pa lang po ito kung paano mabuhay sa karnabal.

Itutoy...

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon