Karnabal,buhay at pag-ibig

14 1 0
                                    

Chapter 44 :

Pauwi na sila ay hindi mapigilan ni Norman na hindi usisain si Renee,habang naglalakad sila papuntang sasakyan ni Norman na owner type jeep.

"Tutuparin mo ba ang pangako mo kay....Elsa?"Napahinto si Renee sa di inaasahang tanong o dapat ay alam na niya na itatanong ni Norman iyon.Kaya dapat ay alam na niya kung ano ang isasagot.Nilingon nito ang binata,tinitigan at nakita niyang tila may ulap sa mga mata nito.At malumanay na na nagsalita.

"Sa ngayon ay...oo,Norman..a-ang pangako ay pangako...".Napatungo ang dalaga at kagat ang labi nito,ayaw
tingnan ang binatang naninimdim.

"Paano ako,tayo?Pati ba pintig ng puso mo ipagkakaloob mo sa kanya?
Paano naman ang tibok ng puso kong
nagmamahal sa'yo?"....Ikaw hindi mo ba ako mahal?"Hinagpis na tanong ng binata sa dalaga.

"Mahal kita Norman alam mo yan,ikaw lang ang una ko minahal  ngunit sa pagkakataong ito sana maunawaan mo ako.."

"Alalang-alala ka sa kanya."May tampo ng himig nito.

Natural lang 'yon siguro,nakakaawa ang kalagayan niya ngayon,kailangan niya ng karamay...hi-hindi pa s'ya nakakarecover sa mga nangyari at dinamdam niya ng labis ang pagkamatay ng kaibigan ko,sana maunawaan mo ang mga bagay na iyon Norman."Tumalikod ito at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa nakaparadang sasakyan.Naiwan si Norman na naisuntok ang kamao sa isang poste ng streetlight,tiimbagang.

Nakita iyon ni Renee at bumalik ito...
Lumingon sa paligid ang dalaga.

"Nasa kalye tayo Norman...hindi yata tamang dito mo sabihin ang gusto mong sabihin."Napayuko ang binata masama ang loob sa nangyayari...walang kibo itong sumunod sa dalaga na sumakay ng owner type jeep.Maging siya ay naninikip ang dibdib.Wala silang kibuan habang tumatakbo ang sasakyan.Napansin nito ang tila namagang kamay ng binata.Naawa siya rito ngunit di na lang siya kumibo.

Nasa higaan na si Renee ay di pa rin dalawin ng antok iniisip ang sitwasyong kinasangkutan kung alin ang mas matimbang ang pangako sa kaibigan o ang pagmamahal kay Norman.

Sa tagal din ng pinagsamahan nila sa karnabal,nakita niya kay Norman ang kabaitan nito,ang pagiging masikap,di nga ba't binigo niya noon si Jake dahil
ang tingin niya rito ay antipatiko at palikero...kahit na sabihing may kaya ito at may tinapos na pinagaralan,kaya hindi pa ito nakaka-firstbase ay binasted niya kaagad dahil ang puso niya ay inilaan niya kay Norman na siyang mahal niya.

Nguni't kanina ng mapagmasdan niya ito ay awang -awa siya kay Jake.Nawala na ang kislap na dati ay mababanaagan.Ang humpak niya ngayong pisngi at ang humahabang bigote at balbas,larawan ng isang mandirigmang talunan na parang ayaw ng mabuhay.Ang katawang dati ay makisig ngayon ay lupaypay at walang sigla.At ang paninisi sa sarili kung bakit nangyari iyon kay Elsa.Kay Elsa niya natagpuan ang tunay na pagibig.

Ah,sayang na pag-iibigan!

At siya paano ang binitiwan niyang pangako sa kaibigan?Paano si Norman na siyang tibok ng kanyang puso?Ang pintig nga ba ng kanyang puso ay handa niyang ipagkaloob kay Jake alang -alang sa isang pangako?
Namalayan na lang ni Renee na tumutulo na ang kanyang luha,at umuukilkil sa kanyang isip ang katanungang 'paano nga ba'?

PATULOY ang buhay sa karnabal...balik sa dati pagkatapos ng trahedya,nabawasan na ng isa sa grupo dahil tuluyan na itong tumigil  sa pagka-karnabal at ipinagbili na lang ni aling Selya ang circus ang mga kagamitan nito at ayaw niyang maalala ang mga bagay na magpapaalala sa kanya tungkol sa anak na si Elsa.ang mga entertainers gaya ng magician,dancers,mga sirkero ay nagsilipat sa iba't-ibang samahan,ang iba ay sa mga club at mga events ang iba ay nagsipag-abroad dahil nauso noon ang mga entertainers upang magpunta at makipagsapalaran sa bansang Japan.

Iba na ang katayuan ni Norman sa karnabal dahil sa ibinibigay nitong dedikasyon sa trabaho.Bukod sa pagiging chief mechanic ay isa na rin itong field manager ng karnabal at kung wala ito sa karnabal ay may inaasikaso itong iba at bumabalik na lang kung kinakailangan.At ang dating sasakyan nitong owner type jeep ngayon ay magarang kotse na,na katas ng kanyang pinagpaguran.

At kumusta si Renee?....Siya ngayon ay laging nasa poder ni Jake umaalalay dito,inuunawa... iniintindi,inaasikaso ang kalagayan kahit na ito ay naging bugnutin naging mahirap pakisamahan.Naluluha na lang ito,naalala niya si Norman,Kahit wala silang formal break-up ng binata ay alam niyang nauunawan nito kung bakit mas pinili niya si Jake,kaya miss na miss niya ang lalaki.

May hangganan ang pagtitimpi,hindi na nakatiis si Renee na pamukhaan si
Jake sa mga inuugali nito.Lalo na ng siya ay palayasin at pinagsabihang hindi niya kailangan ito.

Isang malalim na hugot sa dibdib at pinakawalan ito.

"Alam mo Jake,alam ko naman...pati ikaw sa sarili mo,ay alam mo kung bakit ka nagkakaganyan...bugnutin,laging mainit ang ulo at laging galit sa mundo!"May pangigigil na sabi nito.

"Hindi mo na maibabalik ang nakaraan...ang harapin mo ay ang katotohanang wala na si Elsa...ba't di mo idilat ang yong mata sa katotohanan."

Tiim-bagang na sumagot si Jake."Wala kang karapatang panghimasukan kung ano man ang nararamdaman kooooo!"Singhal nito sa dalaga,nakaupo ito sa kanyang wheelchair at tuluyan ng naputol ang
kaliwang paa nito.

At sa mahinang boses nito ito ay nagpasya."Malaya kang makaaalis dito sa aming pamamahay ng walang pipigil sa'yo."At astang tatalikuran ito ni Jake.Ipnihit ang wheelchair patalikod sa dalaga.

"Oo,Jake,aalis ako...pero ito ang tandaan mo,paikot-ikot lang ang mundo....kung inaakala mong mabubuhay ka sa nakaraan bahala ka ..."Kibit balikat ni Renee.

"Pero mo ring kakalimutang mayroong ngayon at bukas na maaring magbigay pa sa'yo ng pagbabago...d'yan ka na Jake....at salamat."Pagkasabi noon ay kinuha nito ang bag at dali-dali itong lumabas ng pintuan ni hindi na nakuhang magpaalam sa ina ni Jake.

Naiwang nagiisa ang lalaki nakatingin sa malayo,nagmuni-muni,inaarok na mabuti ang mga sinabi ni Renee.Siya man sa sarili ay bugnot minsan.Ano nga ba ang karapatan niyang pagsalitaan si Renee.Tutuo naman na ang nakaraan ay di na magbabalik.
Ginagabayan siya nito,iniintindi,inuunawa,inaaliw sa kanyang kalungkutan para maibsan ang kahungkagang  nadarama.Tama si Renee sa pagsasabing nabubuhay siya sa nakaraan...sa nakaraang di na maibabalik kailanman....

                *******************

Itutuloy....

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon