Karnabal,buhay at pag-ibig

48 2 0
                                    

Chapter 21:

(Flashback continues...)

"Naku!...baka di mo alam ang pamilya
n'yan,barumbado ang kuya niyan!"
Gagad na sabi ni Randel.

"Weeeh,ikaw talaga ang dami mong alam."Pagkasabi noo'y inakbayan ang
kaibigan.

"Tutuo ang sinasabi ko at minsan nga
nadaanan ko yan sa labas ng isang bar
na nakikipagsuntukan sa isang lasing
at natural lasing din s'ya kaya ayun pinagtulungang bugbugin.

"Tapos,anong nangyari...?"Tanong at
tumawa ito na animo inaasar ang kaibigan.

"Eh,ewan ko,dahil umalis na 'ko!"Parang naasar na sagot ng binata
para bang pinalalabas ng kaibigang tsimoso siya.

"Ano naman kasing ginagawa mo sa oras na yon at nanduon ka!"Pinadilat nito ang maliit na mata at tumingin sa binata.

"Eh,kasi 'tol,bibili ako ng gamot para kay nanay dahil ubos na ang gamot niya at dahil katabi ng botika yung bar kaya nakita ko ang pangyayari...."
Detalyadong saad nito sa binata.

"Ano,solve ka na sa paliwanag ko?"
Nakatingin ang binata na matawa-tawa.

"O,okey na 'tol,o,bakit parang iiyak ka na?"Tawa nito.

"At ipinasa mo sa akin talaga,ha!"Pang-aasar na balik nito kay Norman.At nagkatawanan ang dalawa.

Matapos makalabas ng bakuran ang kotseng sasakyan na sinasakyan nila Andee ay sumakay na rin ang dalawa sa kani-kanilang bisekleta.

At minsan pa...

"Tol,pinaalahanan lang kita 'wag mong sabihing hindi,...mahirap abutin ang langit lalo na't nandito lang tayo sa lupa."

Hindi umimik ang binata at pumidal na rin ito kasunod ng kaibigan.

Ng hapong iyon ay di mapakali ang binata nami-miss niya si Andee.Wala mang pormal na namamagitan sa kanila para sa kanya ay sasagutin siya
nito base na rin sa pagtinging iniuukol sa kanya ng dalaga.

Kinuha nito ang de-keypad na cellphone at idinayal ang numero ni Andee.

KkrrrrIIIIiiiinnnnng,...kkrrrriiiinng!!

Kasalukuyang nasa terrace ang magpinsang Nova at Andee at nagmemeryenda,hindi naman nakaregister sa kanyang phone ang pangalan ng caller at hindi niya tanda
ang number ni Norman ng unang tinawagan siya nito.Biglang pumintig ng mabilis ang puso ng dalaga at napapikit itong dinampot ang cellphone at itinapat sa tenga.

"Hello?Sino 'to?"Tanong ng dalaga.

"PEACE BE WITH YOU...Happy good Sunday.."Sabi ng nasa kabilang linya
Na sa pandinig ng dalaga ay punong-puno ng sinseridad.

"Peace be with you,too...Norman?"Animo napakaraming paro-paro ang nasa paligid ng dalaga at bilang babae ay napapaligiran siya ng mga ito.

Si Nova naman ay tahimik sa kabilang upuan at tuloy sa pagmimimeryenda.
Panay ang thumb-up nito sa pinsan.

"Napatawag ka?"Napalunok ito.

"Namiss kasi kita...hinahanap-hanap ko ang presensya mo...ku-kung alam mo lang kung gaano ka hinahanap ng puso ko,dahil m......!

Hindi naituloy ng binata ang sasabihin...nabitin tuloy siya... nakaramdam ng pagkadismaya ang dalaga inaasam na itutuloy ng binata
ang sasabihin nito.

"Pwede bang magkita tayo?"Saad ng
binata,talagang pinangatawanan ng lalaki ang mga sinasabi nito dahil miss na miss niya ang dalaga.

"Ha,Saan?"Bantulot ang dalaga di malaman kung sasagot ng oo o hindi.

"Alam mo ba yung sa burol...malapit lang iyon d'yan sa labas ng gate ng sab
dibisyon ninyo...?"

"O,oo,pe-pero...hindi pa ako nakapupunta duon."Nasa tabi n'ya pala si Nova at pinakikinggan ang paguusap ng dalawa,hindi niya pwedeng ilakas ang speaker dahil baka marinig sila ng ina kaya kuntento na lang na nakadikit din ang tenga nito na nasa balikat ng dalaga at hindi ito nakatiis siya ang sumagot at kinuha nito ang cellphone ng dalaga.

"O,oo...Norman,pwede s'ya malapit lang naman dito 'yung burol at saka magba-bike na lang siya...di ba insan?"Siniko nito ng bahagya ang katabi.

"Ha,o-oo...sige,sige."Nasabi na lang nito kahit nalito sa biglang desisyon.
Nalito sa ideya ng pinsan.

"Mamayang alas singko sa burol.....yessss!!"Narinig pa niyang sabi ng binata ng ibaba nito ang telepono.

"Akong bahala,leave it to me insan,wala naman dito si kuya Luther 
pagkahatid sa atin dito sa bahay ay umalis na rin at siguradong nasa barkada na naman niya iyon."Paninigurado ni Nova.

"At si tita maya-maya lang ay nasa kwarto na niya ito at bababa iyon alas syete na ng gabi kaya pwedeng-pwede ka..!"At inilagay ang dalawa nitong kamay sa bewang na nakugalian na niya.

"Basta akong bahala.'wag mong iindyanin si Pogi dahil bet ko siya para sa'yo."At kinilig-kilig pa ito.

_ _ _

First time niyang ginawa iyon dahil na rin siguro sa panunulsol ng pinsan.
Pero nasa kanya ang desisyon kung ayaw o gusto niya.Pero hindi n'ya rin mapigilan ang sarili na hindi makipagtagpo sa binata dahil mahal na niya ito kahit walang pormal na panliligaw sa kanya.Gusto niyang marinig ang salitang ibinitin ng binata.At malalaman niya ito,ngayon!

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Itutuloy....

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon