Karnabal,buhay at pag-ibig

37 1 0
                                    

(Ang pagpapatuloy sa istorya ng pagbabalik tanaw ni Norman...)

ANG HULING YUGTO SA PAGBABALIK
TANAW.

Chapter 35 :

At SA WAKAS ay nakarating ang magkasintahan sa high-way kung saan sila nagmula,magkahawak-kamay ang dalawa at palinga-linga.Napansin nila ang kapaligiran,ganoon ba kalakas ang ulan kagabi dahil ang nakita nila ay halos nakatumbang puno ng saging na nakatumba sa gilid ng kalsada at iba naman ay puno ng Sta.Elena o ipil?

"Tena duon sa unahan...hanapin natin ang motorsiklo at kumaliwa sila pabalik sa pinanggalingan kagabi upang hanapin ang naubusang gas na motorsiklo ni Randel.Alas singko pa lang ng umaga wala pang sasakyang dumaraan nababalot pa ng hamog ang kapaligiran,mga kalahating kilometro siguro ang layo ng pinagtigilan ng motor sa kanto sa tantya ni Norman.

"Bilis Andee,kailangan nating makaalis dito!"Akay nito sa dalaga at lakad takbo nilang binaybay ang high-way patungo sa hinahanap na motor.

SAMANTALA,alalang-alala si Randel sa kaibigan na baka kung ano na ang
nangyari dito."Diyos 'wag n'yo itulot na may mangyaring masama sa kaibigan ko!"Usal ng binata,naisip n'ya rin si Nova baka kung ano na ang ginawa ng pinsan nitong si Luther sa babae.Nagpasya ang lalaki,susundan niya ang dalawa baka makatulong siya kung makikita niya ang mga ito.Humiram siya ng motorsiklo sa isang kakilala at hindi naman siya napahiya kaya tinugpa niya daan kagabi kung saan si Norman at Andee
ay tumalilis at tumakas.

NATAGPUAN na nila Norman at Andee
ang itim na motor nakatumba ito sa gilid ng high-way kaya hindi nila agad napansin at isa pa ay katabi rin nito ang isang nabuwal na puno ng saging
kaya hindi agad nila nakita.Salamat at walang nakapansin dito dahil hindi nawala,nanduon pa rin ang susi ng motor.Itinayo ni Norman ang motor at sinasalinan ng gasolina.Mailap ang mata nila,palinga -linga sa paligid.Hindi nawawala ang kaba sa didib ng dalaga.Nakabantay ito kung saan sila nanggaling kagabi nakahalukipkip ito at paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa ginagawa ng binata.Nawawala na ang
makapal na hamog sa paligid at ang  ang papasikat na araw ang unti-unting pumapalit.

Ng biglang isang van na kulay pula ang tumigil sa may harapan ni Andee.
At bumaba ang mga sakay nito.Si Brandon,si Omar si Jethro at ang nagmamanehong si Luther na huling bumaba.Napasigaw si Andee at agad siyang tatakbo sana sa kinaroroonan ni Norman na dalawang dipa ang layo sa kanya ngunit huli na naagapan na nila Omar at Jethro ang mga kamay ng dalaga.

"Bit-bitawan n'yo akoooo!"Pagpipiglas ng babae pero hindi siya makabitaw sa pagkakahawak ng dalawa.

"Ikaw,naman love,ayaw mo ba sa akin
at sa gunggong na 'yan gusto mong sumama,ha!"Nangigigil na sabi ni Jethro sa dalaga.

"Ano bang meron ang  'kupal' na 'yan at sa kanya ibig mong sumama ha??"At hinila nito ang buhok ng babae.

"A-aaraayy,ang buhok kooo!"Sigaw nito sa lalaki.

"At saan sa palagay ninyo kayo pupunta,hahh?"Lumapit si Luther kay Norman na nakatingkayad ang pagkakaupo na nasa tabi ng motor,si Luther ay may hawak itong baril at ubod ng lakas na sinipa nito ang binata at nahulog ito sa di kalalimang
kanal.

"Sige,isakay ninyo ang babaeng 'yan!"
Pinalapit ni Jethro si Brandon para pumalit sa kanya sa pagkakahawak kay Andee.At nilapitan ang papatayong si Norman at hinila ang binata at pinitserahan ito.

"Bago kayo maghiwalay ng love ko,eto
muna ang sa'yooo!"At sunod-sunod na painaulanan ng suntok ang mukha ng binata.

"Nagsisisigaw si Andee dahil hindi makayanan ang ginagawang panggugulpi sa kasintahan.

"Parang awa n'yo na itigil nyo na yaannn!!!"Pagsusumamo nito.Naisakay siya ng dalawang lalaki
sa van kaya hindi na niya makita ang nangyayari dito.Nag-hyterical na ang dalaga."Normannnn!Tulungan mo 'koooo ayokong sumama sa kanilaaaa!"Palahaw ni Andee,hindi n'ya alam na patuloy na pinaggugulpi ito ni Jethro dahil nasa loob na siya ng sasakyan.

Sunod-sunod ang suntok na natanggap ng binata kaya tumimbuwang ito sa madamong kanal.Tumalikod na si Jethro pasakay sa van.Naiwan si Luther na may hawak na baril at itinutok ito sa nakatihayang binata na duguan ang mukha.

"Pababaunan kita ng di mo makakalimutang araw sa buhay mo...at yun kailan man ay di mo na maaalala dahil mamamatay ka naaaaa...hayup kaaaa!!!"At ipinutok nito sa binata ang hawak na baril na ikinatili ni Andee.

"EEEEEEEEEEEEeeeeeeee!!!!!!!!!!!!!!!!"

"TAYO NA!"Dali-daling sumakay ng van ang lalaki at pamaniobrang inikot ang sasakyan at pinaharurot ito palayo.

Naiwan si Norman na buhay pa dahil hindi siya napuruhan nadaplisan lang
ito sa kaliwang braso.Inot na gumapang ito paibabaw ng kalsada,hingal na hingal ito nakasubsob sa lupa ngunit nanghihina at nawalan ito ng malay.

May kalahating oras si Norman sa ganoong sitwasyon.Nakadapa ito malapit na sa  sementadong kalsada.
Ng sa di kalayuan ay may paparating na pick-up,lulan nito ay si manang Gloria, ang driver ng pick-van na si Nestor at dalawang lalaki na nasa likod ng pick-up.Galing silang Sto.Cisto.

Napansin nito ang tila bulto ng katawang nakahandusay sa daan.

"Ano ba yung parang katawan ng tao
ang nakahandusay sa daan Nestor?"Tanong nito sa lalaki."Naku,manang Gloria minsan ho 'wag tayong maniniwala sa ganyan
baka ho nagpapatay-patayan lang yan
tapos pag tinigilan natin ay mga holdaper pala.."

"Ganun ba?"Napaisip ang babae."Iminor mo ang takbo Nestor."

"Pe-pero,manang..."At nalampasan nila ng kaunti ang nakalugmok na binata.At ng medyo nakalampas sila ay parang may kung anong bagay ang kumalabit sa puso ng ginang at nagpasya itong pahintuin ang sasakyan.Tao nga ang nakahandusay sa tabing kalsada.

Samantala parating naman si Randel at kinabahan ito ng makita ang motor na nasa gilid ng kanal ngunit wala ang dalawang hinahanap.Nakita pa nito ang ilang bakas ng dugo ruon.Kinabahan ang kaibigan ni Norman dahil sa nakitang mga patak ng dugo.

"D'yos ko,wala po sanang nangyaring
masama sa dalawa.!"

SA OSPITAL NA NAGKAMALAY SI NORMAN.Hindi niya kilala ang mga taong nakapaligid sa kanya.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ __ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Itutuloy...

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon