Chapter 23:
(Flashback continues...)
At lumapit ang dalaga sa binata at ng
magharap ay muli silang nagyakap.
Hinawakan ng binata ang baba ng dalaga."Saksi ang lugar na ito sa pagmamahalan nating dalawa,..mahal
na mahal kita Andee."At ginawaran ito ng halik sa noo ang dalaga."Ako man,ikaw lang ang aking mamahalin...saksi ang napakagandang lugar na ito."Kapagkuwa'y lumayo ito ng bahagya at tinukso ang binata.
"Eh,kasi naman dinaan mo ako sa bilis at dinala mo ako dito sa may napagandang view kaya napasagot mo agad ako!"Hagikgik nito.
"A,ganoon!"At hinabol ang dalaga at nagpaikot-ikot sila sa malaking puno na naghahabulan at nahuli ng binata ang dalaga.
"Anong sinabi mo?Kunwa'y kunot noo
ng binata ng magkatitigan sila."Wala,sabi ko...mahal kita."Nanunukso ang mga labi ng dalaga.At inilapat pang minsan ng binata ang labi nito kay Andee.
Ng tila nagulantang ang dalaga at napatayo ito.
"Kailangan kunang umuwi baka hanapin ako sa amin...maggagabi na!"
"Ha,ah,oo,sige...tena ihahatid na kita."
Walang pagtutol na sabi ng binata.
Bumaba ng gulod ang dalawa at inihatid pa ni Norman sa gate ng subdibisyon ang dalaga,nakita sila ng
gwardya at namukhaan nito si Norman dahil sa bisekleta nito.Gusto sanang umiwas ng binata para hindi
mapansin ng gwardya ang presensya niya ngunit huli na."Bah,boy nandito ka ?"Bati ng gwardya sabay tingin sa dalagang papasok ng gate.
"Ah,eh,may pinuntahan lang ako sa banda ruon,kuya...at nakita kita kaya
tumigil ako sandali para...para kumustahin ka...!"Hindi n'ya alam kung maniniwala sa alibay ang sikyu.Basta ang mga mata niya ay nakatuon sa papalayong dalaga na papasok sa subdibisyon."A,gano'n ba...parang namiss mo ako ah,hahaha!"Tawa nito.
"Oo,nga eh..!"Sakay naman niNorman sa biro nito at ng hindi na matanaw si
Andee sa paningin ay..."Sige,kuya,una na 'ko,maggagabi na,e."
Paalam nito."Sige,ingat!"Kaway ng gwardya sa binata.
_ _ _
Ng gabing iyon hindi pinatulog si Andee sa kakukulit ni Nova kung anong nangyari sa pagtatagpo nila ni Norman.Pangiti-ngiti lang siya dito yakap ang kanyang unan.
"Ano ba,insan magkuwento ka nga...nakakabato ka naman ,eh!"Nagtamtampong sabi nito
nanunulis ang nguso."Oo,na nga...kami na...!"Walang gatol na sabi ni Andee.
Nanlaki naman ang mata ni Nova at kinumpirma ang sinasabi ni Andee.
"Ang ibig mong sabihin...as in mag-jowa na kayo,agad-agad?"Nanlalaki ang mga mata nito at sisigaw sana ito para magbunyi ngunit maagap na natakpan ng unan ni Andee ang bibig nito.
"Heh,ano ba,napakaiskandolosa mo,marinig ka ni mama!"
"So-sorry."Hinging paumanhin nito ng maalis ang unan sa mukha.Pero nanduon ang kilig.
"Ano pa,ano pa...nangyari."Hirit nito sa mahinang boses.
"Heh,matulog na tayo buti pa...may klase pa tayo bukas...Sabi nito.
"Ay,killjoy...kainis ka....!Sabay higa nito
sa kanyang kama at pinatay naman ni
Andee ang lampshade._ _ __ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Itutuloy...