Chapter 14:
Flashback continues....
"'Yaan mo,balang araw magkikita rin kayo ng tatay mo...itaga mo sa bato!"
Pampalubag loob ni Norman sa kaibigan."Tara....."At pinaharurut ng dalawa ang kani-kanilang bisekleta.At nagkarera ang mga ito.
Isang araw noon,hindi raw papasok sa iskul si Randel."Ha?Bakit?...Tanong
ni Norman."Eh si nanay medyo inuubo na naman,alam mo na walang
makakasama sa bahay baka kung mapano "yon.""Ah,kaya pala nagtataka ako kung bakit konti lang ang itininda mong pandesal ngayong umaga."
Tumango lang si Randel,bakas ang lungkot sa mukha,habang inaayos ang
bike para makauwi na."O,pa'no una na ko walang kasama si nanay ikaw na bahala.""Oo,sige,ako ng bahalang magsabi sa
iskwelang absent ka,pakisabi kay aling Melda magpagaling s'ya."Sumakay sa kanyang bike si Randel at
nakipag-fistbump sa kaibigan."Sige makakarating."At tuloy-tuloy na
itong nagpedal papalayo,pauwi sa kanilang barangay.Mga tatlong baryo ang madadaanan bago ang kila Randel samantalang sila Norman ay malapit lang dito sa bayan ang tirahan.Ang bakery ay nasa mismong sentro ng bayan.Maya-maya ay nagpedal na rin ito at
nagmamadaling umuwi dahil oras na
ng pasok alas sais y medya na noon ng
umaga.Kahit ganon ang ina sa kanya ay inaabutan n'ya kahit papaano.Naabutan niya ito sa bahay na naglilinis.Dumukot ng pera ang binata
tatlong dadaanin ang inabot sa ina na
parang walang nakita ng dumating siya.Nagmano muna ito."Inay,eto ho,pasensya na po medyo mahina ang
benta."Inabot naman nito ang kamay
at itinuloy ang pagwawalis at animo
walang balak kunin ang ibinibigay na
pera ng ina."Nay,sige na po kahit pandagdag lang sa pambili ng ulam."Tiningnan naman ni aling Ditas ang anak at inabot na rin nito ang pera sa
binata."O,s'ya salamat...kumain ka muna bago ka pumasok sa eskwela."Kahit matabang na parang walang gana ang ina ng kinuha nito ang pera ay masaya na si Norman sa gano'n.Hindi naman ito katulad ng ibang ina na halos kuhanin lahat ang
kinikita ng anak,at wala rin naman itong bisyo.Magmula ng napangasawa
nito ang madrastong si tiyo Geron ay
pinatigil na ito sa pananahi.Duon na lang daw ito sa bahay at alagaan ang
sarili dahil buntis na ito sa kanyang magiging kapatid.Masaya rin si Norman dahil magkakaroon na rin siya ng kapatid
kahit sa ina man lang.Sa isip ng binata
ay mamahalin niya ito.Hindi siya katulad ng mga kapatid sa ama na hindi kinikilala ang iba pang anak ng ama.Kabilang na s'ya.
"O,bakit di ka kumain."Sabi ng ina ng
papalabas s'ya ng pinto at nakabihis na ito ng pangeskwela."Eh,nagkape na
ho ako baka kasi mahuli na ako sa iskul,sige po 'nay.!At tuloy na itong lumabas ng tarangkahan sakay ng kanyang bisekleta.Malungkot si Norman dahil absent ngayon si Randel.Naisip ni tong sana ay okay lang ang ina nito.At naawa rin
sa kaibigan dahil dadalawa lang silang nagtutulungang magina.May talino rin sa pagaaral si Randel at kung tutuusin siya ay ganun din.Siguro dahil pareho nilang pangarap ang makapagtapos ng pagaaral ay nagpupursige sila.At hindi
naman sila nahuhuli sa grado ng mga
kaeskwelang may matataas ding marka. Yun nga lang hindi maiaalis kay Randel na umabsent ito dahil sa kalagayan ng ina.Hapon ,palabas na ng iskul si Norman
akay nito ang bisekleta dahil malambot ang gulong nito at balak nitong pabombahan sa malapit sa vulcanizing shop naglakad ito akay ang bisekleta sa banketa ng mapansin
niya si Randel sa kabilang kalsada at animo humahangos ito patungo sa may palengke kung saan naruon ang botika.Tinatawag niya ito pero hindi s'ya naririnig.Siya naman palibhasa ang pansin n'ya ay nasa kaibigan na nasa kabilang kalsada.Hindi niya rin
pansin na mabubunggo niya ang dalawang babae pasalubong sa kanya.Nakauniporme din ang mga ito,tanda na estudyante rin ang dalawa.Nabangga niya ang babae sa balikat kung saan may kipkip itong
mga kuwaderno at ang kanya namang bag ay nasa kaliwang balikat
nito."Ayyy,tili ng babae kumalat ang kipkip
nitong mga kuwaderno.SiNorman naman ay na-out of balance dahil siya
ay natumba sa gilid at bumagsak ito sa ibaba ng bangketa kung saan nakadagan siya sa bisekleta ngunit ang isa naman nitong paa ay umipit sa may ilalim ng gulong at ang isang kamay ay nakatukod sa simento kaya hindi nya agad magawang makatayo."Naku ang mama!!"Sigaw ng kasama
ng babaeng nakabanggaan ni Norman."Halika,tulungan natinnn!!"Sabay na bumaba sa banketa ang dalawa hindi nila inintindi ang nakakalat na mga kuwaderno ang nasa isip nila ay ang binatang hindi agad makatayo dahil sa pagkakaipit ng paa.
Pinagtulungan nilang iangat ang unahang gulong kung saan ang paa ng
binata ay nakaipit.At ng maiangat ng dalawa ang gulong ay naipwersa naman ng binata ang sarili para makatayo.Noon ay pawis na ang binata.Nakatayo na ito ng diretso ngunit masakit ang binti dahil sa pagkakaipit at ang kanang brasong nakatukod sa simento ay nagkagasgas.
Nakangiwi ang binata sa hapding naramdaman sa nagasgas na braso."Na-naku,pasensya na mama,hindi kasi kami nakatingin nitong pinsan friend ko
sa dinadaanan!"Hingi ng paumanhin
ng babaeng nakabangga ni Norman.
Napatulala naman si Norman ng mapansin ang babae,sumasal ang dibdib at nag -asta itong bale wala ang
nangyari.Pilit na binabale wala ang hapding nararamdaman sa braso at animo balewalang pangiti-ngiti ito.Ngayon lang tumibok ng ganuon ang dibdib ng binata.Ang maamo nitong
mukha ang maputi nitong kulay ang mata nito na kung tumitig ay animo
magnetong hihigop sa'yong kabuuan.
Ang mga labing natural ang pagkapula na animo"y nanghahalina.
Maging ang katamtamang tangos ng
ilong nito na bagay na bagay sa hugis
ng kanyang mukha.At ang buhok na lampas balikat na nakapusod lamang.Natulala lang si Norman at hindi nakapagsalita sa wari ay para itong namatanda.
_ _ _ _ _ _ _ _
Itutuloy.....