Karnabal,buhay at pag-ibig

42 1 0
                                    

Chapter 27 :

(Ang pagpapatuloy ng istorya...sa pagbabalik tanaw ni Norman.)

Nagdaan pa ang mga araw...isang tawag ang nagpabalikwas kay Norman dahil nagiisip siya ng paraan
kung pa'no sila magkikita ng nililiyag na si Andee.Miss na miss na niya ang dalaga,at marahil ay ganun din ito sa
kanya.Nawala ang kanilang komunikasyon magmula noong mahuli sila.

Kinuha niya ang nagri-ring na cellphone sa pantalon na nakasabit sa
likod ng pintuan.

"HELLO,SINO 'TO?"Nagantay ng sagot
ang binata na nasa kabilang linya.

"Hello,Norman?Si Nova ito!"

"Hah,Nova?"Biglang naexcite ang binata ng marinig ang boses ng babae.

"Ku-kumusta na,si Andee,kumusta na s'ya!"Gusto ko siyang makausap kung
pwede!"Sabik na sabi nito.

"Ah,Norman madalian lang ito...dahil baka mahuli kami ni tita. Kung gusto mong magkita  kayo ay pumunta ka sa plaza ngayong
gabi alas otso duon sa may perya.Kasi uuwi ako sa amin nagpaalam ako kay
tita na mamimeyesta ako dahil bisperas na ngayon ng fiesta di ba?"

",Hoy,nakikinig ka ba Norman?"

"Ha,?O,oo-nakikinig akong mabuti!"

Nagpatuloy si Nova..."Pagkakataon n'yo na ito dahil bukas din ay isasama
ni kuya Luther sa Maynila upang duon na magaral."

"Ano?Napalakas ang boses ng binata sa isip ay hindi siya papayag na magkakahiwalay sila ng ganun-ganun
lang.

"At binigyan siya ng pagkakataon ni kuya Luther na sumama sa akin,d'yan
sa amin sa bayan para daw sa huling gabi niya rito bago siya isama sa Maynila tutal naman daw ay fiesta,pero nagbigay siya ng ultimatum sa akin na ako raw ang mananagot sa kanya kung sakaling may mangyaring anuman kay Andee...
ka-kaya umoo ako...pero di ko matiis ang pinsan ko lagi siyang umiiyak at lagi kang naalala...kaya ako na lang ang gumawa  ng paraan para makausap ka,kasi kinumpiska ni kuya Luther yung cp n'ya...at dahil sem-break ngayon ayun laging nakakulong
sa kwarto hindi pinalalabas ni kuya...buti na nga lang at fiesta sa bayan at nakiusap akong uuwi muna..."Mahabang paliwanag ni Nova
sa binata.

Mataman namang nakikinig ang lalaki awa at pagalala ang nararamdaman para sa kasintahan.

"Kaya nga,ako na rin ang nakaisip nito para kahit man lang sa huli
ninyong pagkikita.!"

Animo natulig si Norman sa huling sinabi ni Nova.At tila umalingawngaw
pa sa kanyang pandinig.

"KAHIT SA HULI NINYONG
PAGKIKITA???"

Hindi,hindi siya papayag na ganun-ganun lang ay maghihiwalay sila.Kaya nagpasya ito.

"Oo,darating ako sabihin mo magkikita kami mamaya...pwede ba s'yang makausap?"

"Nandun siya sa itaas,nagkukulong ayaw makipagusap kahit kanino,pero nasabi ko na sa kanyang uuwi kami ng bayan,tumango lang siya,hindi n'ya nga alam na kinontak kita...pero pagnasabi ko sa kanya ang pagkikita n'yo siguradong sasaya 'yon kaya kahit anong mangyari 'wag mong pababayaan ang pinsan ko ha?kundi
ikaw ang lagot sa akin!"

Tila nanggigigil pang sabi ni Nova.

"O,sige ibaba ko na ito...sa plaza sa may perya alas otso ng gabi sa kantin ng patio."

"Oo,tatandaan ko,salamat at ikumusta
mo ako sa mahal ko...TSUUPP!"

At narinig pa ni Nova ang paghalik ni Norman sa cellphone.Napailag pa ito sa ginawa ng binata,pero naanduon ang kilig."Hayy,pagibig nga naman."
At niyakap ang sarili.

"YESSSS!!!"Asta ng binata at sumuntok ito sa hangin.Kailangang paghandaan niya ang pagkikita nilang
iyon at sisiguruhin niyang hindi na sila mahuhuli ni Luther.Dahil ayon na rin kay Nova ay nanduon na ito sa bayan sa isang barangay duon at kasa
kasama na nito ang mga barkadang nagpapakasaya kahit na bisperas pa lang.

Tinawagan ni Norman si Randel na nasa ilog at maliligo,lulusong na lang ito sa ilog ng tumunog ang cp niyang nakapatong sa twalya

'Tol,nasaan ka?"Tanong nito,may naririnig siyang lagaslas ng tubig.

"Nandito ako sa ilog maliligo,bakit?"

"Wow,naman sayang nasa ilog ka pala
ang sarap magtampisaw d'yan."

"Di punta ka dito,sabi ni Randel.

"Gusto ko sana pero 'wag na dito na lang ako maliligo."Sabi nito.

"Tol,may lakad ka ba?

"Wala naman....",Bakit ba."Habang umupo ito at  dumampot ng  ng bato at ipinukol sa gitna ng ilog na nakasanayan na nilang gawin ni Norman.

"Samahan mo 'ko sa plaza mamaya mga alas otso ng gabi dahil magkikita kami ni Andee."Gulat si Randel.

",Ha,paanong....!"

"Basta,wala ng tanong tanong,basta kita tayo mamaya sa plaza sa perya,ha?"

"O,oo,sige....at may sorpresa rin ako sa'yo,!"Tumawa ang binata.

"Anong sorpresa?"

Sorpresa nga,di ba!?"

"S'ya,s'ya...oo,na pinagiisip mo pa 'ko kung ano yung sorpresa mo.."

"Eh,kasi naman kung kelan sem-break
dun dumalang ang ating pagkikita tapos tinamad ka na yatang magtinda
ng pandesal ayaw mo na yata akong kasama ,eh...."

"UNNGGUYYY!!"Tampo-tampo ka dyan,hindi bagay sa'yo,gago!hahahaha!"Halakhak nito,tila natulig naman si Randel sa lakas ng tawa nito.

"Hoy,ungas na supot,hahanapin mo rin ako!!!hahahahaha!!!!"
At naghalakhakan ang dalawang 'gago'.

At masayang nagpaalaman ang dalawa sa telepono.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ __

Subaybayan ang may naiibang kwento!

Itutuloy....

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon