(Ang huling yugto sa pagbabalik tanaw...)
Chapter 36 :
SA OSPITAL NA NAGKAMALAY ANG BINATA.May mga taong nakapaligid sa kanya na hindi n'ya kilala at nalaman niyang mga taong karnabal ang mga ito.
"Ako nga pala si Ona,ang sekretarya ni
Manang Gloria,ang may-ari ng karnabal na nagdala sa'yo dito sa ospital."Pagpapakilala ng kwarenta anyos na babae."Ako ang naatasan niyang umasikaso sa'yo...dahil may iba pa siyang dapat tapusin."
"Kumusta na ang pakiramdam mo?...sabi ng doktor ay pwede ka na raw lumabas mamayang hapon."
Nakamata lang ang binata,ang nasa isip nito ay si Andee.Kung ano na ang nangyari dito.Tiyak niyang nasa malayo siyang lugar at hindi niya alam kung saang ospital siya naruruon ngayon,gayun pa ma'y napakalaki ng pasasalamat niya sa mga taong ito na tumulong sa kanya.Sa isip ng binata ay hindi mababayaran ng anuman ang kabutihang ibinigay sa kanya ng mga
taong ito, partikular sa babaeng si manang Gloria na nagdala sa kanya sa
ospital at sa iba pang mga kasama nito."SA-salamat po ng marami,tatanawin ko pong malaking utang ng loob sa inyo ang pangalawa kong buhay."Sabi
nito sa babae na matamang nakatingin sa kanya."Ah,wag mong intindihin ' yon..at isa pa ay kay manang Gloria mo sabihin ang mga bagay na 'yan."Ngiti ng babae
sa binata.Hindi na nagusisa pa ang babae ng kung ano-ano sa binata.Kinahapunan ay lumabas na ito ng ospital isinakay siya sa kotse at
tuloy sa kung saan,tinitingnan ng binata ang kanilang dinadaanan,pumasok ito sa tila stadium o oval na malapad sa paningin at pagpasok nila duon ay napansin niya ang mga tao na abala sa kanilang ginagawa.May mga trailer
at mga tenwheeler trucks na nakaparada sa iba-'ibang parte ng stadium may mga karga itong mga ibat'-ibang mga bakal na sa wari ni Norman ay mga rides,ang iba namang truck ang mga sakay ay mga kahoy at nakita n'ya na may mga nakasakay na mga tao sa ibabaw ng bultong kargada ng bawat tenwheelers mga babae,lalaki at mga bata.At ng ng makababa ay nagumpisa ng magdiskarga ang mga kalalakihan sa bawat tenwheeler
truck.Ang mga kababaihan at mga bata ay sumilong sa may bandang bubong ng stadium at abala naman sa pagaasikaso ng mga nagtatrabaho,At naramdaman ni Norman ang kakaibang pakiramdam sa paligid,ang mga masisiglang mga tao na bagaman
pagod ay masaya naman sa kanilang ginagawa.Ito ay isang realidad ng buhay,magbatak ng buto upang mabuhay para sa pamiya,para sa sarili at para na rin sa iba.Napabuntunghininga ng malalim ang binata.Nagkalat na ang mga ibat-ibang gamit na nakalatag sa lupa kaipala'y bagong dating ang mga iyon
para sa isang malaking karnabal para
sa nalalapit na kapistahan ng patrong si San Isidro.Mga ilang araw pa at nagkausap sila ni manang Gloria ng ayos na ang lahat sa karnabal at handa na itong magoperate."Ma'm,marami pong salamat sa pagtulong n'yo po sa akin,u-utang ko po sa inyo ang buhay ko...ma'm."Sabi ni Norman na nakaupo sa harap ng mesa ng babae.
"Wala iyon,'wag mong isipin...kahit sino ay gagawin iyon para sa nangangailangan."
"Napakabuti po ninyo...Ma'm..."Taos sa pusong wika ng binata.Isinalaysay ng binata ang lahat,mula umpisa hanggang sa matagpuan siya ng mabait ng Ginang.Mataman namang nakinig ito sa binata.Nanduon ang awa at paghanga sa lalaki.
"Ano ang plano mo ngayon,Norman?"
Kung ganyang hindi ka pa pwedeng bumalik sa inyo....ay inaalok ko sa'yo na dito ka muna sa karnabal at kung mapagpasyahan mo na kung ano ang dapat mong gawin ay nasa sa'yo ang huling desisyon..."Matamang nagisip ang binata...
"Su-subukan ko pong maranasan kung paano po ang buhay dito sa karnabal."Walang dalawang salitang sabi ng binata,at tumingin ito sa babae.
"Ah,o sige Norman,good at welcome sa bago mong buhay...pinaalala ko lang sa'yo hindi madali ang buhay dito at ang maging isang peryante.Sakripisyo,sipag at tiyaga ang kailangan...at pasensya."Pahabol pa ni manang Gloria.