Karnabal,buhay at pagibig

25 1 0
                                    

Chapter 11:

SAMANTALA...

Nasa kubol niya si Norman ng mga oras na iyon,solo lang niya ang kubol (habong) kung tawagin ng mga peryante.Ang iba niyang kasama at tauhan ay may sariling habong na nasa bandang likod ng ferris wheel katabi ng sa kanya.

Nagmumuni-muni ito,iniisip kung saan patungo ang panunuyo niya kay
Renee,kinaiinipan niya ang bagay na iyon.Marahil talagang pagtinging kaibigan lang siguro ang maibibigay ng dalaga sa kanya.Ngunit minsan naman ay nahuhuli niyang nakatitig ang dalaga sa kanya na parang ibig na siyang sagutin sa ipinipilit niya.Alam niyang mahal din siya ng dalaga...at hindi siya susuko,aantayin nito ang sinasabi nitong hudyat o senyales.

Napabuga ito ng hangin...at naruruon ang katanungang,...kelan kaya??

Naisip niyang umuwi muna sa kanila
matagal na ring hindi sila nagkikita ng kanyang ina,kahit at ayaw sa kanya
nito,( noon).Nagmahal na rin siya noon sa kanyang murang edad.Ang unang babaeng bumihag sa kanyang puso,ngunit wala ring kinahinatnan ang pagiibigang yaon...na naging dahilan kung bakit siya nagpakalayo-layo.

FLASHBACK

At bumangon sa ala-ala at huna-huna niya ang lahat,kung bakit napadpad siya dito sa karnabal.

Anak si Norman ng isang sundalo sa
kanyang ina,nagiisa siyang anak ng ina,ngunit kasabihan na ang sundalo ay maraming pugad.Marami itong anak sa iba-ibang babae.Kayw bata pa
lang ay madalang niyang makita ang
sundalong ama.

Pinangarap na niya ang magkaroon ng buo at masayang pamilya,ngunit sa
kanyang sitwasyon ay napakalabong magkaroon ng katuparan.Naturingang sundalo ngunit wala yatang buto't gulugod na ipaglaban ang bunga ng kalikutan at kalibugan.Paano mo iidulohin ang isang sundalong tagapagtanggol ng bansa gayung hindi ka man lang maipagtanggol sa harap ng lehitimong?asawa at mga anak?

Oo,anak lang sa labas si Norman,produkto ng isang broken family,kelan man hindi naranasang o
maiksperyensang magkaroon ng masayang pamilya.Ang ikinasasakit ng loob niya pati ang loob ng ina ay malayo sa kanya,sa kanya ibinunton ang galit sa amang walang paninindigan.Bakit gano'n?kasalanan ba ng bata kung bakit isinilang siya sa
mundo??

Na pagkatapos nilang magniig at lasapin ang kamunduhan na wala silang iniisip kundi ang kanilang pagnanasa.Paano naman ang batang nabuo?Na lumaki at hindi nabigyang
karapatang malasap kung ano at paano ang mabuhay ng masaya sa mundo,ng may masasabing ulirang
pamilya?Kalabisan bang pangarapin ng isang bata iyon?Kung paano magkaroon ng pamilya kahit hindi man ito perpekto.Kaligayahan na ng isang bata ang may matatawag na inay at itay sa loob ng tahanan.

"NAKA!!,Walang mga tatay,mga putok sa buhoooo!!Napulot sa taeng kalabaw!!"hahahaha!!"

Laging panlalait ng mga kalarong mahilig mambuska.Tutoo man yon ay
hindi nila pinalalampas ni Randel ang
panlalait ng mga batang kaedaran nila.Pinapatulan ni Randel ang mga bata hindi siya patatalo.Hindi nila kasalanan ang isilang ng walang matatawag na ama.

"Tama na,Randel!!Nagdudugo na ang
kanyang ilong!!!!"Awat ni Norman sa
tangi niyang kaibigan.

"Akala nyo,aatrasan ko kayo,hah!!Habang pinupunasan ang mukha at may dugo pa sa sulok ng kaliwang bibig,mababanaag mo dito ang katapangang hindi padadaig.

Habang ang tatlong batang manunudyo ay naguunahang tumakbo papalayo.

Tulad niya ay wala ring masasabing perpektong pamilya si Randel.Sino nga ba ang magkakampi kundi ang katulad niyang may kaparehong kapalaran?Kasalanan ba nila na kung pagsilang nila ay may madadatnan silang ganoong buhay?Masakit man ngunit kailangang tanggapin ang katotohanan...na wala silang nagisnang ama!

Itutuloy...

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon