Karnabal,buhay at pag-ibig

12 0 0
                                    

Chapter 46:

Tuloy-tuloy siyang pumasok sa maluwang na salas,nabungaran niya
si Jake na nakatalikod,nakaharap sa isang mesa na abala sa ginagawa,dahil walang kamalay-malay ito na siya ay nasa likuran lamang.

Parang may bikig sa lalamunan na nagsalita si Renee.

"Go-good morning,Ja-Jake?"

Wala sa loob na   sumagot si Jake dala na rin ng kaabalahan sa ginagawa.

"Good morning,too!"Sabay pihit ng wheelchair paharap sa dalaga.Nabigla si Jake sa hindi inaasahang bisita

"Re-Renee?"

Mas higit na nabigla ang bagong dating sa nakitang ayos ni Jake.

"Jake!Ikaw nga ba?"Hindi ito makapaniwala.

"Oo,Renee,ako nga."Ngiti nito sa dalaga.

Kapansin-pansin ang ipinagbago ng binata.Maaliwalas ngayon ang mukha nito.Ang dating mahabang balbas at bigote ngayon ay ahit na,ang nanduon ay ang makinis nitong balat na mamula-mula,ang namumurok ngayong pisngi na dati'y humpak,ang gupit nitong simple lang ang haircut na bagay sa kanyang korteng pusong mukha.Ang dating makisig na katawan.Ang dating animo'y nanlilisik na mga mata at laging kuno-t-noong mukha ngayo'y bumalik ang dating Jake na nakilala,larawan ng isang nilalang na sa pakiwari niya ay puno ngayon ng katiwasayan,ang maaliwalas ng mukha,masisinag mo ang bagong pagasa sa katauhan nito.
Maliban na nga lang...ito ay nanduon pa rin nakaupo sa kanyang wheelchair.

"Para kang natuka ng ahas d'yan!"Basag ni Jake sa katahimikan.

"Halika ka maupo ka."Anyaya nito sa tila natulalang dalaga.Naupo naman ang dalaga.Paharap sa binata.

"O,Renee,kumusta na?"Hindi agad nakasgot ang dalaga,siya dapat ang magtanong sa kalagayan nito ngayon ngunit parang walang problema ang nagdaan sa binata.Parang punong-puno ng katiwasayan ang buhay niya ngayon.

"Hah,ahhh...eto ma-mabuti naman,i-ikaw kumusta na?"Balik tanong nito kay Jake.

Nakangiti ang lalaki ng sumagot ito.

"Heto rin,akala ko nakalimutan mo na ako...mabuti at bumalik ka ."Bumuntunghininga ito.

"Matapos ang lahat,napagisip-isip kong...tama ka Renee,hindi pa katapusan ng mundo para sa akin."

"Salamat Renee."Tumingin ng deretso ang binata sa mga mata ni Renee.

"Salamat saan?"Kinabahang sagot nito.

At nagulat siya ng hawakan ni Jake ang kanyang mga kamay at nagpatuloy sa pagsasalita ito.

Buntunghininga..."Sa lahat-lahat ng naitulong mo sa akin,sa'yong mga payo...sa mga gabay,sa pagtitiyaga sa tulad kong matigas ang ulo!"

"Kung wala ka...ewan ko kung ano ang nangyari sa akin."Matapat na sabi ng
binata.

Sa darating ang mama ni Jake at may dalang meryenda at naulinigan ang paguusap ng dalawa.Tumayo ang dalaga at nagbigay galang sa matandang babae.

"Tutoo ka ,Renee,kung di dahil sayo ay baka kung ano na ang nangyari dito kay Jake...tingnan mo siya ngayon napakalaki ng ipinagbago ng dahil sa'yo."Nakangiti si Mrs.Baldemor sa dalaga.At pagkuwa'y papalabas na ito ng kusina.

"Siya sige,magmeryenda muna kayo at ako'y babalik muna sa kusina,ha,Renee?Feel at home!"Sabi pa nito.

"Opo!"Sagot ni Renee.

Umiinom ng malamig na juice si Renee ng muling magsalita si Jake.

"M-may sasabihin sana ako,pero 'wag ka sanang magagalit."

"Para siyang kinabahang bigla,naisip niyang baka ibalik nito ang nakaraan noong ito ay nanliligaw pa sa kanya.
Ano ang kanyang gagawin?Papayagan niya ba uli iyon?Kung sakali at tutuo ang kanyang hinala,bibiguin n'ya ba ulit ito sakaling magtapat ng pagibig?
lalo ngayo't ito't nakaka-recover na.
Sana'y mali ang kanyang sapantaha.
Nguni't minsan ay nakapagbitiw siya ng salita sa sarili na pwede niyang ipagkaloob ang puso niya dito.

Pero kaibigan lang talaga ang turing niya at wala ng iba.Si Norman ang mahal niya.

Bagaman abot-abot ang kaba ng kanyang dibdib sa maaring sabihin ni Jake ay tinatagan ang sarili.Hindi na niya nagawang inumin ang juice sa kabang umatake sa kanya.Dahan -dahan niyang ibinaba sa mesita ang hawak nabaso ng juice.

"A-ano ba yung sasabihin mo?"Kinakabahang tanong ni Renee.
Titig na titig naman si Jake sa maganda at maamo niyang mukha at hindi naman makatingin ng deretso sa mga mata ng binata ang dalaga.

"Ka-kasi,may napansin ako sa'yo."

"Hah?"Nagtaka si Renee sa sinabi ni Jake.

"A-ano naman ang napansin mo,bakit may dumi ba ako sa mukha?"Pabirong wika nito inaalis ang tensyong nararamdaman.

"Napakaganda mo at napakabait,masuwerte ang lalaking iyong mamahalin at pakakasalan,ngunit sa kabila ng masayahin mong mukha ay nakikita kong walang kinang sa'yong mga mata."

"Ano ang ibig mong sabihin?"Pinamulahan ng mukha ang dalaga.

"Si Norman ba?"Banggit ni Jake.
Hindi nakahuma si Renee sa tinuran ng lalaki.

Nsgpatuloy si Jake."Renee..Tanggap ko na ang lahat,noong sandaling niligawan kita at binigo mo ako,ang pagkawala ni Elsa na halos ikamatay ko...ang...pagiging inutil ko ngayon,kahit ng ipagkatiwala ako ni Elsa sa'yo ay alam ko..."

"Alam mo?"Namimilog ang mga matang tanong ni Renee.

"Oo,...at 'wag kang magalala Renee nasa iyo ang kalayaan at hindi kita pipigilan,huwag mong itali ang sarili
mo sa isang pangako sa isang namayapa na...kung ang kapalit ay isa pa ring pagdurusa...naiintindihan kita
at,...alam kong maiintindihan din tayo ni Elsa."

Tumulo ang luha ni Renee sa hindi inaasahang pagliliwanag ng sitwasyon,nawala lahay ang kanyang agam-agam.

Ganito ba ang pagkakakila niya sa lalaking ito noon?Ibang-iba noong ito ay nanliligaw pa lamang,noon na ang akala siguro nito sa mga babae ay kaya niyang paglaruan sa kanyang palad,noon na ang tingin niya dito ay antipatiko,mayabang at palikero.

Ang pagbabago bang ito ay dala ng nagdaang kabiguan?

Ah,sayang namang pagbabago at alam niya na ang kaibigan ang nagpabago sa katauhan ng lalaki.Parang sumagi sa kanyang balintataw ang mukha ng kaibigang si Elsa,nakangiti,kumakaway.

Sa bugso ng damdaming di mapigilan
dahil sa kaligayahan ay nayakap nito ang binatang nakaupo sa wheelchair
na nasa kanyang harapan ay yumakap ito sa binata.

"SALAMAT,salamat...Jake!"Matagal ang yakap na iyon,nakapikit si Renee na tumutulo ang luha dahil sa tuwa at sa ibinigay na kalayaan.

Na noon ama'y nakita ni Norman ang tagpong magkayakap ang dalawa.Lumuwas siya ng Maynila upang madalaw si Renee.At sinabi ni
Mang Lauro na nandito si Renee sa bahay nila Jake.

At ngayong siya'y naririto,hindi inaasahan ang tagpong nabungaran ang makikita ang dalawa sa isang nakahihiling tagpo,na magkayakap.

AT KALABISAN NA SIGURO ANG SIYA'Y MAGTAGAL PA matapos makita ang tagpong iyon.Masakit na masakit ang kanyang loob.

                ******************

Itutuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon