Chapter 42:
Ibinaba ni Jake ang binalanseng buho
o kawayan at iniabot sa assistant.Pumirmi lang sa kanyang pwesto ang binata na apat na dipa ang layo sa stage. Nagpugay si Elsa sa manunuod...at pumalakpak,lumapit pa ang dalawang assistant at sumakay si Elsa sa balikat ng isa sa dalawang lalaki papunta sa kinaroroonan ni Jake at ng isa pang assistant na may hawak ng kawayan.At ng nasa tapat na ito ng binata ay napalitan ng isang suspense na tugtugin ang maririnig.Kasabay ng pagaanunsyo ng announcer.Hudyat na upang umakyat
si Elsa sa kawayan o buho."At ngayonnnn...giliw naming mga tagatangkilik at manunuod,narito si Reyna Sirkera Elsa....sa kanyang natatanging pagtatanghallllll!".....
Palakpakan ang mga manunuood,kahit nakabadha sa kanilang mukha ang paghanga at kaba.Maging si Renee ay halos mapugto ang hininga sa kaba.Ngayon lang niya mapapanuod ang mapangahas na ' exhibition'na iyon,napapanuod lang niya ang kaibigan sa mga unang ginawa nito at sa flying trapeze na ikina-injury ni Jake,at napanuod niya iyon.Kaya nga nawala pansamantala ang flying trapeze ay dahil sa injury nito.Sabagay isang taon na rin ang nakakaraan siguro ay naghilom na ang 'injury'ng binata,pakunswelo ni Renee sa sarili.Habang nakasakay sa balikat ng assitant ang babae ay nagantanda ito at tuloy ay umakyat na ito sa kawayan na pigil ng tatlong assistant.Animo umaakyat ito sa palo sebo ng walang kahirap-hirap,bihasang-bihasa walang takot na inakyat nito ang dulo at pagadating sa dulo ay isinuot nito ang kadenang naruruon,at humiga ito sa kawayan na nakatiwarik,at magkacross ang mga braso nito sa dibdib.Palakpakan ang mga manunuod,patuloy naman ang 'suspense na tugtugin.Maya-maya ay tinapik nito ang hita at handa na itong ipatong ang kawayan sa balikat ni Jake.Pigil hininga ang manonood,binuhat ng tatlo ang kawayan at ipinatong ito sa balikat ni
Jake na mayroong telang sapin upang hindi ito madulas.Binalanse ng husto ni Jake ang kawayan kasama si Elsa.At ng balanse na ay iniliyad nito ang mga kamay at nagbigay ng thumbs-up
na senyalales sa dalaga na pwede na itong mag -exibiton sa ibabaw ng kawayan.Lumayo ang mga assistant nakaantabay ang mga ito sa kung anumang mangyayari.Sumigabo ang palakpakan,hindi naman makatingin si Renee sa ginagawa ng kaibigan.kinikilabutan ito sa nakikita.Si Elsa na mula sa pagkakahiga ay parang walang anumang tumayo ito sa kawayan animo papel lang itong nagpapakita ng kanyang exhibiton,animo bandera lang itong nakakabit sa kawayan.
Halos mapugto ang hininga ng mga manunuod ang iba ay hindi makapalakpak at makapaniwala.Ang babaeng napakagaan ng katawan ay nasa dulo ng kawayan at nag-e-exhibition sa taas na halos labing apat na talampakan? habang ang kawayan
ay nasa balikat ng isang lalaki?Hindi makapaniwala ang mga tao sa nasasaksihan.Kahit may mga kaba ay walang patid ang palakpakan.
At muli si Renee ay parang tinatambol ang dibdib.Humiga muli si Elsa at tinapik ang hita idinipa ang dalawang kamay hudyat na sabay silang magdidipa ng kamay ni Jake.At masigabong palakpakan muli ang kanilang natanggap.At muling tumayo ito sa kawayan at magbabago uli ng pwesto.
NGUNIT SI JAKE...sa pagkakataong iyon ay parang nanigas ang kanyang kaliwang tuhod,tumutulo ang pawis nito at tumitindi ang nararamdamang
kirot at nanginginig.Ngunit hindi ipinapahalata sa mga tao ang nararamdaman.At ng magsalita ang announcer...
"At ngayon mga kaibigan..muling tatayo si Reyna Sirkera Elsa upang sa inyo ay magpugay!!"At si Elsa ay muling tatayo at ididipa ang dalawang kamay.Si Jake ng mga sandaling iyon ay di na mapigilan ang matinding kirot at nangalog ng matindi ang kanyang tuhod,sanhi upang siya ay ma-out of balance at tuluyang napaluhod sa hindi makayanang sakit na nadarama.At siya ay napasigaw at maririninig ang malakas niyang hiyaw.
"ELSAAAAAAAAAAaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!".
Sigaw ni Jake,ang tolda ng sirkus ay hindi buo,kalahati lang nito sa harapan ang nakabubong at ang kalahating parte sa may bandang stage ay open lang kaya si Elsa noon ay tumilapon sa labas ng circus sa may likuran kung saan nanduon ang rollercoaster na pinatatakbo ni Nestor,na saktong nasa terminal ng ride ang mga upuan nito at nagbababa ng pasahero.Nabaklas sa
pagkakatali ang posas sa kawayan at
naiwan ito sa paa ni Elsa.Tumama ang ulo nito sa riles ng rollercoaster at
duguan ang babae halos wala ng buhay.Ang mga tao ay sindak na sindak sa panggyayari ang iba'y natulos sa kinatatayuan.Ang iba ay hugos sa pinagbagsakan ng sirkera upang alamin ang nangyari dito.Si aling Selya, ng makitang tumilapon ang anak sa labas ay himimatay.
Si Renee nagiiyak na sinagasa ang mga taong nakikipagunahan para makalabas at masaklolohan si Elsa.
Samantala,noon pala ay nadaluhan na agad ni Norman si Elsa katabi ni Nestor na nanduon rin.Hindi naman kalayuan ang ferriswheel sa sirkus.Naalerto ito ng mapansing nagtatakbuhang palabas ng pintuan ng sirkus ang mga tao,kaya agad itong tumakbo papalapit naalala si Renee.
Inalis nila sa pagkakasaklang sa riles si Elsa.Hagulgol si Renee ng makita si Elsa na duguan at kandong ni Norman ang katawan nito.Hinawi ni Renee ang duguang mukha nito,palatandaang tumama ang ulo nito sa matigas na bakal ng rollercoaster.
"Normannn ,anong nangyari sa kaibigan kooooo,huhuhuhuhuhu!!!!!"
"Tulungan ninyo kamiiiii,para n'yo ng awaaaa,dalhin natin s'ya sa ospitalllll!".....Sigaw ni Renee sa mga
taong naguusyoso.Umungol si Elsa,habol ang hininga.
"Elsaaa,Elsaaaa....dadalhin ka namin sa ospitalllll,...huhuhuhu!!!!!!!"
Sabi Renee patuloy sa pagagos ang luha at panay haplos sa mukha ng kaibigan."HU-HUWAG naaa,Re-Reneeeeee...."
Nakangiti ang dalaga kahit na habol ang hininga at kahit hirap sa pagsasalita.Inangat nito ang kamay at inihaplos sa pisgi ng dalaga habang kandong pa rin ito ni Norman.
"D-di ba,k-kaibigan mo akooo?"Di ba
m-mahal mo aa-akoooo!"Nakatitig ito sa mga mata ni Renee.Hinawakan ni Renee ang mga kamay nito na nakahawak sa kanyang pisngi
"O-oo,m-mahal kita,kaibigan kita,Elsa....huhuhuh!"......
"I-ipangako mo sa-sa a-akin,ipa-ngako
mo naaaa....ma-mahalin mo si Jake para sa a-akinnnn,m-mahal na m-mahal ko si..yaaaa...tulad ng pa-pagmamahal kooo...ipangako moooo!"Tigmak na sa luha ang dalaga at walang dalawang salitang sumagot ito.
"O,oo...Elsa!"...oo,isinusumpa ko...!.huhuhuhuhu."
Kahit lito ang isip ay umoo ito kay Elsa.Na dinig na dinid ni Norman.Parang bombang sumabog sa kanyang pandinig ang sumpaang iyon.Naglapat ang kanyang mga
ngipin sa panlulumo,bumagsak ang balikat.Nagtagis ang bagang hindi matanggap ang narinig."Sa-salamat,kaibigan!"Yun lang at lumaylay na ang ulo ni Elsa.
Nawalan na ito ng buhay."Elsa?...Elsaaaaaaa.....Elsaaaaaa...!!!!!!"
Huhuhuhuhuhuhu...kaibigan.... kooooooo...!!!!!!!!".
*************
Itutuloy....