(Ang pagpapatuloy ng kwento,sa pagbabalik tanaw ni Norman...)
Chapter 29 ;
At ang nagkayayaang magkakabar-kada ay tuloy na nagsilabas ng bahay
at sumakay sa kani-kanilang motorsiklo.Narinig ng ina ang ingay ng mga pinaandar na motor dahil sabay-sabay na nagrebulusyon ang mga ito."Aba,eh saan ba ang punta ninyo't nagiinuman kayo dito eh,magsisialis yata kayo,ha,Jethro?"Nagaalalang tanong ni Mrs.Agueda sa anak na si Jethro.
"Sandali lang kami 'Ma...nagkayayaan
lang ang barkada na mamasyal sa patio sa bayan."Inakbayan nito ang ina."Aba'y,mga lasing na yata kayo,eh,ba't
lalabas pa kayo...manong dito na lang
kayo sa bahay mapapanatag pa ang loob ko.""Ma,okay lang kami,hindi pa kami lasing."Sinenyasan nito ang mga kasama na lumabas na ng gate.At siya ay nagpaalam na sa ina."Sige,'ma...babalik agad kami!"At lumabas na rin ito ng gate.
Naiwang napapailing na lang si Mrs.Agueda."Ku,ang mga batang ito!"
Walang nagawa ang matanda kundi
pumasok na sa loob at harapin ang mga iluluto para bukas ng kapistahan._ _ _
Samantala ang apat ay nasa mesa pa rin at ngayon ay magkatabi na sila Andee at Norman at sila Nova at Randel ay palagay na rin ang loob sa isa't-isa.Tawang-tawa si Nova sa mga
banat na joke at pick-up lines ni Randel.Mabentang-mabenta sa kanya ika nga."Pana ka ba?"Biglang tanong ni Randel sa dalaga na biglang nagisip ito."Bakit?"
"Kasi tumagos ka sa isip ko,pati puso ko tinamaan mo!"Pa-cute na sabi ni Randel."Ay,magkaibigan nga kayo ni Norman...parehong korni...!"Hagikgik
nito.Si Norman at Andee ay panay ang bulungan na ikinakikilig ng dalaga.Napakasaya nila sa gabing iyon
at isa yon sa mga di nila malilimutan."Alam mo,Andee...para tayong kuryenteng nag short circuit."Bulong
nito sa dalaga.Napakunoot noo ang dalaga at sabay tanong sa binata.
"Bakit?"Nababaghang tanong nito.
"Kasi nag-iispark tayo pag tayo'y magkasama...hehehe."
"Ang korni mo!"Sabay kurot ng maliit
sa tagiliran ng binata.Pero saan ka kinikilig ito sa banat na yon ng binata."A-araaay,pigil naman ng binata sa kamay nito."Ang sakit.. !"Angil nito.
At napatingin ito sa ferriswheel,nagkaideya ang lalaki.Tumayo ito at inakay ang dalaga
"Halika sakay tayo sa ferriswheel!"Panay naman ang iling ng dalaga.
"A-ayoko,t-takot ako sumakay sa mga
rides lalo't matataas!"Walang tigil sa pagiling ito."Sige na 'babe...kasama mo naman ako,ako ang bahala sa'yo."Panghihikayat ng binata.Kinilig naman si Nova ng marinig ang
salitang 'babe."Oo,nga naman 'san,ngayon lang kayo magkakasama sa ferriswheel di ba ang sarap sa pakiramdam noon?"Tumingin ito kay Nova at parang nagpapasaklolo.
"Okay lang yan,para mawala ang takot
mo...kasama mo naman si Norman.""Eh,e...si-sige."At tumayo itong hawak ni Norman ang kamay ng dalaga.
"O,kayong dalawa hindi ba kayo sasakay sa ferriswheel?"Tanong ni Norman na kay lapad ng ngiti at wala
yatang pagsidlan ng saya ang kanyang
puso sa gabing iyon dahil kapiling niya ang kanyang mahal at kasama maging ang kanyang mga kaibigan."Ah,dito na lang kami,medyo maguusap pa kami ng 'masingganan'
este,masinsinan ni Nova."Kindat nito
kay Norman."Lam n'yo na 'getting to know each other?""Di ba,Nova?"Sulyap nito sa katabi.
"Aba,oo naman...at saka alam n'yo na
'watcher'.."Sabay lingon nito sa paligid.Tuloy napagaya na rin si Randel sa paggala ng paningin sa paligid ."A,okay,dyan muna kayo...tara 'babe."
_ _ _
Dumating na sila Luther sa patio at ipinasok nila ang kani-kanilang motor
sa maluwang na daan papasok sa plaza kung saan naruon ang mga sugal medyo mabagal ang pagakay nila sa kanilang motor papasok dahil marami ng tao ang abala na paroo't-parito.Naiparada nila ang mga motor
sa bandang kanan na hindi pantay -pantay ang pagkakaparada.Ang dalawa... si Nova at Randel na nasa di kalayuan ay abala naman sa
pagkukwentuhan tila nalibang sila at nalimutan ang nasa paligid.Tumayo si Randel."Sandali lang ha?Bibili lang ako ng makukukot."
"Ha?o,sige ..."Ayon naman ng dalaga.
At pumunta ito sa puwesto ng popcorn
na malapit sa may daraanan kung saan nanduon nakaparada ang kanyang motor at bisekleta ni Norman.Hawak na nito ang supot ng popcorn ng matuon ang mata nito sa bandang kaliwa.Napamulagat ito..."SI LUTHER??"At may mga kasama,ipinaparada ang kanilang mga motor sa di kalayuan sa
kinatatayuan niya.
Nabigla ang lalaki hindi agad nakakilos at umandar agad ang utak
nito,iniwan muna niya at hinabilin sa tindero ang binili niyang popcorn.At tinungo ang kanyang bagong motor binuksan ang carrier box at may kinuha duong matulis na bagay.Icepick,pasimple niya itong itinago sa likuran at tumigil sandali inantay nitong makalayo ang apat na lalaki patungo sa mga mesa ng sugalan.Hindi naman siya kilala si Luther kaya walang problema.At ng makita niyang nakalayo na ang mga ito ay pasimple itong kumabila sa kaliwang bahagi at kunwaring umupo ito,hindi siya masyadong pansin dahil marami ng tao.At isa-isa niyang pinagsusundot ang mga gulong ng mga motor.At tumayo itong nasiyahan sa ginawa,nagbalik sa kanyang motor at ibinalik sa carrierbox ang icepick na ginamit.At hindi na ito nagabalang balikan ang biniling popcorn,nalala nito si Nova.
"HALIKA NA NOVA!Lumayo tayo dito!"Sabi nito sa babae na nagtataka.
"HA,BAKIT?"Takang tanong nito.
"SI LUTHER AT MGA BARKADA NIYA NARITO!!"
"ANOOOOO?"Bulalas ng babae.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ __ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ __
Itutoy ....