Chapter 43:
Kung ang nagdaang mga araw at gabi ay kay saya dahil sa kapistahan.Sa loob ng karnabal ay walang kasing lungkot,dahil sa isang gabing bangungot na nangyari.Tila ba napagod na sa kasiyahang naganap ng
nakalipas na araw.Ang mabining hangin ng umaga na hatid ng kalmadong dagat ay dumadapyo,nilalaro ang mga nagkalat na papel na nasa buhanginan at wari'y ayaw makipaglaro sa hangin...wari'y namimighati rin sila sa pagpanaw ng isang magaling na sirkera.Halos lahat ay namimighati sa trahedyang naganap.Ang mga banderitas,streamers na nakasabit sa
mga rides sa magarbong gate at sa sirkus ay parang malungkot din na ayaw kumunday sa mapanuksong ihip ng hangin.Hindi na inuwi sa Bukidnon ang bankay ni Elsa,baskus ay inilibing na lamang sa kanilang nagisnang bayan na kung saan ang iba nilang kamaganak ay duon na naninirahan.
"TAYO NG UMUWI,Renee...."Basag ni aling Selya sa katahimikan.
"Alam ko kung ano man ang nararamdaman mo,Renee....dahil ako
ang kanyang ina."Singhot nito."Kasalanan ko rin ang nangyari,k-kung hindi ako pumayag sa suhestyon
ni Elsa na si Jake ang umasiste sa kanya ay hindi mangyayari ito...Prrrssst!"Singa ng matandang babae sa hawak nitong panyo.At nagumpisa na namang tumulo ang luha nito."Pe-pero,ha-hayaan na natin siya kung saan man siya ngayon naruruon...dahil nandito ka,tayo na nagmamahal sa kanya."
"Masakit di ba,nanay Selya?....hindi pa s'ya dapat mawala sa mundong ito,ang kanyang pangarap na abot kamay na lamang...hindi niya dapat sinapit ang ganoong kamatayan...huhuhu,...napakabuti niyang kaibigan....huhuhuhu"Lumuluhang sabi ni Renee,hinagpis na hinagpis,habang nakasalampak ito sa damuhan sa harapan ng puntod ng kaibigan.Habang si Norman ay nasa likod ng dalawa magkadaop ang mga kamay sa harapan nakatungo at maging siya ay malungkot din.
"Kahit sino man sa atin ay hindi batid kung ano ang mangyayari,siya lamang sa itaas ang nakakaalam kung kaylan at hanggang saan ang magiging buhay natin dito sa mundo..."Prrsssst...huhuhu!"
Bumibigat na naman ang sitwasyon dahil sa patuloy na pagiyak ng dalawa,kaya nagpasya itong yayain na
ang dalawa."Tama na ho,aling Selya,Renee,tena na hong umuwi magdidilim na,hayaan na natin si Selya sa kinalagyan niya kung saan man siya naroroon para naman matahimik ang kanyang kaluluwa."Nagdadalamhati ring sabi ni Norman.
Nasaan nga ba si Jake ng mangyari ang trahedya?Magmula ng mapaluhod siya sa tindi ng sakit na naramdaman at hindi napigilan ang pagbagsak ni Elsa,Bakit sa libing at burol ni Elsa ay wala ito?
Si Jake ay itinakbo sa ospital ng nagaganap ang trahedya,hindi na maihakbang ang kaliwang paa dahil may pinsala na ang buto ng binti nito,nakuha niya ito nung unang bumagsak siya mula sa flying trapeze.
Kaya ganoon na lang ang kaba ni Renee na si Jake ang aalalay sa dalaga
sa ginawang exhibiton nito,alam niyang nagka-injury na ito.Pero nagdesisyon itong umasiste sa mapapangasawa,katwiran nito ay iyon na ang kanilang 'farewell performance' bilang magkasintahan na nauwi sa isang malagim na trahedya.Hindi ito pinayagan ng kanyang doktor o makapunta sa burol dahil sa kalagayan nito at may posibilidad itong maputulan ng paa dahil durog na ang mga buto ng kaliwa nitong paa.
"KASALANAN KOOO,kung hindi ako nagpumilit na umasiste sa kanya ay hindi mangyayaring mamatay siyaaaaa....huhuhuhuhu....Elsaaaaa......
mahal na mahal kita!....huhuhu!"Awang-awa na pinagmamasdan ni Renee si Jake,habang umiiyak ito at nakaupo sa wheelchair,ng minsang dalawin niya ito kasama si Norman sa kanilang tahanan.
Si Norman na nakadaram rin ng kalungkutan sa sinapit ni Jake at Elsa.
ngunit may kirot sa kanyang puso.nangingimbulo,selos?Dahil sa binitiwang pangako ni Renee kay Elsa?
Na mahalin si Jake gaya ng pagmamahal ni Elsa dito?Ngayong babago pa lang silang magkasintahan
ay papayag siya?Lito ang binata sa sitwasyong iyon,nalagay ang sarili nila ni Renee sa alanganin.Ano ang kanyang gagawin,Kaya ba niyang magpaubaya
sa problema ng kanyang puso na kinakaharap nila?******************
Itutuloy....