"Take care of my son."
I nodded and watched his car drove away. May flight si Don Pemor sa Europe kaya maaga siyang umalis. Alas-dos palang ng hapon, ang usapan namin ay uuwi ako pagdating ng alas-dose ng gabi.
Kailangan ko din magpahinga, actually he's pushing me to live here in their mansion, para daw lagi kong ma-monitor ang anak niya, but I refused. Wala rin naman akong magagawa dito, kanina pa nga ako nakaupo sa sofa na'to. Gutom na rin ako.
Maalala ko palang ang ginawa sa'kin ng punyeta niyang anak ay parang gusto ko nang umatras sa misyon na 'to! Atsaka, wala rin akong dalang mga damit, kaya sabi ko pagdating ng alas-dose, uuwi muna ako at babalik pagalas-siyete ng umaga. May mga cctv naman sila, iko-connect ko nalang iyon sa laptop ko para mamonitor ko siya kahit nasa apartment na 'ko.
Atleast, I would have 7 hours to rest, okay na sa'kin iyon. Tinawagan din ako Madam Buria, nakalimutan niyang sabihin sa'kin kung hanggang kailan ang misyon ko, nawala rin sa isip ko iyon. Ang sabi ay wala namang eksaktong araw o buwan, basta ngayon isang taon lang ang pagprotekta ko sa kaniya, depende kasi sa binayad nila.
May iba ding paraan para matapos agad ang misyon ko, 'yon ay kung hihilingin niyang umalis ako, o may mangyari sa kaniyang masama. If something bad happens to him, tanggal na ako. That's the deal, wala akong magagawa.
"What's the thought?"
Napabalikwas ako nang bigla siyang pumunta sa harapan ko. Nakaupo lang ako ngayon sa sofa nila, wala akong maisip gawin. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay sabay pinagkrus ang mga braso ko.
"The hell you care?" Taray ko at ngumisi lang siya.
He's wearing a black long-sleeves buttoned down polo, na nakabukas ang dalawang butones sa harapan, pairing his black slacks and black office shoes. Cleaned undercut at nasa isang side lang ang buhok niya kaya malinis tingnan, napansin ko rin ang hikaw niya sa kaliwang tenga, medyo nasilaw pa ako nang tamaan ng liwanag 'yon.
"I have a meeting with the Sarmoza," sambit niya kaya napataas ako ulit ng kilay.
Why is he informing me? Sekretarya niya ba ako? Assistant? Anong pakealam ko kung may meeting sila ni Ven?
"So?" Pagtataray ko.
His right brow raised and his jaw clenched before staring directly at my eyes. He's now wearing his playful smirk while looking at me.
"You're my bodyguard so accompany me. Stupid," pagsusungit niya sabay alis sa harapan ko.
Napakagat-labi ako dahil pakiramdam ko ay hiyang-hiya ako kahit wala na siya sa harapan ko. Fuck! Ba't ko kinalimutan na bodyguard niya pala ako? Stupid Ninoire!
Tumayo agad ako pero napahinto rin nang makitang nakatayo pa pala siya at nakaharap ang likod niya sa'kin. Humarap siya at biglang inangat ang kamay niya. May hawak siyang neck tie.
Oh?
"Day-off ," simpleng sabi niya nang makita ang tingin ko at nahihiyang tumingin sa ibang direksyon.
"'Di ka marunong?" I asked, trying to stop myself from laughing.
"Kind of," aniya kaya 'di ko mapigilang ngumiti.
Inis niyang binato ang neck tie sa mukha ko pagkatapos ay tumawa siya dahil alam niyang gusot 'yong mukha ko! Talagang anak ng puta!
Pinulot ko 'yon kahit labag sa loob kong kunin 'yon. Lumapit ako at ikinabit ang neck tie sa leeg niya. Kung pwede lang ako ang pumatay sa kaniya ngayon, sasakalin ko na 'tong bwisit na 'to.
"Parte pa ba 'to ng trababo ko?" Inis kong sabi habang tinatali ang neck tie ng maayos. Medyo sinagad ko pa yung huling ikot.
"Of course, my slave," he grinned.

BINABASA MO ANG
Falling for the Heartless (Falling Series #1)
RomanceFalling Series #1 Ninoire Eilia Alvarez - Deprived by hatred and longing for something, Ninoire believed that emotion makes people weak. And there she met Pieros Lander Arrojo, the man who trembled all of her fears. Will the barrier she created be...