"Okay naman na raw, pero wala pa ring malay."
Mapait akong napangiti at napatungo. Kasama ko ngayon si Rocci dito sa tambayan namin, sa starbucks. Pinadalaw ko muna sa kaniya si Pieros na nasa hospital, medyo maluwag na ang pakiramdam ko na malamang okay siya. Alam ni Rocci na may kung anong namamagitan sa amin ni Pier, kaya sa kaniya ako may tiwala.
"Salamat, sorry sa abala," sabi ko kay Rocci ngunit hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.
"No worries. Tapos naman na ako sa mission kaya may 3 months akong leave sabi ni Madam. Akong bahala mag-check sa bebe mo, pero sure ka bang ayaw mong bumisita sa kaniya?" Aniya, tipid akong ngumiti at umiling.
"Wala akong mukhang mahaharap sa kanila, Rocci. Siguradong galit sa akin si Don Pemor dahil sa nangyari sa anak niya. At ayoko nang makadamay pa ulit kaya mas okay nang lumayo ako sa kaniya," ngiting sabi ko at naramdaman ang pangingilid ng luha ko.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mong 'yan? Ngayon kang kita makitang mabaliw sa lalaki, Nine. Bakit hindi mo siya bisitahin? Kahit isang beses lang?" Aniya pero hindi na no'n mababago ang desisyon ko.
Isang linggo na magmula ang nangyari 'yon, pero parang kahapon lang lahat sa'kin. Isang linggo na rin at hanggang ngayon ay wala pang malay si Pieros, though ayos naman na raw ang kondisyon niya. Malapit sa baga ang tama ng baril, at doon sila nahirapan, mabuti nga't naka-survive siya. Maraming dugo ang nawala sa kaniya, kaya hindi raw imposible na hanggang ngayon ay wala pa siyang malay, bumabawi siya ng lakas.
Nakapag-desisyon na rin akong lumayo sa kaniya, mas okay na 'yon kaysa manganib ang buhay niya dahil sa akin. Nabalitaan ko rin na nag-hire na ng ibang personal bodyguard si Don Pemor para kay Pier. Baka may mga tao pa na gusto akong patayin, at baka madamay nanaman siya, kaya lalayo nalang ako. Mahal ko siya, mahal na mahal, pero hindi ko yata kayang manganib ulit ang buhay niya ng dahil sa akin.
Si Rayden ay dinala sa isang mental facility, kaya naman pala nagawa niyang tutukan ng baril ang kapatid niya dahil may problema na siya sa utak, gawa siguro ng trauma niya nang mamatay ang tatay niya. Si Reiven, nasa custody pa at sinusubukan ng tatay niyang malinis ang pangalan ng anak niya, kahit hindi niya totoong anak.
"Kaya ko, Rocci. Para sa kaniya rin naman," kahit masakit, pero para sa kaniya, ayos lang.
Pagkatapos ng usapan naming iyon ay umuwi na ako sa condo ko. Yup, bumili ako ng condo, dahil wala na sa apartment si Aphy. 1.2 million ang buong sahod ko, tinanggal ako sa trabaho dahil sa kapabayaan ko sa mission ko, bale compensation fee. Dalawang milyon pala ang binigay na pera ni Don Pemor kay Madam para sa misyon na iyon, pero ako rin pala ang makakasakit sa kaniya. Binigyan ako ng isang milyon at dalawang-daang libo pero tanggal na ako. I failed, I deserve it
Nag-enroll na ako sa isang law school, at bukas may pasok na kami. Naghulog ako ng pera sa hospital kubg saan Nagda-dialysis si Papa, pang-isang taon na ang inihulog ko doon para dito muna ako magfo-focus sa bayarin. Sa ngayon, suma-sideline muna ako, sa mga fast-food ganon, para kahit papano may income pa rin.
Napa-higa kaagad ako sa sofa at naitapon kung saan ang bag ko. Ang tahimik, sobrang tahimik dahil wala na si Apheuse. Umuwi siya sa probinsya noong medyo um-okay ang pakiramdam niya, mabuti dahil sinagot ni Madam ang bayarin niya sa hospital. Kahit papano ay may puso pala ang burikat na 'yon. Napatingin ako sa kusina, tanging si Pier ang naalala ko. Na-mimiss ko na siya, ang pangungulit niya, mga luto niya. Lahat, lahat nami-miss ko sa kaniya.
Ngayon na-realize ko kung paano ko idinepende ang pangaraw-araw kong buhay sa mga taong naka-paligid sa akin. Akala ko, independent na ako, pero umaasa lang pala ako sa mga taong naka-paligid sa akin na parang bata. Ngayon, kailangan matuto na akong mag-luto dahil walang Apheuse at Pieros na maghahanda ng kakainin ko. Kailangan, matuto akong libangin ang sarili ko, dahil walang Isaiah, Cadler, Rocci, Darevan, Apheuse at Pieros na sinusubukang magpasaya palagi sa'kin. Kailangan, matuto na akong mag-isa, dahil hindi lahat ng panahon, makakasama ko sila.

BINABASA MO ANG
Falling for the Heartless (Falling Series #1)
RomanceFalling Series #1 Ninoire Eilia Alvarez - Deprived by hatred and longing for something, Ninoire believed that emotion makes people weak. And there she met Pieros Lander Arrojo, the man who trembled all of her fears. Will the barrier she created be...