Chapter 09: Scared

1K 122 1
                                    


"Oh, Nine!"

Agad akong pumasok sa loob ng apartment kahit na gulat pa si Aphy na makita ako ngayon. Mabuti nalang talaga dahil nagising siya, tulog mantika pa naman 'to.

"Ba't ganiyan suot mo? Tsaka ala-una na, ah. Hindi ka nagsabi na uuwi ka," aniya at naupo sa kama niya. Magkatapat lang kami ng kama.

"Ewan, pagod ako," tipid kong sabi at nahiga agad, wala pala yung boots ko.

Nevermind.

"Pagod ka? Tapos ganiyan suot mo..." malisyosa niya akong tiningnan, "...Omg, don't tell me prosti ka na, ha!" Dugtong niya pa kaya napabangon ako.

"Sira, may party lang ako na pinuntahan," kontra ko agad at tumawa siya.

Nahiga nalang ulit ako at pumikit. Narinig ko rin ang pagtunog ng higaan niya, ibig sabihin ay humiga na rin siya.

"Taray, paparty-party. Eh, ba't ka nandito?" Aniya.

"Bawal ba?" Pagbibiro ko at tumawa siya.

"Hahaha! Hindi naman, ba't kasi nambubulabog ka ng madaling araw," aniya.

Tumagilid ako ng higa, nakatalikod na ako sa kaniya, "Hmm, inaantok na ako. Bukas nalang," sabi ko at pumikit

"Hmm,sige. Goodnight," aniya at hindi na ako sumagot dahil antok na antok na ako.

Kinabukasan ay gumising ako nang wala na si Aphy. Tuesday nga pala ngayon. Bumangon ako at nakita kong may sinaing na at nilutong itlog si Aphy para sa akin. Agad akong kumain pagkatapos hinugasan ko ang plato at kutsara.

Bumalik ako sa kama at in-open ang laptop ko para i-check ang mga footage. Wala namang ganap, ang alam ko ay wala ring appointment si Pieros ngayon. Secretary niya ba ako? Tss. Sinarado ko ulit ang laptop at in-open ang phone ko. May isang text galing sa unknown number.

From: 099********
Goodmorning! Don't forget to eat your breakfast!

Cadler. Pinalitan ko kaagad ang pangalan niya.

To:Cadler
I already ate my apple.

Mabilis siyang nakapag-reply. Hmm, wala ba siyang duty ngayon?

From:Cadler
Ouch, you're hurting me.

To:Cadler
As if I care.

From: Cadler
Baby girl ka pa rin. Hahahaha!

Napairap nalang ako at hindi na nagreply. Wala talagang kwenta kausap ang lalakeng 'yon. Habang nagbabasa-basa ng mga documents ay naalala ko si Isaiah, kaya kinuha ko ulit ang phone at tinawagan siya.

"Yes, my lady?," Aniya sa kabilang linya, mukhang bagong gising.

"Uh, where are you right now, Sai? May mga ipapahanap lang ako sayo," sabi ko at tumikhim siya.

"Oh, I'm still in Manila, buti at tumawag ka ngayon. May flight ako bukas papuntang Davao, eh. Ano ba 'yon?"

"Oh, I'll just give you the list of names ng mga investors at company workers sa kumpanya ng mga Arrojo. You can send it to me via email if you're busy, no need to meet up, " sabi ko at nag-hmm siya sa kabilang linya.

"Hmm, let's just meet tomorrow. May gusto rin akong ibigay sayo. Send me the names, ibibigay ko agad bukas ang result," aniya at narinig ko ang paghikab niya.

"Okay, take a rest first. You sound exhausted," nag-aalalang sabi ko at natawa siya ng mahina.

"Copy cleared, my lady."

Pagkatapos ay ibinaba ko ang tawag at isinend sa email niya ang listahan ng mga pangalan, alam kong hindi lang ito ang mga taong involve sa company nila, siguradong may mga patagong nag-iinvest.

Falling for the Heartless (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon