Chapter 34: Favor

1.2K 123 4
                                    

"Make it all finish on this day."

Hanggang ngayon ay naiimbyerna pa rin ako sa sinabi niyang 'yon kanina. Pinapunta niya ako sa office niya para ipakita sa akin ang sandamakmak na papeles. 'Yong iba ay reklamo ng mga naging kliyente nila na hindi pa naaasikaso.

Some are files about lawsuits. Kaya naman pala. Hindi nakakapagtaka na nagkaroon ng sakit ang former lawyer nila. Sino ba naman ang hindi magkakasakit sa ganitong trabaho?

"Alright. You can do this!" Sambit ko sa sarili ko.

Kukunin ko na ang isang hilera ng papeles nang biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Dito ba? Weh? Kapag hindi dito—Hi, baby!" Biglang sulpot ni Cadler sa pintuan.

Anong ginagawa niya dito?

"Sinong kausap mo?" Tanong ko sabay liko ng ulo ko para masilip kung sino ang kausap niya kaso isinara na niya ang pintuan.

Ngumiti siya at may inangat sa kanang kamay. Supot ng kung ano. Ewan.

"Breakfast," tipid niyang sabi at lumapit. Naguguluhan pa rin ako habang tinitingnan siya.

What in the world is he doing in here? And how did he knew where am I?

"Easy thinking, miss. Eat that first," aniya at tiningnan ko ang dinala niya.

Breakfast meal. Wala namang dapat ikataka dito, 'diba? Inangat ko ang paningin ko sa kaniya at sinenyasan siyang maupo sa couch. Yes, medyo maluwag naman ang opisina ko kaya may couch at center table.

Sumunod naman kaagad siya at naupo doon. Tumayo na rin ako, nagdalawang-isip pa ako kung tatayo ba o hindi. Parang tinatawag ako ng mga papeles.

"Bakit 'yon?" Tanong niya sabay turo sa mga papel na nasa desk ko.

Naupo ako at in-open ang box na may lamang pagkain. Sunny side-up egg, bacon at fried rice ang laman. Amoy palang nakakagutom na.

"Ang alin?" Tanong ko habang nakatingin sa pagkain at kinuha ang kutsara at tinidor.

"Mga papel. Ang dami. Kaya mo 'yan?"

Hinarap ko siya, "Ikaw kaya tanungin ko? Kakayanin mo 'yan?" Sarkastikong sabi ko.

"Nope," sagot niya agad at may pag-iling pa.

"Gano'n din ako. Lalo na kailangan ko raw tapusin lahat ng mga iyan ngayon," sabi ko at sumubo.

Hanggang ngayon naiinis pa rin ako. Good mood na sana ako ngayong araw. If only I could throw him to where he came from, I would. Dapat tinagalan pa niya ang business trip niya. Tssk.

'Bitter kasi na-miss?'

What?! Na-miss? No way! Gosh! Bakit 'yon ang naisip ko? Maybe gutom lang. Right. Gutom lang talaga 'to.

"Anyway, bakit ka nandito?" Tanong ko at inangat ang paningin sa kaniya. Ngumuso siya at sinipat ang kinakain ko.

"Breakfast nga," sagot niya sabay ngisi. Napairap ako. "What?" Tanong niya pa.

"Alam kong may kailangan ka kaya ka nandito. Sabihin mo na kasi marami pa akong gagawin," saad ko at tumuloy nalang sa pagkakain.

Mabilis ko ring naubos ang pagkain ko, muntikan pa akong mabulunan sa bilis kong kumain. Nagmamadali rin ako 'no. Ang dami kayang papel sa desk ko.

Nang matapos akong kumain ay may inabot si Cadler sa 'kin na bote ng tubig na kaagad ko namang nilagok. Kaunti nalang ang natira doon. Nakakahiya naman kasi kung uubusin ko lahat.

Falling for the Heartless (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon