Chapter 11: You're Mine

1.1K 119 26
                                        

"Nice shot! Break muna."

Napabuntong-hininga ako sa pagod. Kakatapos lang ng shooting namin, nakakapagod pala talaga mag-pose tapos may second round pa. Iniisip ko nga na baka ay panget ako sa lahatng mga shots dahil hindi naman talaga ako marunong mag-model.

Tss, ang akala ko ba ay bilang bodyguard ang trabaho ko? Una ay naging yaya ako ng Pieros na 'yon, ngayon naman modelo,'yung totoo anong raket 'to? Baka naman may padagdag sahod diyan.

"Nine, tingnan mo 'to!" Nakangiting tawag sa akin ni Cadler kaya agad akong pumunta doon.

Pinakita niya sa akin ang mga picture namin sa laptop ng photographer. Parang ayoko maniwala na ako ang modelong kasama ni Cadler, hindi halatang hindi ako marunong mag-pose. Magaling kumuha si Daste, 'yung photographer, siya rin ang nagsasabi ng mga posing namin.

Napunta ang paningin ko sa isang kuha sa amin. Ang erotic tingnan ng shot namin na 'to, napalingon ako kay Cad at nakangisi siya, mukhang doon din nakatingin.

"Damn, I would like to have plenty of shootings with you," he chuckled.

Naka-luhod ako ng patagilid sa camera, habang si Cadler ay nakatayo. Ang kanang kamay ko ay nasa kaliwang hita niya, para bang hinahaplos ko iyon sa pagkakuha ng litrato, habang ang kaliwang kamay ni Cad ay nakahawak sa buhok kong magulo, messy bun nga kasi. Diretso ang tingin ko sa camera, habang si Cad ay nakatingin sa akin, nang nakakaakit.

Seriously, the way he acts in front of the camera is way too different than his actual personality. He's a joker, funny, kinky and whatever-so-called basta makulit, but when he's already on camera, he's serious, he's seductively looking at the camera, na parang kaya niyang hubarin ang suot ng mga babae gamit lang ang tingin na iyon.

If Cadler was an actor, I'm sure pagbibidahan niya ang mga erotic movies, baka nga mas gwapo pa siya sa lalakeng gumanap doon sa palabas na 365 days.

"Talaga bang hindi ka modelo?" Humahangang sabi ng direktor sa akin kaya napangiti lang ako.

Naupo muna ako sa gilid para magpahinga. Alas-sais na ng hapon, nagugutom na ako, sobra. Tsk. Napatingin naman ako kay Cad na nakikipag-kwentuhan ngayon sa ibang staff ng shooting na 'to. Madaldal talaga.

"Ugh! I'm so tired na!" Narinig kong reklamo ni Ven at agad na naupo sa upuang hindi malayo sa akin.

Tumabi sa kaniya si Pier na agad na napatingin sa akin, kaya automatikong tumaas ang isang kilay ko. Kinda my attitude, okay? Umiiling-iling ang ulo niyang inalis ang tingin sa akin. Tss.

Kakatapos lang ng shooting nila, at sa nakikita ko, the way they look at each others eyes, parang may laman. Bagay silang dalawa.

But, why is my chest hurting saying those words?

I smiled bitterly because of my thoughts, really? I really can't believe myself right now, ako ang nagsabi na hindi pwede hindi ba? Ako ang pumutol, Ako ang nagdesisyon. Now why are you like this, Alvarez? I can't believe you.

"Ay mga bebe, tara na sa dressing room dahil may second round pa," anyaya ni Ella na lumapit sa akin at hihilain na sana ako patayo ng sumigaw si Ven.

"Ella! Ako dapat ang inaayusan mo!" Parang magdadabog pa si Ven sa tono ng pananalita niya.

"Hay nako, Reiven. Nandiyan naman si Lez, siya na mag-aayos sa inyong dalawa," pagtataray ni Ella kay Ven kaya umangal ulit ang bata.

Oh, correction, isip-bata.

"You're being impossible, Ella! And don't you dare call me Reiven again, okay? It's Venyll or Ven! Aayusan mo 'ko o matatanggal ka sa trabaho mo?" Parang batang magdabog.

Falling for the Heartless (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon