Chapter 05: Meet Paige

1.1K 128 18
                                        


"Bye, Aphy."

Binaba ko ang tawag at nilapag sa sofa ang phone ko. Tumawag nga ako kay Aphy, para magpa-alam na may gagawin ako at ilang araw akong 'di uuwi. Napasabunot nanaman ako ng buhok ko, bwisit kasi! How did I end up living in his house?!

"Good, pumayag ka rin," biglang epal ni Arrojo at umupo sa tabi ko pagkatapos ay binuksan ang tv.

"Correction, pinilit mo 'ko," taray ko at nagde-kwatro ng upo.

Tumawa lang siya at nag-open ng tv, kakarating lang namin kaya nagpapahinga muna ako. Nakakapagod kayang buhatin 'yon.

"You'll stay in the guestroom, beside my room," aniya na nasa kabilang dulo ng sofa.

"K."

May dumating naman na isang matandang babae. Naka-uniporme siya ng pang-maid. Nakangiti siya kay Arrojo kaya napatingin din ako sa kaniya.

"Handa na po ang dinner, Sir," nakangiting sabi matandang babae.

"Thanks, manang," nakangiting sagot din ni Arrojo at humarap sa 'kin.

Medyo nakakunot pa ang noo ko dahil nakita kong pabalik-balik ang tingin ng manang sa akin at sa kaniya bago umalis. Humarap ako kay Arrojo, na hindi matanggal ang ngisi sa labi.

"Let's eat," aniya at nag-alok ng kamay para tumayo ako.

I have my hands. Napaikot lang ako ng mata at hindi tinanggap ang mga kamay niyang nakaalok sa 'kin. Narinig ko lang ang pagtawa niya ng mahina. Nauna siyang maglakad, syempre hindi ko alam kung nasaan ang kusina nila.

White at ang ganda ng ambiance. Black tinted glass din ang mahaba nilang dining table. Yari sa kahoy ang upuan pero makintab. Nakita ko ang nakahanda sa mesa, at pakiramdam ko ay gutom na gutom na ako! Mauubos ba namin 'to lahat?!

"Ba't ang dami?" tanong ko at habang pinagmamasdan ang tatlong klase ng ulam sa mesa.

"Why? What's wrong?" balik niyang tanong.

"Uh, wala naman,"sabi ko at tumingin kay manang na nakatayo sa gilid, "Kain po tayo," anyaya ko sa kaniya.

"Ay, ma'am. Magagalit po si sir," nahihiyang sabi ni manang at umiiling. Nakataas naman ang kilay ko kay Arrojo na mukhang pa-inosente.

"No, he won't. Kain po tayo, masyadong marami po ito," sabi ko at lumapit naman agad si manang na nakangiti.

"Where's Paige?" Biglang tanong ni Arrojo kay Manang.

Paige? Sino 'yon?

"Ay, nasa taas ho, sir. May ginagawa lang na project daw," sabi ni manang at naglagay ng kanin sa plato niya.

"Okay," sambit ni Arrojo.

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Paige? Is he his little brother? May kapatid siya?

"Who's Paige?" Basag ko sa katahimikan nila.

Nag-angat ng tingin sa 'kin si Arrojo at nagtaas ng kilay,

"Ampon ko."

"Kapatid niya ho."

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Siraulong 'to, ampon daw. So, may kapatid nga siya?

"Hmm," sabi ko nalang at nagpatuloy sa pagkakain.

Tahimik kaming kumakain tatlo, nang biglang may matinis na boses ng lalake ang biglang sumigaw kaya napalingon kaming tatlo doon.

"Kuya!" Sigaw ng isang batang lalakeng naglalakad pababa ng hagdan.

Humarap ako kay Arrojo at nakita ko siyang napairap sa pag-sigaw ng kapatid niya. Bumalik ang tingin ko sa kapatid niya, na hula ko ay nasa 8 or 9 na. Katulad ni Arrojo—I mean, Pieros, mapupungay din ang mata at matangos ang ilong, medyo light lang ang kulay ng balat niya kaysa sa kuya niyang may pagka-moreno.

Falling for the Heartless (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon