"Nine."
Naalimpungatan ako sa pagtawag sa akin na 'yon ni Apheuse kaya nagising ako. Kunot ang noo kong tiningnan siya havang iniinat-inat ang katawan ko. Sa sofa lang ako natutulog pero sanay naman ng konti ang katawan ko. May itinuturo siya sa tabi ko at nakita kong phone ko pala iyong tinuturo niya. Naka-open yon.
Tumaas ang isang kilay ko nang makitang maraming missed call mula kay Rocci, simula pa kagabi. Hindi ko na napansin iyon dahil pagkatapos namin kumain ni Cadler ng dinner ay umakyat kaagad ako dito at natulog, si Cad naman umuwi rin agad para mag-pahinga dahil kakagaling lang pala niya noon sa duty niya sa hospital, dumaan lang siya dito para tingnan ako.
Tinawagan ko si Rocci para tanungin kung bakit siya tumatawag. Hindi siya kaagad naka-sagot kaya naiirita ako, hindi naman mahilig tumawag itong babaeng 'to kaya nakakapagtaka.
Mabuti nalang dahil noong pangalawang beses ko siyang tinawagan ay sumagot na siya. Nagulat pa ako dahil ang taas ng boses niya at galit ang tono.
"Goodness!" Aniya sa kabilang linya kaya medyo inilayo ko sa tenga ko ang cellphone ko.
"Ano bang meron? Ba't ka tumatawag?" Tanong ko sa kaniya ng medyo iritado.
"Tangina, Nine! 'Yung misyon mo!" Aniya at agad na naghurumentado ako, bumilis din ang tibok ng puso ko.
Shit!
"B-Bakit? Anong meron kay Pieros?" Kinakabahan kong tanong.
"Shit! Shit talaga! Sinusubukan ka namin ni Madam na kontakin ka pero hindi ka sumasagot," aniya at hindi mapakali ang mga daliri ko dahil sa kabang nararamdaman ko, lumabas muna ako para hindi marinig ni Apheuse ang usapan namin.
"Ano ba? May nangyari ba? Sabihin mo na kaagad!" Natatarantang sigaw ko sa nag-uunahang kaba at takot.
["His bodyguards reported to Don Arrojo that he's been kidnapped. Pero hindi pa sila sigurado doon, kaya tinawagan ni Don Arrojo si Madam. Kinokontak ka niya, Nine, pero hindi ka sumasagot!" Aniya at nangunot ang noo kong inalis ko muna sa tenga ang phone at tiningnan ang call history ko.
Oo nga, tama siya. Bago ang nga missed call ni Rocci ay si Madam ang tumatawag sa akin, natakpan lang iyon dahil sa sandamkmak na missed call ni Rocci. Shit ! Anong sinabi niya? K-Kidnapped? Si Pier? Fucking hell!
"Pumunta ka sa headquarters at humingi ka ng tulong sa kanila. I don't know what they did to your mission, pero sigurado akong hindi maganda 'yon.Go there and find help, Nine. Hindi mo kakayanin ang mga 'yon, ni bodyguards ni Pieros Arrojo ay nag-aagaw buhay ngayon sa hospital sa France, " aniya at napapikit ako ng mariin.
Muli, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Galit, kaba, takot, at pag-aalala. Shit! Shit! Talagang magbabayad sa akin ang Rayden na yon kapag may ginawa siyang masama kay Pieros. Una ang kaibigan ko, ngayon naman ang taong mahal ko? Putang ina talaga!
"I-I.....I can handle this, ako ang pakay nila. Salamat, Rocci," sabi ko at bago pa siya makapag-reklamo ay ibinaba ko na ang tawag.
Tinakbo ko na talaga ang hallway ngayon para maabutan ang pagsara ng elevator. Ni hindi ako nakapag-paalam kay Apheuse na aalis ako. Kinuha ko ang phone at ti-next si Galdwin, kakilala ko lang sa agency at sana ay libre siya ngayon, ipapabantay ko sa kaniya si Apheuse.
To: Galdwin
Hi, sorry for bothering you. May favor ako, pwede?
Nang mai-sent ko iyon at napatigil ako dahil may basang pumatak sa screen ng phone ko. Unti-unting lumalabo ang paningin ko at hindi napigilan ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata ko. Shit, mabuti dahil mag-isa ako ngayon sa elevator. Nanginginig ang kamay king pinupunasan ang pisngi at kinakalma ang sarili nang makapag-reply siya.

BINABASA MO ANG
Falling for the Heartless (Falling Series #1)
RomanceFalling Series #1 Ninoire Eilia Alvarez - Deprived by hatred and longing for something, Ninoire believed that emotion makes people weak. And there she met Pieros Lander Arrojo, the man who trembled all of her fears. Will the barrier she created be...