"Tissue?"
Pinunasan ko ang luha kong dumaloy sa pisngi. Mahina pa akong napapasinghot dahil nahihiya akong makita at marinig niya 'yob. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na na nasa harapan ko na siya.
"Kasama mo siya, hindi ba?" Aniya sabay turo kay Pier sa kabilang table na kausap si Ella.
Napapahanga ako sa galing niyang mag-tagalog. I heard from Papa na tumira siya ng ilang taon sa Pilipinas, so maybe that's the reason why.
Wala ako sa mood magalit pero naiinis ako. Naiinis ako dahil mukhang tama nga ako na siya ang ka-date ni Pieros. Pero, mas lamang ang tuwa at lungkot na nararamdaman ko ngayong kaharap ko ang babaeng dahilan kung bakit ako nabuhay.
I do have so many questions to ask her. I just don't know where to start.
Nasa ibang table kami, hinayaan ko sila Pieros at Ella doon. Pero malapit lang naman kami, para kahit papaano kung may mangyari sa kaniya ay makaka-aksyon kaagad ako. Kahit ganito ang suot ko.
"What's your name? Again?" Tanong ko at mahina siyang natawa.
Sa haba ba naman ng taon, imposibleng matandaan ko pa ang pangalan niya. Halos ayaw ring binabanggit ni Papa ang tungkol sa kaniya noon.
"Eliazar Bethany, or just Elizabeth," aniya at muntikan na akong masamid.
Tss, magkapangalan pa sila ng ginawang palayaw ni Pier kay Ella. Bwisit. Oh, nevermind. I'm with my mother right now.
"This is very unexpected. Hindi ko inaasahan na makikita ko kayo dito," sabi ko at tipid siyang ngumiti habang tinitingnan ako gamit ang pagod niyang mga mata.
Wala sa sariling napainom ako ng wine at naubos iyon. Kailangan sigurong magdahan-dahan na ako, baka mahilo na ako.
"I'm sorry," nanginginig ang labi niyang sinabi niya iyon.
Napatungo ako at tipid na napangiti. After all those years, iyon lang ang gusto kong marinig. Ang marinig na mag-sorry siya dahil sa ginawa niyang pang-iiwan sa akin. Sa amin. Marinig na nalulungkot din siya para sa amin. Pero ngayon na narinig ko na 'yon, pakiramdam ko kulang. Kulang 'yung sorry sa lahat ng pinagdaanan namin ni Papa. Kulang ang sorry sa lahat ng sakit na idinulot niya sa amin.
Because of her, I grew up keeping my distance away from the other children. Hiding from the barrier that I created. Dahil pakiramdam ko noon na palaging may kulang.
Tinatanong ko lagi noon si Papa kahit mulat na ako na wala na akong nanay na kinikilala. Lagi ko siyang tinatanong kung nasaan ba siya? Uuwi pa ba siya? Namimiss niya ba ako? Mahal niya ba ako? Pero wala. Ang tanging sagot lang ni Papa sa akin noon.....
"Pabayaan mo na ang Mama mo, 'nak. Masaya naman tayo, 'diba?"
Oo masaya naman kami, kahit kulang, sinusubukang punan ni Papa ang mga pagkukulang ni Mama at pangangailangan ko. He became my mother and father. Mabait siya at mapagmahal, kaya noong mag-highschool ako, napagtanto ko na, bakit iniwan ni Mama si Papa? Sobrang bait at maalaga niya, bakit kailangan niyang umalis at iwan kaming dalawa?
Doon ako nagsimulang magtanim ng galit sa kaniya, at habang nadadagdagan ang edad ko, nadadagdagan din ang galit ko sa kaniya. Pero noong makita ko siya kanina, mas nangibabaw ang lungkot ko. Lungkot para sa akin, at kay Papa.
Madami akong tanong na gusto kong sagutin niya, pero lahat iyon, nauuwi lang sa pagiging luha. I feel so weak. It felt like a rest after a long fight.
"B-Bakit?" Nanginginig ang mga boses ko nang maramdaman ang mga luhang nagbabadya nanamang lumabas, "Bakit kailangan mong umalis?" Dagdag ko habang nakatungo pa rin ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
Falling for the Heartless (Falling Series #1)
RomansaFalling Series #1 Ninoire Eilia Alvarez - Deprived by hatred and longing for something, Ninoire believed that emotion makes people weak. And there she met Pieros Lander Arrojo, the man who trembled all of her fears. Will the barrier she created be...