Chapter 21: Falling for that Heartless

1K 134 4
                                        

"Baby, calm down."



Halos maduwal ako dahil sa sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin at ngumisi lang siya ng mahina. Nasa Ladurée Restaurant kami ngayon, kakatapos lang niyang mag-shopping. Oo siya, siya ang nag-shopping at hindi ako. Kung hindi lang siya nag-confess kanina ay baka isipin kong nababakla na siya. Nagpunta rin kami sa Montmatre kaya naman anong oras na kami nakakain ng tanghalian. Ala-una na. Gutom na gutom ako. Balak pa nga niyang pumunta sa L' Astrance pero sabi ko gutom na ako.




"Just eat," irap ko at sumubo ulit ng pagkain.





Well, I really don't like fancy meals, lalo na kung may mga dinadagdag sila na kung ano-anong seasonings na hindi pamilyar sa panlasa ko. But, the food here tastes simple yet delicious. Ang sarap kumain. Hindi sinasadyang napalingon ako kay Pieros na nakanguso. What the hell? I'm not used to this. Natusok ba ng bubuyog ang bibig niya?


"You're making me jealous," nguso niya at ibinaba ang kutsara sa tabi ng plato niya. Taka ko siyang tiningnan.



"Ano namang ginawa ko?" Iritadong tanong ko. I really don't know kung sino ang babae sa aming dalawa. Sa bilis ba naman ng pagbabago ng mood niya?




"It looks like you're having fun eating that meal," aniya sabay tingin sa kinakain ko, mas lalo akong nagtaka "Meaning you like who cooked it," dugtong niya at halos mapamura ako sa harap ng pagkain.




"What?!" inis kong sabi sa kaniya.




"I can see it the way you're eating that meal," pagpipilit ng siraulong anak ng senator.




Leche naman 'to.



"Ganoon ba ako kababaw, Pier? Edi gusto rin kita dahil pinapagluto mo ako---I mean, pagkain para sa' ting dalawa? Tss. You're being paranoid," sabi ko at kita ko ang pag-ismid niya.



Umirap nalang ako at kumain ulit. Binilisan ko nalang ang pagkain ko dahil biglang may dumaan na chef at tiningnan niya yon na parang papatayin niya. He just like me so why is he being posseive? Ang oa.


Pagkatapos kumain, pupuntahan naman namin ang Arc de Triomphe. Iyon ang nasa gitna ng mga avenue, kasama na doon ang Champs Élysées Avenue. Habang naglalakad kami papunta doon panay ang hawak niya sa akin. Hindi ko alam pero parang nag-iisip bata ngayon ang lalakeng binabantayan ko. May mga dala pa siyang shopping bags. Pinapahawak niya sa akin 'yung iba pero sabi ko siya bumili no'n kaya siya ang humawak.


Ayokong matapilok ulit kagaya noong bumili siya ng maraming damit tapos lahat ng 'yon sa akin niya pinadala. Gusto niya ako diba? He likes me so he should carry those. Siya rin ang bumili at hindi ko naman sinabi na bumili siya ng marami.

"Pier! Batang naliligaw ka ba? Kulbit ka ng kulbit!" Irap ko at ngumuso lang siya. Dang it.


Why do I get it cute?—What? Cute? Hear yourself, Ninoire!


"I just want to hold your waist and tell every fucking man looking at your body that you're mine," ismid niya at napatingin ako sa paligid.


Kanina ko pa napapansin ang mga taong napapadaam sa amin. Ang akala ko kay Pier sila nakatingin kaya hindi ko nalang pinapansin at kahit sa akin sila tumingin, wala akong pake. Pinapansin niya pala iyon. Ang oa naman niya.




"I'm not yours, Pier," irap ko at umirap siya. Wow.




"Yeah, but I like you," aniya at napapikit ako.




Falling for the Heartless (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon