Chapter 18: Elizabeth

1K 142 0
                                    

"You ready?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakasuot siya ng black na tux, maayos na maayos ang buhok at suot nanaman niya ang hikaw niya sa kaliwang tenga. Sinamaan ko lang siya ng tingin na nagpasilay ng ngisi niya.

"Hindi ako komportable, Pier," inis kong sabi at hinawi ang dulo ng damit ko.

Narinig ko lang siyang tumawa kaya bumalik nalang ulit ako sa loob ng kwarto ko. Damn him! Ganoon ba ka-importante ang appointment at kailangan niya pa akong pagsuotin ng dress? Hindi ako sanay! Kainis. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Hindi naman pangit tingnan sa akin 'tong white na backless dress. My actual problem is nakakailang lang dahil hindi ako sanay at hindi pa ako nakakapagsuot ng ganito. Jeez.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Pier. Nakangisi siyang pinapasadahan ang tingin ko mula sa salamin. Hindi pa rin naaalis ang pagka-kunot ng noo ko. Nakakainis siya, pwede bang siya nalang ang pumunta doon? Nang-aasar pa, eh. Sarap tadyakan.

"You look great," he complimented.

But I'm not flustered at all. Naiirita lang ako lalo.

"Pwede bang magpalit nalang ako? I'm sure ikaw lang naman ang kailangan doon," irap ko at ngumiwi siya.

"Don't be stubborn, Nine. You're coming with me, hindi lang yon basta appointment sa kung sino," aniya at taka ko siyang tiningnan, "It's someone important, and you know her," dugtong niya at umirap nalang ako.

How would I know her? Ngayon palang ako nakapunta ng Paris at wala akong pakealam sa business na iyan. I'm a lawyer, soon.

Kinuha ko ang phone ko at binuksan para sana tingnan ang oras, pero may message pala doon. Hindi ko napansin kanina dahil nanood kami ng movie ni Pier, some horror movies para pampatanggal ng pagka-bagot. Galing kay Cadler ang message. Hmm?

From: Cadler
Nasa Paris ka pala? Kaya ang hirap mong kontakin. Wala man lang farewell kiss:((

From: Cadler
So busy, I'll wait for your reply.

Na-guilt ako kaya kaagad akong nag-type ng message. Napansin iyon ni Pier at lumapit sa akin pero iniiwas ko lang ang phone ko sa kaniya.

To: Cadler
Sorry, biglaan. Just some business, babalik din ako after a week.

Agad siyang nakapag-reply. Tiningnan ko saglit si Pier at magkasalubong ang kilay niya habang nakatayo na sa may tabi ng pinto, nakapamulsa pa ang mga kamay. Tumingin siya sa bintana at sumilip sa relo niya, napatingin rin ako sa oras na nasa phone ko. 6:30 na.

"We're gonna be late, Nine," may bahid ng inis ang tono niya.

"Just a sec," sabi ko at nag-type ng mabilis.

From: Cadler
I see. Kanina pa kita tine-text, ngayon ka lang nag-reply.

To: Cadler
So sorry. Got a business to do again, bye.

Tinago ko na iyon sa purse ko. Kakabili lang nito ni Pier kanina, habang nanonood kasi kami ng movie biglang naisip ni Pier na bilhan ako ng purse dahil isang black laced bag lang ang dala ko dito. Sabi ko naman ay huwag na, dahil para ngayong gabi lang naman din, kaso mapilit siya, edi bahala siya. Pera naman niya, eh, hindi sa akin.

Nilingon ko siya pagkatago ko ng phone. Magkasalubong ang kilay pero nawala rin nang hindi ko na hawak ang phone ko. Nauna siyang lumabas at sumunod lang ako sa kaniya hanggang makarating kami sa elevator. Medyo marami ang tao kaya napalayo ako ng pwesto sa kaniya. Tingin siya ng tingin. Ano? May muta nanaman ba ako? Tss.

"How can we go there?" Tanong ko pagkarating namin sa groundfloor.

"Service," aniya at napatingin ako sa harap nang may humintong kotse doon.

Falling for the Heartless (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon