Chapter 24: Apheuse in Danger

1K 129 1
                                        

"Good morning."


Tumango ako at iwas na napangiti kay Pier dahil naalaala ko ang ginawa naming dalawa kagabi. Naligo kaagad ako at nag-ayos bago lumabas ng guestroom kahit nangingirot pa ang ibaba ko. Nakabihis ako ng pajama, iyong suot ko kagabi tapos naabutan ko siyang nagluluto ulit. Pumwesto ako sa likod niya at inaamoy ang ham na niluluto niya, tapos ay nilingon ko ang isang kawali, nagluluto siya ng fried rice at ham. Ang bango.




"How's your sleep, baby?" Tanong niya at hinaplos ay baywang ko, naaalala ko ang haplos niyang iyon kagabi habang naghahalikan kami. Shit, bakit ba lagi kong naaalala ang nangyari kagabi?





Normal bang ganon dahil first time ko lang? Oh shit, does that mean I surrendered my virginity to him? I'm not a virgin anymore? Bakit ngayon ko lang na-realize 'yon? Stupid Ninoire.





"Baby, answer me. You're having a lot of thoughts again," aniya kaya napa-angat ako ng tingin at gulat nang bigla niya akong halikan sa labi, "What are you thinking about?" Dugtong niya at napa-kagat ako sa ibabang labi ko. Damn, Pieros.




"Uh, nothing," sabi ko at kunwaring nagtingin-tingin. Naglakbay ang braso niya sa baywang ko habang ang isa niyang kamay ay naghahalo ng fried rice.




Hindi ako sanay na ganito kaming dalawa. Shit.




"How about there? Masakit pa rin ba?" Aniya at namula ang pisngi ko dahil alam kong tinutukoy niya ay ang 'ano' ko. Dahan-dahan lang akong tumango at napaubo.



Binitawan niya bigla ang sandok at niyakap ang bewang ko. Naka-lean pa siya ng kaunti dahil ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Nanigas lang ako at pakurap-kurap ang mata dahil sa ginawa niya. Why do I get it cute when he's clingy? Damn, what a clingy client.



"I'm sorry. Sobrang masakit pa rin ba?" Mahinahong tanong niya at hinahalik-halikan ang gilid ng leeg ko.




"H-Hindi naman sobra," sabi ko at marahang tinulak siya palayo. Pakiramdam ko kasi ay nararamdaman niya rin ang lakas ng tibok ng puso ko. Natawa siya ng mahina at mabilis akong ninakawan ng halik.



Nanaman! Naka-dalawang beses na siya ngayong umaga! Dahil sa reaksyon ko ay umamba siyang hahalikan ulit ako pero mabilis kong tinakpan ang labi ko kaya napa-halik siya sa likod ng palad ko. Tumawa lang siya at hinalikan ang noo ko. Now he's addicted to kisses.




"Go there and wait for the food," aniya sabay nguso ng lamesa, tumalikod ako at naglakad papunta doon, "Wait for me," dugtong niya at humarap ako sa kaniya ng kunot ang noo ko.




It's too early for his perverted lines! Wait for the food? Wait for him? Pagkain ba siya? Buti sana kung nakakain 'yan. Pasok lang naman ang alam niyan. Napairap ako sa kaniya kaya tumawa siya ng malakas at bumalik sa pagluluto. Umupo ako at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Wala pang limang minuto ay tapos na siyang magluto at inilapag sa harapan ko ang plato na may omelet at dalawang bowl ng fried rice.



Binigyan niya ako ng kutsara at tinidor, pagkatapos ay hinalikan ang tuktok ng ulo ko bago siya naupo. Napatingin lang ako sa ginawa niya at bumilis ang tibok ng puso ko. He's really sweet and I like it. Kinikilig ako.


Pagkatapos naming kumain ay siya na ang naghugas ng pinggan. Aniya baka raw mas lalong sumakit ang nararamdaman ko sa ibaba ko kapag pinakilos niya pa ako kaya pinaupo niya ako sa sofa. Sabi niya rin ay rest day daw ngayon kaya dapat na magpahinga kaming dalawa. Binuksan ko lang ang tv at naghanap ng pwedeng panoorin.



"Baby," tawag niya kaya napalingon kaagad ako at nakitang nakangising aso siya. Bakit naman nakangisi 'to?



"Para kang tanga," irap ko at tumawa siya, tapos na pala siyang maghugas at nagpunas siya ng kamay bago naupo sa tabi ko. Naka-sleeveless lang siya na kulay gray at boxers.



Falling for the Heartless (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon