Chapter 31: Khirtz Vhailer Ajero

936 96 4
                                    

"Ouch, hey!"

Mabilis ang lakad ko at malapit na akong makalabas ng building nang may makabanggaan akong babae. Itinaas ko ang paningin ko at nakitang si Paurella pala.

"Sorry," iwas ko at muling lalakad nang pigilan niya ako at iniharap sa kaniya.

"Do you have problems with me? I'm sure you hit me on purpose!" Galit na sabi nito na agad ikinakunot ng noo ko.

Anong problema niya? Ang aga-aga at ako kaagad ang pinagbubuntungan ng galit niya. I just remained my poker face and gazed off at her.

At the other side, I feel like I need to tell her what I saw.

Hindi ko napigilan ang sariling muling humarap sa kaniya.

"This is a no offense opinion, Paurella. I know you have a pretty-witty mind so please believe in it."

"What are you talking about? You know what? Hindi ako nagkamali ng akala na desperada kang balikan si Pieros! I should've believed when I felt something on you!" Aniya na may pagduro pa sa akin.

Nakaka-imbyerna. Bagay sila ni Pier—I mean Director Arrojo. Bagay na bagay.

"Alam mo? Sayang 'yang ganda mo. Tanga ka, eh," saad ko at narinig ko ang mga bulungan sa paligid.

"Who is she? Hindi ba si Paurella, 'yang kausap niya? The director and her was dating, hindi ba takot ang babaeng 'yan na baka tanggalin siya sa trabaho?"

"Hear that? Know your place, Ninoire. Kung sa tingin mo ay maagaw mo si Pieros sa 'kin, p'wes nagkakamali ka!" Singhal pa ni Paurella sa 'kin, napairap lang ako.

"Think whatever pleases you," saad ko at tumalikod na para umalis sa lugar na 'yon.

Palabas na ako sa building nang bigla kong marinig ang boses ni Director Arrojo na tinatawag si Paurella.

"What are you doing here?" His manly voice were standing out among everyone's.

Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Paurella sa kaniya dahil nakalabas na ako at diretsong pumunta kung saan naka-park ang kotse ko. Pumasok kaagad ako sa loob at pinaandar ang makina.

Palabas na ang sasakyan ko sa parking lot nang may biglang sasakyan ang humarang sa 'kin.

Infiniti. Kanino pa nga ba manggagaling 'yon?

"Ms. Alvarez? I believe I told you we have something to talk about," sabi niya pagkababa ng bintana.

I don't if I should be amused or what. I know he saw me earlier there, and he's clearly acting like nothing happened. Oh right, keep personal things away and do business.

Lumingon ako sa kaniya at pekeng ngumiti.

"I was actually about to park my car, Director," sambit ko at inatras ang kotse nang bigla ulit siyang magsalita.

"Hmm, I don't like today's ambiance. Let's go somewhere, follow me."

Magsasalita palang ako nang pinaandar na niya ang sasakyan niya at naunang umalis. He left me no choice but to follow him, and I hate it.
Hindi naman gaano kalayo mula sa AGC Building ang pinuntahan naming lugar 'kuno' para pag-usapan ang kung ano.

The place is peaceful and I guess he's not wrong picking a place with a good ambiance. He offered me a chair when we went inside and he personally ordered my coffee.

"I can order by myself, Director."

"The pleasure is yours," aniya at gusto kong ngumiwi pero hindi ko ginawa.

Ilang minuto kaming tahimik at parehong nakatingin sa mga cellphone namin habang hinihintay ang order na kape. I feel so awkward. Should I say something?

Falling for the Heartless (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon