Chapter 10: Model

1.1K 123 0
                                        

"Ate Nami!"

Patakbong yumakap sa akin si Paige nang makita niya ako. Ngiting-ngiti siya habang nakayakap sa akin, may kasama pang pag-halik sa pisngi ko ang bata. He's so cute!

"I missed you, Paige," sambit ko pagkakalas niya sa yakap.

Nag-pout siya at hinampas ako ng isang beses, biro lang kaya hindi masakit. Natawa lang ako ng mahina dahil sa pag-haba ng nguso niya sa akin. Is he upset?

"Why did you leave, Ate? You're not informing me, you're like Daddy," nagtatampo ang boses niya.

Lumapit ako at ki-niss ang noo niya, "Sorry, nagka-emergency lang si Ate Nami, baby," sabi ko at ang kaninang pout niya at napalitan ng ngisi.

"Forgiven! dahil nandito na ikaw ulit Ate Nami, hihi," aniya at hinawakan ako sa kamay at hinila patungong sala.

"Let's watch, Ate," he said and point his fingers to the tv.

"Hmm, okay, but where's your kuya?"

"The monster?"

I chuckled, "Yes, monster."

"Paige, go to your room."

Napalingon kaming dalawa ni Paige kay Pieros na bumababa ng hagdan. He looks like a businessman wearing his black buttoned-down tuxedo na nakabukas ang dalawang butones sa taas at mukhang walang balak na magsuot ng neck tie. Looks like he's going on a date.

Shooting pala.

"Kuya----"

"I said go to your room, now," aniya kaya natakot si Paige at malungkot na tumingin sa 'kin.

"Go na, we'll play later, okay?" bulong ko at tumango siya habang pinupunasan ang konting sipon sa ilong niya.

I was about to storm out at Pieros, when he just walk pass through me. Gusto ko siyang pagalitan dahil sa pananakot niya lagi sa kapatid niya, pero, naalala ko ang mga sinasabi ko sa kaniya. If he don't have the rights to mind my personal life, ganoon din ako. I said that, so I should keep that. Hindi ako pwedeng mangealam kung paano niya disiplinahin ang kapatid niya, or whatsoever.

I'm just his bodyguard.

"Shooting at 5 pm sharp, to the Sarmoza---"

"I know, let's go," he cut off my words.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam pero parang may unti-unting tumutusok sa dibdib ko, dahilan para mahirapan akong huminga ng maayos. Pakiramdam ko ay parang may kung anong mabigat sa dibdib.

Tumakbo na ako papunta sa labas at sumakay sa motor ko, pinaandar ko ito ng mabilis para lang maabutan ang kotse niya dahil nauna siyang umalis nang hindi ako hinihintay.

Hindi ko alam, pero parang ang sakit.

I want this, right? Now that he's cooperating with me, I should be happy with that! But why am I having, this opposite feeling? Bullshit, Ninoire!

Mabilis kaming nakarating sa building ng pamilya nina Ven. Sikat ang clothing line nila na Sarmozapparel, at mukhang mas lalong bebenta dahil magmo-model si Ven at Pier nang magkasama.

Hindi niya ako pinansin hanggang sa makarating kaming dalawa sa shooting area nila. Tahimik lang akong sumusunod sa kaniya, at tumitingin sa paligid. Wala talaga siyang balak kausapin ko, I guess I'm thankful, kahit papaano. Natanaw namin si Ven na may kausap na isang bakla, make-up artist niya siguro.

"Oh my, Pieros!" Malanding sigaw ni Ven at sumugod ng yakap at halik kay Pieros.

She should be investigating in Palawan, hindi nakikipaglandian. Tss, iresponsable. Hindi ko talaga alam kung paano siya tumagal ng isang taon sa agency namin. Napaka-tamad at iresponsable niya.

Falling for the Heartless (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon