Epilouge

1.2K 38 9
                                        

I was silently sleeping when I felt someone shaked my body, causing me to wake up.

"Baby, wake up." That was Pier's voice.

Kahit na inaantok ay pinilit kong mapaupo, ni hindi ko pa maimulat ang mga mata ko dahil sobrang bagsak pa talaga ng mga 'to.

"Anong oras na?" Tanong ko at kinusot-kusot ang mata ko.

"4:30 am. We have a flight by 5, be fast."

Napamulat ako sa gulat dahil sa sinabi niya. Nakita ko siyang nakatayo na sa may paanan ko at bihis na bihis pa siya, naaamoy ko pa ang paborito niyang pabango. Taka ko siyang tiningnan dahil wala naman akong naaalala na nag-book kami ng flight sa kung saan.

"What do you mean? You cancelled the meeting kahapon dahil sabi mo may special appointmet ka ngayon? Anong flight? Wala kang sinasabi sa 'kin."

"This is my special appointment," bigla siyang lumapit at naupo sa tabi ko. "Happy birthday, baby. We have a flight to Paris," he whispered and kissed my cheeks.

Kaagad akong tumayo dahil sa sinabi niya. Weeks had passed since my last meeting with my mom, naging busy ako masyado sa mga ginagawa sa kumpanya kaya nawalan ako ng atensyon sa ibang bagay.

I didn't even know today was my birthday!

"Seriously?!" I exclaimed. He smiled and nod in response.

Napatakbo na ako papasok sa banyo, ni hindi ko na nainda ang lamig ng tubig. Limang minuto lang yata ang itinagal ko sa loob ng banyo at lumabas na kaagad, binuksan ko ang closet at kumuha ng casual sleeves at pants.

"Sana sinabihan mo ako kagabi, so that I had prepared," busangot kong sabi dahil naha-hassle na ako mag-ayos ng sarili. Kung sinabihan niya lang kaagad ako edi sana hindi ako nagmamadali ngayon.

"You always look great, baby. Anything you wear looks great, even without one."

Nabato ko siya dahil sa sinabi niyang 'yon, hindi ko alam kung ano 'yon dahil basta ko nalang pinulot at binato sa kaniya. Nakailag naman siya kaya tawa ng tawa.

"Pier, can't you say a word without any sort of flirting?" Inis kong sabi.

Hindi siya nagsalita, imbes naramdaman ko nalang ang presensya niya sa likuran ko. Naramdaman ko ang pagpalibot ng mga braso niya sa mga balikat ko at hinalikan ang likod ng tainga ko.

"Hmm. I love you," malambing niyang sabi.

Napairap ako, "I love you."

Bigla akong natigilan habang nakatitig sa salamin. Hindi maganda ang nararamdaman ko sa nakikita ko ngayon. Bakit parang......ang pangit ko?

"Pier," tawag ko sa kaniya nang lumayo siya para kunin ang coat niya.

"Hmm?"

"Do I look ugly?" Tanong ko habang nakatingin sa salamin.

Mahina siyang natawa kaya naman bigla akong nakaramdam ng inis. Is he making fun of me? Do I really look ugly?

"I hate you. Do I really look ugly kaya ka tumatawa? I'm getting fat. I feel it."

"Hon, you're overthinking again. You've said it yesterday a couple times," aniya na ikinalito ko.

I can't remember anything saying those yesterday.

Falling for the Heartless (Falling Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon