"Good morning."
Tipid akong ngumiti sa kaniya at hinawi ang buhok ko. Kakagising ko lang pero naghilamos na ako kanina, nakita ko pang medyo namumugto ang mga mata ko. Naalala ko si Mama. I want to talk to her right now, gusto ko pa siyang makasama. Pero baka busy na siya. Sa negosyo, at sa bago niyang pamilya ngayon.
"How's your sleep?" Tanong niya nang maupo ako sa sofa at iniinat ang mga paa ko.
"Fine. Ikaw?" Tanong ko pabalik. Nasa kusina siya, nagluluto nanaman.
"Fine, because you're happy," aniya at kumunot ang noo ko.
Tatanungin ko sana siya kung nababaliw na siya kaya tumalikod ako para makita siya, pero mukhang busy na busy siya sa pagluluto. Napanguso ako, hindi naman sigurong tama na awayin ko siya ngayong may ginagawa siya para sa amin. Sa kakainin namin, tss.
"Pwede namang tumawag ng room service, Pier. Pinapagod mo lang ang sarili mo magluto. I don't mind trying those fancy meals," sabi ko at saglit niya akong tinapunan ng tingin bago bumalik sa pagluluto niya.
"I like it when you're eating the food I cooked," tipid niyang sagot at ngumiwi ako.
"I'm not a guest, Pier. Bodyguard mo 'ko," sabi ko sa kaniya at ibinalik ang tingin sa tv kahit hindi naman nakabukas.
"No. You're not just my bodyguard. You're someone important," aniya kaya natahimik ako.
Someone important my ass. Kaya pala ginawa mo akong third wheel sa date niyo ni Ella. Tss, panira naman ng araw. Ba't naalala ko pa 'yon?
"It's done. Let's eat," aniya kaya tumayo na ako at lumapit doon.
As usual, ako na mismo ang naglagay ng kanin sa plato ko at nilagyan niya ng omelet. Omelet at bacon ang niluto niya pero omelet lang ang binigay sa akin. Kumuha na mismo ako ng bacon at kita kong napairap siya. Damot! Umirap lang din ako pabalik.
"By the way, eat it fast. Maligo ka at magbihis. May pupuntahan tayo," aniya pagkaupo.
"Where? Appointment nanaman?" Medyo tinatamad kong sabi. Pero tinatamad talaga ako.
I actually want to rest right now.
"No. We'll have this time together," aniya na ikinanlaki ko ng mata.
Oh, nevermind, binabawi ko na pala. Nae-excite na ako, sa dami ba naman ng mga misyon ko hindi ako lubos na nakakalibot sa mga bansang pinupuntahan namin. Kahit papaano pala masaya ring maging misyon ang protektahan siya.
Sana sa Eiffel Tower kami pumunta kaagad. Binilisan ko ang pagkain ko para makaligo na kaagad ako. I just can't wait!
"Saan?" Naa-atat kong tanong. Lumunok muna siya at uminom ng tubig.
"Sunday. We'll go first in Cathédrale Notre-Dame," aniya at napanguso ako.
Hindi naman sa ayaw kong mag-simba. I'm not an atheist for pete's sake or what, sadyang gusto ko lang muna pumunta sa famous na Eiffel Tower. Nakakainis naman
"Don't worry, we'll eventually go to Eiffel. We'll just attend a mass first," aniya ng makita ang hitsura ko.
Lumiwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Akala ko talaga magsisimba lang. Hindi ko pinahalata na na natutuwa ako, pero hindi maikakaila na nae-excite ako doon.
Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na kaagad ang plato ko at nagmadaling pumasok sa kwarto. Naghanap kaagad ako ng masusuot. White long-sleeved turtleneck at black fitted pants ang napagdesisyunan kong suotin para sa gala namin ngayon. Gala nga ba? Or date? What? Ninoire? Bobo ka.
BINABASA MO ANG
Falling for the Heartless (Falling Series #1)
RomanceFalling Series #1 Ninoire Eilia Alvarez - Deprived by hatred and longing for something, Ninoire believed that emotion makes people weak. And there she met Pieros Lander Arrojo, the man who trembled all of her fears. Will the barrier she created be...
