Chapter 16: Hate Me? or Like Me?

1K 130 0
                                    


"Who are you texting again?"

Napaismid ako at umayos ng upo sa sofa, naka-shorts lang din ako, well 'yon lang ang meron sa maleta. Naiinitan ako kaya mamaya na ako magpa-pajama kapag patulog na. Ka-text ko si Isaiah, well, about the updates doon sa nagtangkang pumatay sa kaniya gamit ang nakakatangang bomba. Hindi ko nalang siya pinansin at tumutok nalang sa phone ko.

From: Isaiah
I have leads na nandyan ang iba sa Paris. Some boys of that Tribalry Gang. Not sure, maybe they followed you, or him.

To: Isaiah
Alright, I'll look out. I'll tell you if someone showed up again.

From: Isaiah
Ofcourse you would! Partners!

I chuckled a bit.

"What's with the laugh?" Iritadong sabi ni Pier kaya nilingon ko siya saglit at inirapan.

To: Isaiah
Yea, whatever. Pahinga ka muna.

From: Isaiah
Okay, okay! Catch up, okay?

To: Isaiah
Okay, sir.

Napapikit ako at humilig sa sofa. Kanina lang kami nakarating dito sa hotel. Executive suite ang kinuha ni Pier kaya malaki naman, dalawa ang kwarto may sala at kusina. Sa guestroom ako, ayoko siyang kasama sa isang kwarto.

"Tomorrow is the meeting. Get some rest," aniya at naupo sa tabi ko para i-open ang tv

"I've got too much, Pier. Tulog lang ako ng tulog kanina," ani ko habang nakapikit pa rin.

Naririnig ko ang ingay ng tv. He's there again, watching 365.

"Hinaan mo naman, please?" Inis kong sabi nang makarinig agad ako ng ungol.

He chuckled, "Don't tell me you don't watch erotic movies?"

"Of course I don't. You freaking asshole pervert," mura ko at narinig ko ang pag-ngisi niya.

Biglang lumapat ang mga kamay niya sa legs ko na ikinagulat ko. Napamulat ako at napalayo agad sa kaniya. Inis ko siyang tiningnan at nagmukha siyang pa-inosente na parang wala siyang ginawa!

"Ba't mo ginawa 'yon?!" Iritadong sabi ko.

"You told me I am pervert. Pinanindigan ko lang," ngisi niya kaya nasapak ko siya.

Umismid ako dahil tumawa lang siya. Tumayo ako at pumasok nalang sa guestroom, tinatawag niya pa ako, using his fucking endearment but I don't give a damn! Bahala siya doon, manyakin niya ang tv.

Binuksan ko ang maleta at nagtingin ng kung anong pwedeng suotin. Mabuti dahil may loose na long-sleeves polo dito na kulay white. Paparesan ko nalang ng high-waisted jeans. Atleast, medyo pormal ang suot ko, at hindi mukhang tambay lang doon.

Magandang tambay to be exact.

Pagkatapos ay naupo na ako sa higaan. I don't know what to do, I'm not yet sleepy dahil puro tulog nga ako kanina sa eroplano. Dahil sa frustration ko sa loob ay napag-desisyunan kong lumabas at maupo ulit sa tabi niya, sana lang ay wala nang kamanyakan sa utak niya. Oh, nevermind, hindi naman pala mawawala iyon.

"Bored? You hungry?" Pagkausap niya habang tutok sa pinapanood. Nakinood nalang din ako.

"Nope. Bakit ba paulit-ulit mong pinapanood 'yan?" Inis na tanong ko sabay turo sa tv.

Mataas lang libido niya. Nahiya pa siya, dapat porn nalang ang pinanood niya at hindi pelikula. God, he's stressing me out.

"Maganda," tipid niyang sabi at kumuha ng chips.

May chips pala, nakikuha rin ako.

"Ang alin? Story o 'yung nangyayari sa dalawa?" Irap ko habang ngumunguya at nanonood.

Falling for the Heartless (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon