"Tatlong araw layover namin dito."
Tumango ako sa sinabi niya dahil sumisimsim ako ng mainit na kape. Niyaya niya ako sa coffee shop na malapit lang din dito, hindi na ako tumanggi, wala rin naman akong magagawa doon.
"So, you're dating here sa Paris? Ang sweet naman pala ng boyfriend mo," aniya ay muntik na akong masamid.
Shit! Ang init! Ramdam kong napaso ang labi ko dahil sa sinabi ni Evan!
"He's my client, Evan," paglilinaw ko nag-o ang bibig niya.
"Weh?" Malisyoso niya akong tiningnan.
Tsismoso talaga kahit kailan.
"Oo nga. Ang kulit mo," inis kong sabi at tumawa siya.
Napairap lang ako at lumingon sa labas, salamin kasi ang katapat namin. Ang daming taong dumadaan, halos lahat blonde. Makakapal pa abg suot, kahit si Evan, ako lang yata ang hindi. Hindi rin naman ako ganoong nilalamig.
"Okay. Pero bakit ka nandito? Nasaan ang kliyente mo?" Tanong niya at uminom.
"LDC Building," sagot ko at tumango siya. Alam na niya siguro kaya wala ako doon.
Masyadong strikto ang patakaran, eh. Akala mo nanakawan.
"You wanna go somewhere?" Aniya at umiling ako.
I'm guarding Pier.
"Dali na! Bonding lang, namiss kaya kita," dagdag niya at ngumiwi ako.
"Binabantayan ko 'yon dahil habulin ng kamatayan," sabi ko.
"Sus, lalake naman 'yon. I'm sure kaya naman niya ang sarili niya," ngiwi ni Evan.
"I know, but they hired me. This is my job," sagot ko at umirap siya.
Bakla ka na? Tss.
"May malapit na mall dito. Treat ko na, wala na rin naman yung mga kasama ko kanina kasi nakita kita. Akala nila girlfriend kita," aniya at tumawa ng malakas.
Napataas lang ang gilid ng labi ko at umiling-iling dahil sa sinabi niya. Malapit lang naman diba? Distraction na rin, baka ma-stress ako sa trabaho ko. Tsaka, na-miss ko na ring kasama si Evan, saglit kang kaming nagkausap kahapon. I should go, wala na rin siyang kasama dahil sa akin.
Tumayo ako, "Très bien, allons-y," sabi ko at ngumiti siya. Nakakaintindi siya ng kaunti, hmm.
"So fluent," he complimented so I smiled.
"It runs in the blood, Darevan," sabi ko at naunang lumabas sa coffee shop. Nakasunod lang siya.
Walking distance lang kaya naglakad lang kami papunta doon. Ang dami niyang sinasabi, kung ano-ano. Ilang beses na kasi siyang nakapaglay-over dito sa Paris kaya alam na niya ang mga lugar. Nahinto kami sa isang ice cream hub. Nakakatakam, kaso parang ayoko gumastos.
"Gusto mo? Libre kita," ani ni Evan at naliwanagan ang mukha ko.
"Chocolate Almonds lang," ngiting sagot ko.
"One chocolate almonds and vanilla," ani ni Evan at nagbigay ng pera sa babaeng nasa cashier.
Ngumiti siya ulit sa akin. Mabilis nilang naiabit sa amin ang order. Mukha akong batang na-atat sa ice cream na binili sa akin ng papa ko noon. Nakatingin lang ako doon habang inaabot sa akin ng babae. Nakita kong sumundot si Evan sa ice cream niya at ipinunas sa mukha ko!
"Ang dugyot, ha," sarkastikong sabi ko at pinunasan ang vanilla na sa mukha ko.
"Dug-cute ka naman, eh," aniya at tumawa, umismid ako.

BINABASA MO ANG
Falling for the Heartless (Falling Series #1)
RomantikFalling Series #1 Ninoire Eilia Alvarez - Deprived by hatred and longing for something, Ninoire believed that emotion makes people weak. And there she met Pieros Lander Arrojo, the man who trembled all of her fears. Will the barrier she created be...