Chapter 06: A Flirty Client

1K 122 3
                                    

"Good morning."

Nakita kong nakapamulsa habang nakatayo sa pader si Pieros. He's wearing a gray sleeveless shirt and boxers only! Uh, why is he here? Hinihintay niya ba akong lumabas? Like,uh 10 am na. He should be taking his breakfast

"Good morning," bati ko nalang din pagkalabas ko.

Pinasadahan niya ng tingin ang suot kong sky blue terno na pajama, isa rin ito sa mga binili niya kahapon. Wala rin naman akong choice dahil wala naman dito ang mga damit ko. Umismid lang ako nang nakita kong ngumisi siya.

"You still look hot," he complimented.

Napairap lang ako. Naka-pajama na ako for pete's sake, yet ang manyak niya pa rin. Nilagpasan ko lang siya at dumiretso pababa sa hagdan. Medyo inaantok pa ako, busy ako kagabi dahil nga sa pagha-hack ko ng system nila. High security cameras kaya medyo nahirapan ako, pero nakapasok pa rin, kaya connected na sa laptop ko ang mga footage ng cctv nila. They have uh, more than 50 cctv's, except pa iyong mga nasa labas.

Wait! Yung motor ko pala!

"Where's my ducati?" Tanong ko sa kaniya, nasa likuran ko lang naman siya at sumusunod, eh.

"Garage," tipid na sagot niya at tumango nalang ako.

Naabutan kong kumakain na si Paige sa mesa habang katabi niya si manang. Ngumiti siya ng makita ako pero nawala rin nang makita niya ang kuya niya sa likod ko.

Ang cute.

"Ate, may monster," bulong niya agad pagkaupo ko sa tabi niya. I just giggled and took a short look at him.

Mukha siyang walang alam at nagtaas ng kilay sa akin nang tingnan niya ako. Nasa harapan namin siyang dalawa ni Paige.

"Is he a bad monster?" Pabulong na tanong ko at ngumuso si Paige sa akin.

"There's no good monster, Ate,"aniya at natawa ako.

He's so cute, unlike his kuya.

"What's the discussion at naghahagik-hikan kayong dalawa?" Tanong sa amin ni Pieros kaya natahimik kaming dalawa.

Umismid lang si Pieros dahil sa ginawa naming dalawa ng kapatid niya. Maya-maya ay natapos nang kumain si Paige, aalis pala siya kasama si manang, tutor class daw.

"Goodbye, Ate. Always ingat sa monster!" Aniya habang nakadungaw sa bintana.

Ngumiti naman ako at kumaway.

"Yes sir," sagot ko at umandar na paalis ang sasakyan nila.

Bigla namang may tumikhim sa likod ko kaya napaikot ako at humarap sa kaniya, mukhang sirang-sira agad ang araw.

"Can you two stop that monster thing? Hindi nakakatuwa,"inis niyang sabi habang magkakrus ang braso niya.

"Sino bang may sabing matuwa ka?" I said and flipped my hair before entering his house.

Naalala kong may mga aasikasuhin pa akong papeles. Some handouts na ibinigay sa akin ni Rocci bago siya umalis ng bansa. Mga papeles ito tungkol sa pag-aabogado, katulad ko rin si Rocci, kaso lang may mga misyon pa siya kaya nagpa-excuse muna siya at ibinigay sa akin ito.

Sabi niya pa sa akin ay last mission na niya 'to, dahil gusto na niyang mag-focus bilang abogado.

Iniwan ko si Pieros sa ibaba at umakyat muna para pumunta sa kwarto, sa guestroom. Naupo agad ako sa swivelling chair at inilagay ang mga kamay study table kung saan nakakalat ang mga papeles, nang bigla kong narinig ang pagbukas ng pintuan.

"Hey," rinig kong tawag ni Pier sa mababang tono.

Hindi ko inabala ang sarili kong lumingon sa kaniya dahil abala ako magbasa. Bakit siya nandito? May meeting ba siya ngayon? I think I'll ask him to make sure, baka mamaya kung kailan ako aalis ay eepal siya. Mamaya ko din naman balak mag-paalam para walang kontra kapag aalis na ako.

Falling for the Heartless (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon