Chapter 33: Fiancé

1K 50 11
                                    

I feel a good morning even though I still feel a little bit of headache.

Siguro ay makakapasok naman ako kahit medyo masakit. Kailangan ko rin makilala ang ibang nasa team, hindi ko sila na-meet noong isang araw at kahapon.

Medyo okay na rin ang pakiramdam ko ngayon. Pagkatapos kong kumain ay nagtingin-tingin muna ako ng pupwedeng suotin.

I decided to wear a casual white long sleeved polo for my top and a black  pencil skirt. Nagtuck-in pa ako. I wear my black stilettos and let my hair fall. Should I get a haircut or something? I look like a black lady, but still, black will always be my style.

Pagkatapos ko mag-ayos, syempre kinuha ko na ang susi ng kotse ko at lumabas ng condo. Tuwing may babati, tumatango ako at ngumingiti. I don't know why I'm feeling so much happiness today. Pagkarating ko sa kotse ko ay kaagad akong sumakay at pinaandar. Mabuti dahil hindi masyadong traffic ngayon, mabilis aking nakarating sa building.

I held my chin up high as I enter the building. As usual, nagti-tinginan ang iba at ang iba ay akala mo walang pakialam pero iniirapan ako. I'm just wearing my habitual poker face.

I'm not that folksy to interrogate them, either meany. If they hate me, then the feeling is mutual. Huwag silang mag-alala.

Nagtanong ako kung nasaang floor ang working teams. Siguro mamaya pagkatapos ko silang tingnan ay pupuntahan ko siya sa opisina niya.

He emailed me last night that there are few documents I should consult. He also told me that I have my own office here, mahirap na kasi magpabalik-balik kapag kailangan ako sa meeting or may ipapa-review na mga documents.

Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang 23rd button dahil doon ang floor ng lahat ng teams, kasama na ang management. Nagulat ako nang may biglang pumasok na lalaking....I guess, nasa teenage year na. Tinitigan ko ang mukha nito ng maiigi dahil mukha siyang pamilyar sa'kin. Taka niya aking tiningnan at lumayo ng kaunti nang mapansin niyang tinitingnan ko siya.

I feel like I met him somewhere.

"Excuse me miss, you're creeping the hell out of me," sambit niya at nanlaki ang mga mata ko.

Sa mata palang, at sa kurba ng labi, paanong hindi ko siya namukhaan kaagad?! What the—kahit boses ay kuhang-kuha niya sa kuya niya! I miss this boy so much! Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit na ikinagulat niya at hindi naka-galaw.

"I don't know what you're planning, miss. Pero hindi ako pumapatol sa mas matanda sa'kin," aniya at bahagyang tinulak ang baywang ko.

Napa-nguso ako at tiningnan siya, "I thought you want to be my boyfriend?" Sabi ko sabay ngisi.

Ang naka-kunot niyang noo at nagtatakang tingin ay napalitan ng gulat. Napa-ngiti ako lalo nang makita ang reaksyon niya ngayong naaalala na niya ako.

"Ate Nami?" Tanong niya sabay nanliit ang mga mata sa'kin.

He's so cute! I wonder kung may girlfriend o nililigawan na siya.

"Yup, baby Paige," sabi ko sabay tawa kaya itinulak niya ako at umismid.

"Psh. I'm 15 now, Ate Nami. I'm not a baby. By the way, what are doing here sa company ni kuya?" Tanong niya. Inayos ko muna ang damit kong medyo nagusot dahil sa pag-yakap ko sa kaniya.

"I work as an attorney here. I'm Attorney Alvarez now, Paige. You should call me Attorney," pagmamataas ko at umirap lang siya.

Aba! Sumusunod sa yapak ng kuya niya 

"Whatever. I missed you, ate. Why did you not come back after Paris? Why did you not visit kuya pala when he's on the hospital? He's been kidnapped. Did you know that?" Sunod-sunod niyang tanong na ikinatahimik ko.

Falling for the Heartless (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon