Chapter 37: Closure

1.2K 40 4
                                    

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng kuwarto ko. Agad akong napabangon at patakbong lumabas ng kuwarto, only to see him cooking without his shirts on.

Right.....I almost forgot.

"Good morning, sunshine."

Napatingin ako sa kaniya ng batiin niya ako. Ngumiti ako at lumapit sa kaniya at kaagad naman niyang ibinuka ang mga braso para salubungin ako. I can feel his sweat but he still smells nice.

"Good morning," bati ko rin.

Hinalikan niya ang noo ko bago ako pakawalan sa pagkakayakap at bumaling sa niluluto niya.
This day feels like before but new. I've never expected to see myself once again embraced by him. It feels so great.

"Sit and wait for me," utos niya na kaagad ko namang sinunod.

Sumunod na rin siya dala ang niluto niyang umagahan. Wala na ang apron pero wala rin naman siyang damit pang-itaas, ismid ko siyang tiningnan dahil doon.

"Wear something, Pier," saway ko.

Napahinto siya at kaagad na ngumisi. "Right. Wait," ngisi niya at tumalikod pero muli siyang humarap kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Ano?" Tanong ko.

"You don't like me without my shirt?"

"I like you both. Now wear dahil kakain tayo," sagot ko nalang para matigil siya.

"Just kidding, mon amour."

Tuluyan na siyang umalis sa harapan ko para kunin ang damit niyang suot kagabi. Mon amour means 'my love'. Napailing nalang ako nang maalala ang kagabi.

-

"You won't go to the company?" Tanong ko nang makita siyang prenteng nakaupo sa kama.

Kakatapos ko lang maghugas ng pinggan, nakakahiya naman kung siya pa ang maghuhugas samantalang siya na ang nagluto. Nakakahiya naman, magmumukha akong bisita.

Take note, I'm sarcastic.

"Nope. We're going somewhere," sagot niya nang hindi ako nililingon.

We?

"Kasama ako? Saan?" Tanong ko at naupo na sa tabi niya.

Pagkaupo ko ay kaagad na lumapat ang mga palad niya sa hita ko kaya tiningnan ko siya tinarayan.

"Well, we're going to meet someone you're very eager to meet," sagot niya na nagpakunot naman sa noo ko.

Someone I'm eager to meet? Who?

Sa lahat ng mga taong kilala ko, isang tao lang naman ang lagi kong gustong makita....Oh my god...Hindi kaya-

"Your mother, baby. You'll meet her again, haven't I promised you that?"

Napangiti ako at niyakap siya ng mahigpit. I've been wondering for years kung kailan ulit kami magkikita since I always don't have an opportunity to do so. I also can't reach her out, aside from her name, I know nothing about her.

Falling for the Heartless (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon