Chapter 29: Pissed Off

939 123 1
                                    

"Hi. Can you please call Director Arrojo, we have an important appointment."

"Just a second, Ma'am," sagot sa akin ng babaeng nasa front desk. Tumalikod ako at napa-irap sabay tingin sa relo ko. Damn it! Bakit ba ako nandito sa building ng lalakeng 'yon?

Oh right, kinulit lang naman ako ng kinulit ni Mrs. Chavez na tanggapin ang alok nila hanggang sa mag-out kami kahapon. Jusmeyo, pwede naman akong mag-ditch sa appointment na 'to pero ba't di ko nagawa? Nakakainis.

Naupo muna ako sa couch na malapit lang din sa kinatatayuan ko at sinuklay ang mahaba kong buhok gamit ang mga daliri ko. I'm wearing a black lettuce-trim flounce-sleeve tee, pairing my black buttoned skirt. Yup, casual attire lang ang suot ko dahil sabi ni Mrs. Chavez ay hindi naman masyadong importante ang appointment na 'yon. He'll just give a contract I need to sign for the job and fees.

"Attorney Alvarez," tawag sa akin ng babae kaya tumayo kaagad ako, "Director's office is on 50th floor," dugtong niya kaya tumango ako at naglakad papunta sa elevator.

"Pero, may bisita pa po si Director sa office---"

Hindi ko siya pinakinggan at dumiretso sa elevator. Okay, I'm kinda rude but that's my nature. Atsaka, ano naman kung may bisita siya? It's not like manggugulo ako. I can wait outside, bakit ayaw niya akong papuntahin doon ngayon? Hmm, something confidential?

Tumunog at bumukas ang elevator. Medyo nakakabagot ha, bukod sa ako lang mag-isa, eh ang taas pa. Medyo nangalay akong tumayo. Dark brown na may touch ng black ang kulay ng ceiling na sumalubong sa akin. Napa-sirko ang bibig ko dahil ngayon lang ako naka-punta sa AGC Building. Ang 50th floor pala ay exclusive sa CEO, which is I guess his dad. Director, at si Pieros iyon, at sa Vice President ng company, I don't know whether he or she.

May table sa gitna, I think antique dahil sa unique na design nito. At napapalibutan ng 2 half-squared couches. May mga fake plants at paintings. Dim lang ang ilaw, na medyo dilaw pa kaya dinadagdagan no'n ng ambiance ang kulay ng ceiling. Sa left door ay sa VP, sa right ang kay Pier, at sa gitna ang para sa CEO. Kumatok muna ako sa pintuan bago ko pihitin ang knob at buksan.

"Pier, please?" I heard Ella's voice, which made me to stop opening the door.

So, this is confidential. Wait, why do I sense that this scene is kinda familiar?

Nevermind, I'm thinking too much again. Sumilip nalang muna ako sa kanila at nakitang nakasabit ang mga braso ni Ella sa batok ni Pier, at sobrang lapit ng mukha nila. Shit, am I really supposed to see that?

"I'm busy, Ella," rinig kong sabi ni Pier at umangal kaagad si Ella, her voice is sweet though.

Unlike mine. Jeez, why am I comparing someone with me again? My insecurities are really killing me, I should throw all of this away. Damn.

"You're always busy! You don't have time for me na!" Reklamo ni Ella nang muli akong sumilip sa kanila.

Nagulat ako nang bahagyang napalingon sa akin si Pieros, pero kahit na ganoon, parang hindi ako natinag na nakita niya ako. Nanatili lang akong nakatayo at tinitingnan siya. Sila. Siguro ay dalawang segundo lang ang tingin niyang iyon sa'kin at mabilis na hinalikan si Ella sa noo.

Pakiramdam ko ay may kung anong nahulog sa dibdib ko, ang hirap iahon sa bigat. Napaiwas ako ng tingin at huminga ng malalim, pagkatapos ay sinarado ko na ang pintuan. Lumayo ako ng kaunti at napa-hawak sa dibdib ko. Shit ka talaga, Nine. Bakit kasi tiningnan mo pa? Ayan, nasasaktan ka? Tanga ka kasi.

Bobo mo.

"Woah. Ninoire?" I heard Ella's voice behind me so I immediately look at her because of my shock.

Falling for the Heartless (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon