Chapter 30: Double-Trouble

974 107 2
                                    

"Haba ng hair mo, girl!"

Napairap ako sa sigaw ni Ella. Nagtinginan tuloy ang ibang customers sa'min dahil sa pagsigaw niyang 'yon, sarap kutusan. Gusto yatang pati ibang planeta makarinig ng lintek na boses niya.

"Lakas mo pa, 'yong aabot sa kalawakan," pagtataray ko at umismid lang ang bakla sabay inom ng coffee niya, napa-inom din ako.

"Kinilig lang naman. So ano pa?" pangungulit ng bakla.

"That's it, Ella. Umalis nga agad ako," sabi ko sabay tingin sa labas. Medyo madilim ang langit, parang uulan.

"Ay, wow. Hindi talaga kita ma-catch miss french. Wala ka namang jowabels, tapos dalawang lalake naghahabol sa 'yo! Ulit! Ta's ngayon choosy pa you! Baliw ka!" Aniya at napairap ako.

"Kung gusto mo, sayo na si Cad. Atsaka anong dalawa? Hindi katulad ng iniisip mo ang nangyari. Magulo sila pareho, Ella," irap ko at ngumiwi siya sa sinabi ko, baklang 'to pakealamero.

"Wow ha! So double-trouble ang peg? Pahiram ng hiyas, ako na ang kukuha sa dalawa," aniya kaya nakutusan ko na siya.

Wala talagang hiya ang bunganga. Kaya hindi nawawala sa utak ko kung paano ko nagiging kaibigan ang nga siraulong tulad nila, mabuti dahil matino ako. Lahat ng kaibigan ko siraulo.

Biglang nag-ring ang phone niya kaya tumayo siya at nagpaalam. Tumaas lang ang dalawang kilay ko bilang sagot at iniwan na niya ako. Napa-buntong hininga ako bigla at tingin sa mga tao dito sa loob. May ibang couples, iba solo at nag-aaral, ang iba may kausap.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon kanina ay kaagad akong umalis sa building at tinawagan si Ella. Sinabi kong magkita kami dito sa starbucks. Kakagising lang pala no'n ng gaga pero pinagmadali ko siya at sinabing emergency. Of course, naniwala siya, pero nang makita ako nanlumo kaagad at mukhang pagod na. Daming arte, kakagising lang naman.

"Girl, maiwan muna kita, ha. May urgent na magpapa-ayos sa'kin, eh," ani ni Ella pagkabalik, napanguso ako.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon.

"Okay," tipid kong sagot.

Kinuha niya ang gamit at ang coffee niya, "Bye girl, sorry ha. Tinawagan ko nalang si ano na pumunta dito, tutal tapos na siya. Babush! " Sigaw ng bakla at kaagad na umalis, iniwang nakaawang ang mga labi ko.

Sinong tinawagan niya? Cad? O Pier? Biglang naghurumentado ang dibdib ko. Paano kung pumunta nga dito si Pier?

Siya? Pupunta? Hear yourself out, Ninoire. Hindi ka niya pupuntahan dahil may girlfriend siya.

Tumayo ako at kaagad na isinabit ang bag sa balikat ko, nang bigla kong matanaw si Cad sa labas, sa parking lot. Kakababa lang. Nandito na kaagad? Ang bilis no'n ha. Kumakaway pa si Cad sa direksyon ko, malamang ako kinakawayan niya. Great, nakita na niya ako.

Ngunit kumunot din ang noo ko nang kapwa kami ni Cad napa-tingin sa bagong kotseng dumating na nag-park mismo sa tabi ng kotse ni Cad. Well, Cadler's car was quite luxurious but this one is literally a luxurious car! Ito 'yong Infiniti na nakita ko sa building nilang 'yon! Nagulat ako nang lumabas mula sa kotse na 'yon si Pier at kaagad na luminga-linga na parang may hinahanap.

I walked out of the door and try to hid my face using my palms, but I'm sure it didn't work.

Bakit ba nandito rin si Pier?

"You think you can hide with that?" Sarkastikong tanong ni Pier kaya napa-hinto ako sa paglalakad.

"The heck? Ba't ka sumunod?" Dinig kong tanong ni Cad kay Pier, napailing nalang ako sa katangahan ng tanong niya.

Falling for the Heartless (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon