"Shot pa, Nine. "
Umiling ako sa pang-aalok ni Sammie ng tequila, masyado na 'kong maraming nainom na Hennessy at Black Label kaya medyo may tama na ako, kaya siguro nagha-hallucinate at kung ano-ano na nakikita ko.
Si Pieros, pupunta dito? Psh. Ano ba 'tong mga iniisip ko? Masyado ko na bang iniisip ang lalakeng 'yon? Maling-mali, Nine. Maling-mali. Lumingat ako pero wala naman talaga si Pier, namamalikmata lang talaga ako.
"Hey," bati muli sa akin ni Cad, may tumawag kasi sa kaniya sa kabilang table kaya umalis siya saglit.
Tipid lang akong ngumiti sa kaniya, may dala siyang shot glass na may lamang alak at umupo sa tabi ko. He's wearing a casual shirt and ripped jeans. Simple lang, pero may dating.
"Ba't hindi ka nakikisayaw doon?" Tanong niya.
Umiling ako, "I dont like dancing," sagot ko.
"Sus, hindi ka lang marunong, eh! Hahahaha!" Pang-iinsulto niya.
Napairap nalang ako, tss. Hindi niya ako madadala sa pagganyan-ganyan niya, hindi talaga ako mahilig sumayaw. Ewan ko lang kung marunong ako.
"Hindi ka ba nabo-bored?" Tanong niya at tumango ako ng mahina.
Talagang nakaka-bored. Ayoko na uminom dahil baka malasing ako, motor pa naman ang gamit ko. Ayoko rin sumayaw at makipag-kwentuhan dahil hindi naman talaga ako close sa kanila, at hindi ko ugali 'yon. Hindi ko na alam ang gagawin ko, alas-dose na rin, medyo inaantok na ako.
"You want to go home? I can give you a ride," biglang sabi ni Cadler nang makita ang paghikab ko.
"May motor ako, tsaka hindi naman ako lasing," sagot ko at umiling.
"Pero inaantok ka na, baka makatulog ka. "
"I'm fine. Cad," aniya at natahimik siya.
Nababaliw nanaman?
"You called me by name," aniya at parang loko-lokong ngumiti.
Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng isang kilay habang nakade-kwatro ako ng upo.
"So?" Takang sabi ko at tumawa siya.
"Oh nothing, it just sounds beautiful coming from you. Baliw na ba ako?" He chuckled.
"Pa-check up ka," sagot ko at tumawa ulit siya
Nakipag-kwentuhan pa sa akin si Cadler, may kaharutan kasi si Elisse, habang may nilalaro naman ang iba. Ewan ko ba sa lalakeng 'to, puro tango at iling lang naman sagot ko pero kinakausap pa rin ako. Wala lang magawa?
"Alam mo bang akala ng parents ko babae ako! Muntik na nga raw nilang gawin Candice ang pangalan ko! Siraulo kasi 'yung doctor kahit nakita naman na ahas 'yung ano ko hindi kabibe," pagdadaldal niya at ngumisi ako. Ang daldal, sobra.
"Bagay naman sayo 'yung Candice. Para kang babae, napaka-ingay," ngisi ko at nagtaas siya ng kilay.
Seriously? Anong meron sa mga lalake at naga-attitude sila?
"Eh, bakit ikaw? Lalake ka? Hindi ka maingay, eh," aniya at napairap ako.
"Maganda naman," sagot ko at tumawa siya. Why?
"Ayos ah, kumakapal ang mukha natin kapag naka-inom, ah!" Aniya at tumawa pa ng malakas.
"Gago," ngisi ko.
Biglang lumapit si Elisse kasama ang Chloe na bagsak na bagsak na. Mukhang hirap na hirap pa si Elisse kaya lumapit si Pyro sa kaniya at tinutulungan na buhatin si Chloe.
"Nine, una na ako. Ihahatid ko pa 'tong babaeng 'to. Sabi ko kasi dahan-dahan ng inom, eh," aniya at tinatarayan si Chloe kahit wala namang pakealam.
"Okay," tipid kong sabi at tumango siya.

BINABASA MO ANG
Falling for the Heartless (Falling Series #1)
RomanceFalling Series #1 Ninoire Eilia Alvarez - Deprived by hatred and longing for something, Ninoire believed that emotion makes people weak. And there she met Pieros Lander Arrojo, the man who trembled all of her fears. Will the barrier she created be...