Chapter 12: You

1.1K 115 9
                                        

"Lapit pa,girl!"

Napahakbang pa ako ng isa kaya tumama na ang dibdib ko kay Cad. Sinong sumigaw? Si Ella lang naman na pinagkakanulo pa rin ako kay Cad, ngising-ngisi naman ang gago, tuwang-tuwa sa kalokohan ng bakla.

"Hmm, ang liit mo pala," pang-aasar ni Cad at umismid lang ako kaya hindi kami na-picturan.

"Matangkad ka lang," sabi ko at tumingin ng diretso sa camera.

Narinig ko lang ang mahinang pagtawa niya at mukhang nag-focus na rin sa pagmo-model. Last shoot na, ang posing namin? Nakatagilid kami ng kaunti pareho, ang kanang kamay ko ay nakasabit sa batok niya habang ang kaliwang kamay ko ay parang humahaplos sa dibdib niya.

Ang kaliwang kamay naman niya ay nakahawak sa baywang ko at ang isa ay nakapahinga lang ng diretso. Diretso ang tingin namin pareho sa photographer nang biglang nagsalita si Pieros.

"We're done," aniya kaya napalingon kami sa kaniya.

Halatang hindi pa sila tapos pero naglakad na siya palayo sa area ng shooting. Iniwan niyang nakatanga si Ven, mukhang ayaw pa dahil enjoy na enjoy sa hawak ni Pier. Sinundan ko uli ang lakad ni Pier nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko.

"What are you waiting?" Halata ang pagkairita sa boses niya, tinaasan ko lang siya ng isang kilay.

Ako ba ang kausap niya? I don't know.

"You can go. Hindi pa kami tapos," pakikisali ni Cad kaya lumingon ako sa kaniya, at kay Pieros.

Uh-oh. Ang sama ng tingin ni Pier sa kaniya, para bang anumang oras ay susugurin niya ito. Damn it, Cadler, hindi niya ba kilala ang ugali ng isang 'to?

"Am I talking to you?" Inis na sabi ni Pier kay Cad.

Nasa kanilang dalawa lang ang atensyon ng lahat. Napalingon ako kay Ella na ngumingisi ay pabalik-balik ang tingin sa aming tatlo. What's wrong with her?

"Oh, I'm just pertaining to her," Cadler chuckled.

Should I meddle in? Or watch them? Wala lang, nakakatuwa silang tingnan, parang mga tanga.

"We don't care," mariing sabi ni Pieros at humakbang papunta sa amin.

"We? Why is she with you?" Pang-aasar pa lalo ni Cad, "What is your relationship with her?" Dagdag pa niya at napatigil sa paghakbang si Pier, at ngumisi.

Oh no, alam ko na ang iniisip nito. I think dapat makisali na ako. Pero bago pa ako magsalita ay biglang nakisabat na si Ella.

"Ang ne-nega naman ng mga papi na 'to! Finish na shooting! Dinner na tayo, treat ko tutal success ang shooting ngayon! Tom jones na ako mga bebe!" Ani ni Ella at lumabas agad.

"Tom jones?" Takang tanong ko kay Cad, natatawa siyang tumingin sa akin.

"Gutom," tumatawang sabi niya at umalis para magpalit.

Tumango nalang ako.

Tom jones? Is that some king of gay speech? They're so weird. Makapag-palit na rin, masyado nakong nilalamig sa suot ko.

Ako nalang yata ang nahuhuling lumabas ng building kaya nagmamadali ako. Baka mamaya ay sabihin pa nilang pa-special ako, nevermind. Gulat ako nang makita ko si Cad at Pieros na nag-aabang. Nasa loob na ng kotse si Pier, sa drivers seat, samantalang si Cad ay nasa gilid ng pinto at nakatayo, nakangiti sa akin.

"You're so slow."

"Tara na."

Sabay pa, anong meron? Hinihintay nila ako? Don't tell me niyayaya nila akong sumakay sa mga kotse nila? I have my Ducati, uh.

Falling for the Heartless (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon