"Ate, what's wrong?"
Napabalik ako sa ulirat ko nang tawagin ako ni Paige. Lumabas agad ako kanina dahil nagwawala ang mga kung ano sa tiyan ko dahil sa ginagawa ni Pieros, mabuti at nakita ko si Paige na kakauwi lang kanina.
"Nothing," sagot ko at ngumiti.
Nandito ako sa kwarto niya ngayon. Maya-maya ay aalis din ako para maligo, ngayon sinasamahan ko muna siya dito mag-solve ng mga assignments niya.
"Ate, I think I forgot something," aniya at tinagilid ang ulo.
"Hmm, what?" Takang sabi ko.
Gamit ang mga maliliit niyang daliri ay itinuro niya ako. He's freaking adorable, lalo na kapag nagpa-pout siya!
"Do you live here, Ate? With us? Also ano po name ninyo, I can't remember your name po," he asked me with confusion on his eyes.
Uhm, what should I say?
"My name is Nami," of course, hindi pwedeng may makaalam ng identity ko, "Also, your father asked me to check on you kasi makulit ka raw!" Dagdag ko at kinurot ng mahina ang ilong niya.
Kumunot ang noo niya na mukhang lalong nagtaka. Leche, ang hirap kumausap ng batang matalino. Parang kuya niya.
"Eh, why daddy didn't told me about you? Also I have manang, she's taking care of me kahit hindi ako makulit!"
I just shrugged my shoulders. Hindi ko na alam kung anong isasagot ko sa batang ito.
"Ask your daddy," sabi ko nalang at mukhang satisfied naman siya sa sagot ko.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ko, alas-singko na, I better prepare. Wala pa akong naiisip na suotin, hindi ko naman kasi dala ang iba 'kong damit at ang pwede ko lang gamitin ay ang mga pinamili ni Pieros. Puro pakita pa ng balat.
Tumayo ako kaya napalingon siya sa akin.
"Where are you going, Ate Nami?" Tanong niya.
"Uh, may lakad lang ako. Finish your assignment so I can buy your gummy bears, okay?" Pang-uuto ko at ngumiti naman siya.
"Yes, ate!" He cheerfully exclaimed.
Lumabas ako ng kwarto niya at dumiretso sa guestroom, malapit lang din mula sa kwarto niya. Mabuti dahil wala si Pieros, nasa baba yata dahil naririnig ko ang ingay ng tv.
Pumasok ako sa banyo at agad na naligo. Pagkatapos ay nag-blower ako ng buhok, meron naman sila dito kaya ginamit ko nalang din. Medyo natagalan ako sa pagpapatuyo ng buhok dahil mahaba nga ang buhok ko, malapit na sa itaas ng pwet ko. Naka-bathrobe lang ako at naghahanap pa ng damit. I don't know what to wear! Kainis.
At the end, napagdesisyunan ko na magsuot na lang ng maroon loose shirt, matching high-waisted black and white stripes skirt. Above knee, pero okay na rin dahil hindi naman kita ang pisngi ng pwet ko, medyo fitted kaya bawal akong yumuko or else....yeah.
Naglagay lang ako ng konting liptint sa labi kahit na mapula talaga ito, nag-curl din ako ng pilikmata para mas tumaas pa. Makapal ang pilikmata ko kaya hindi na ako gumamit ng mascara. Marunong pa rin akong mag-ayos, 'no, mga gamit ko talaga 'to, lagi kong dala.
Hindi ako nag-iipit, mas gusto kong malayang nakakahinga ang buhok ko kahit naiinitan ako. Kinuha ko ang black laced handbag ko at lumabas na ng kwarto. Naabutan ko si Pieros na tutok na tutok sa pinapanood niyang movie, if I'm not wrong, 365 iyong title no'n. Kaya mataas ang libido, eh.
Bigla siyang napalingon sa akin nang nasa baba na ako. Medyo nailang ako nang pasadahan niya ng tingin ang katawan ko. May panget ba? Baka hindi bagay yung damit ko, nagtuck-in kasi ako sa harap, pero ang likod ay hindi. Gosh, what am I thinking? Nagkakaroon na ba ako ng insecurities sa katawan?

BINABASA MO ANG
Falling for the Heartless (Falling Series #1)
RomantikFalling Series #1 Ninoire Eilia Alvarez - Deprived by hatred and longing for something, Ninoire believed that emotion makes people weak. And there she met Pieros Lander Arrojo, the man who trembled all of her fears. Will the barrier she created be...