"Resources."
'Yan ang sagot niya sa'kin kanina na paulit-ulit kong naririnig sa utak ko. Well, I'm not surprised na nalaman na niya ang identity ko. He's Pieros Lander Arrojo of course, but damn! He's not supposed to know me, that's the first rule and basic rule of an agent!
"Hindi maglalakad patungong bibig mo 'yang pagkain," basag niya sa pagmumuni-muni ko at ngumisi.
Inis kong tinusok ang steak at kinain. Niyaya niya akong mag-lunch sa isang restaurant, hindi naman na ako tumanggi dahil nagugutom na rin talaga ako.
Siya ang nag-bayad ng bill pagkatapos namin kumain. It's good, wala akong balak gumastos ng sampung libo sa kakaunting kinain namin na iyon. Nauna siyang lumabas at pinagbuksan pa ako ng pinto ng shotgun seat, umasim lang ang mukha ko sa ginawa niya.
"Hey, I'm trying to be good here, don't circle your eyes on me!" He chuckled and took the drivers seat.
Napairap nalang ulit ako.
"I told you not to cirlce it. Or else, be afraid it will stuck above," dugtong pa niya at pinandilatan ko siya ng tingin.
"Gago ka ba?" Naiiritang tanong ko at tumawa lang siya.
Humarap nalang ako sa bintana habang pinapanood ang kalsada. Napansin kong hindi ito ang daan papunta sa mansion nila kaya nagtaka ako.
"We're going to the mall," aniya nang makita ang tingin ko sa daan.
"Mall? Bakit?" tanong ko.
"Sex?" Gulat akong tumingin sa kaniya, and he's freaking smirking!
"Kidding, of course bibili. 'Wag mo nga 'kong tingnan ng ganiyan, your turning me on," he chuckled.
Napairap nalang ako at humalukipkip sa harap ng bintana. God! He's freaking insane, hindi ko siya kaya at ang kabastusan niyang nalalaman! Sobrang---Napaka---Uh!
Nabalot kami bigla ng katahimikan. Ewan ko, nababagot na'ko. Bakit ba kasi ang layo ng mall na pupuntahan nito, o feeling ko lang dahil kasama ko 'to. Argh, I sound crazy!
"By the way, who's the guy hitting on you earlier?" Pambabasag niya sa katahimikan.
"Bakit? Crush mo?" Inis kong sagot at umirap kahit 'di naman niya nakikita.
Narinig ko lang siyang tumawa, pagkatapos ay may naramdaman akong humahaplos na sa binti ko.
"Ang manyak mo," inis kong sabi at inalis ang kamay niya doon. Pero binalik niya ulit.
"One more time and I'll punch your face,"banta ko at inulit niya ulit.
Nahampas ko na ang kamay niya at tumawa lang siya. Bigla niyang ipinark sa gilid ng kalsada ang kotse niya kaya taka ko siyang tiningnan. Don't tell me mamanyakin nanaman ako nito?
"Who's the guy?" He's pertaining to Cadler.
"I don't know him," sagot ko at kaagad na humarap sa bintana.
"What was his name? 'Di mo rin alam?" Tanong niya ulit pero 'di na 'ko umimik.
Nang biglang may kamay ang humawak sa baba ko at inilingon sa kaniya. 'Di ko alam kung bakit pero parang merong kung ano sa sistema ko na hinahayaan siyang hawakan ako. What the effing fuck is wrong with you, Nine?
"Who is he?" Tanong niya ulit pero mas naging malumanay ang boses niya.
Umiling ako, at parang nanginginig ang mga labi ko, "I-I dont know," at nag-iwas ako ng tingin.
Binitawan niya rin ang baba ko at bumuntong-hininga. Of course, I lied. There's no sense anyway kung sabihin ko kung sino siya, kilala ko si Arrojo, at mukhang alam ko ang ugali niya. The way he look at Cadler earlier, was different, na para bang kaya niyang gawan ng masama ang taong iyon, at ayokong may mapahamak ng dahil sa 'kin.

BINABASA MO ANG
Falling for the Heartless (Falling Series #1)
RomansaFalling Series #1 Ninoire Eilia Alvarez - Deprived by hatred and longing for something, Ninoire believed that emotion makes people weak. And there she met Pieros Lander Arrojo, the man who trembled all of her fears. Will the barrier she created be...