"Apheuse Rodriguez."
Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon nandito na ako sa hospital. Dala ko pa ang maleta ko dahil dito talaga ako kaagad dumiretso. Hindi pa natatapos sabihin ng nurse ang sagot niya ay kaagad na akong umalis nang marinig kong sinabi niya ang room number ni Aphy.
Kaagad akong pumunta sa elevator at pinindot and number three. Hindi ako mapakali, gusto kong sipain ang elevator sa bagal nitong umakyat pataas. Halos takbuhin ko ang hallway habang isa-isang binibilang ang number na nakasulat sa mga pinto. Nang makita ko ang number ng room ni Aphy ay kaagad na akong pumasok at gulat sa nakitang ayos niya.
Ang daming nakatusok sa katawan niya at may benda sa ulo. Medyo lobo at namamaga ang kanang pisngi niya may pasa sa ilalim ng mata. Sugat-sugat din ang labi niya at may konting mga namuong dugo doon. Napa-takip ako sa bibig ko gamit ang dalawa kong kamay para pigilan na maiyak ng malakas.
"God, Apheuse.." naibulalas ko at kaagad siyang nilapitan.
Hindi ko alam, hindi ko nakita ang mga ginawa nila sayo pero alam kong sobrang sakit ng dinanas mo. I'm sorry, Aphy. I'm so sorry. Hindi ko alam na idadamay ka ng mga 'yon. Shitty hell, I'll make sure they will all pay from what they did to you.You don't deserve this, you don't belong here.
Iyak lang ako ng iyak habang hinihimas ang buhok niya. Wala siyang kapamilya na nandito sa Manila kaya ako lang talaga ang magiging karamay niya dito. Hinding-hindi ko siya iiwan hangga't wala akong report na nakukuha mula kay Isaiah. May pumasok na doktor dahil nalaman nilang bumisita ako, marami siyang sinabi pero mukhang lahat ng 'yon ay lumalabas din sa kabilang tenga ko. Ang tanging naintindihan ko lang ay wala pang malay si Aphy simula kahapon noong isinugod siya dito.
Dahil sa pagod at kakaiyak ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako nang maalimpungatan at nakitang madilim na sa labas. Wala pa ringmalay si Aphy. Napasuklay ako sa buhok ko at pumasok muna sa banyo, mabuti dahil may sariling banyo ang isang room dito. Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin at nakita ang pamumugto ng mga mata ko.
Kinuha ko ang phone at nakitang may isang text message doon si Isaiah. Agad-agad ko iyon in-open at kinusot-kusot ko ang mga mata ko dahil parang medyo malabo pa ang paningin ko.
From: Isaiah
I hacked some cctv footages on that street, and saw Rayden Villar.
Shit! Sinasabi ko na nga ba! May kinalaman talaga sila dito! Don't tell me si Reiven ay kasali rin dito? I won't forgive that bitch if I knew na kasama siya sa ginawang pambubugbog na 'to kay Apheuse. She doesn't deserve thia pain, she shouldn't be here lying. Hindi nila dapat dinadamay ang hindi naman dapat. For pete's sake walang ginawa sa kanila si Apheuse!
From: Isaiah
But Rayden was just standing. I think, kanang-kamay siya ng founder ng gang na 'yon. Mga nasa tatlong tao ang nakita kong nanakit sa kaibigan mo. Fuck those bastards, kung wala lang ako sa Davao ay baka ako na ang tumapos sa kanila.
To: Isaiah
Thanks for your concern, Sai. But how about Ven? Nakita mo rin ba doon?
From: Isaiah
Nope. Only Rayden with his gang.
To: Isaiah
Thanks. Update me again later.
Pagkatapos no'n ay itatago ko na sana ang phone ko sa bulsa nang may bigla akong maalala. The mysterious text. 'Yong unknown number na nag-text sa akin ng 'Welcome back'. I'm sure siya 'yon. Kung ganon, ito pala ang ibig niyang sabihin sa welcome back na 'yon? Alam niyang nasa Paris ako kaya dinamay niya sa Apheuse para mapabalik ako sa Pinas.
BINABASA MO ANG
Falling for the Heartless (Falling Series #1)
RomanceFalling Series #1 Ninoire Eilia Alvarez - Deprived by hatred and longing for something, Ninoire believed that emotion makes people weak. And there she met Pieros Lander Arrojo, the man who trembled all of her fears. Will the barrier she created be...