"I won't tell you if you won't shake hands with me," laughed so I circled my eyes on him.
Hindi ko nalang siya pinansin. I don't care about how or where he got my name. I just don't care. Nang mapansin niyang wala akong balak sagutin siya ay tumawa nalang at nagsalita ulit.
"Girls call me Kurt, but it's up to you if you call me 'mine'," aniya at kumindat pa.
Jerks. Hindi talaga kayo nauubos. But his name sounds familiar, parang narinig ko na 'yon kung saan.
"Attorney Alvarez," I said without smiling and he cracked a laugh.
"Totoo pala ang sinabi niya tungkol sa'yo," tawa niya.
"And oh, there's no professions and sorts allowed here. Once that you stepped at my bar, you're just my customer," aniya at napa-taas ang dalawang kilay ko.
So, he's the owner. Ayos pala mga kaibigan ngayon ni Rocci, at least ngayon nakakainom siya ng libre. Biglang dumilim ang ilaw, ngunit kaagad na nag-liwanag nang magpa-ilaw ng iba't-ibang ilaw kasabay ng pag-lakas ng music.
"Dancefloor time!" Rinig kong sigaw ng mga babae at unti-unti silang naglaho sa kani-kanilang upuan.
Nasa dancefloor na silang lahat at nagsasayawan. Kinuha ko ulit ang shot glass ko at nagsalin ng alak pero pinigilan ako bigla ni Kurt noong iinumin ko na 'yon kaya taka ko siyang tiningnan.
"Hinay-hinay, baka mapa-aga ang libing ko," aniya at mahina pang natawa na lalo kong ikinataka.
"Sinasabi mo?" Tanong ko at ininom ang shot glass na may lamang Smirnoff.
Ang sarap! I missed drinking hard liquors, pakiramdam ko nga ay bumaba ang alcohol tolerance ko dahil ilang taon din akong hindi uminom, sana naman hindi. I focused on studying about law, and then focused on my job. I was distracted by this serious works kaya wala akong time mag-saya, ngayon lang ulit. Pero leche ang Rocci na 'yon, siya 'tong nag-yaya tapos wala siya ngayon.
"Siguradong papatayin ako no'n kahit maging tipsy ka lang, haha," sabi niya pa pero wala akong naintindihan.
"I don't understand you. But don't worry, mataas ang tolerance ko," sabi ko at nag-lagay ulit ng alak at ininom.
"Papatayin talaga ako ng siraulong 'yon," aniya at napairap ako.
Kung may kausap siya, 'wag siyang tumingin sa'kin.
"Shot ka," alok ko pero umiling siya at tunayo, may ipinakita siya sa phone niya. May tumatawag pala sa kaniya.
"Wait lang, ha?" Aniya at tumango lang ako.
Hindi ko na alam kung gaano karami ang nainom ko simuka noong umalis ang siraulong Kurt na 'yon. Nagsimula na akong tamaan ng alak at napapamura ako sa tuwing pakiramdam ko ay babagsak ako. Nasaan na si Kurt? At nasaan na si Rocci? Wala akong kainuman, ang corny nila!
"Hi, miss," kahit maingay ay narinig ko pa 'yon at dahan-dahang lumingon, "You wanna dance?" Alok niya sabay lahad ng kamay sa'kin.
Siguro ay dahil sa alak kaya ko tinanggap ang kamay ng lalakeng 'yon. Muntikan pa akong matumba kaya nagtawanan kami pareho. Sa isang kurap lang ay nasa dancefloor na kami at hindi ko namalayang sumasayaw na pala ako kasabay ng tugtog.
Mas lalo kong dinama ang tugtog at napa-pikit habang nasa ere ang mga kamay ko. Naramdaman kong may palad na humawak sa magbilaan kong baywang, ngunit wala akong naramdamang pag-tutol ng katawan ko.
"Wanna go somewhere after dancing?" Tanong ng boses sa likod ko. Napa-ngisi lang ako ngunit 'di ako sumagot.
Ang sarap pala sa pakiramdam ang sumasayaw habang parang umiikot ang paligid. I feel like I'm floating on air. Bakit kaya hindi ko ito ginawa noon?

BINABASA MO ANG
Falling for the Heartless (Falling Series #1)
RomanceFalling Series #1 Ninoire Eilia Alvarez - Deprived by hatred and longing for something, Ninoire believed that emotion makes people weak. And there she met Pieros Lander Arrojo, the man who trembled all of her fears. Will the barrier she created be...