CHAPTER 5

578 35 4
                                    

Nagkwentuhan lang kami tapos nag pick up lines sya, grabe Sobrang corny talaga niya.

"Ito pa, roses are red, violets are blue kapag ako kapiling mo, giginhawa ang buhay mo."

"HAHAHHA naol giginhawa HAHAHAH!" natatawang sabi ko.

Habang nagtatawanan naman kami ni Kurt ay biglang may pumasok sa silid, si Kyle, kasama sila Pein na may dalang pagkain.

Isang nakakabinging katahimikan naman ang bumalot sa buong clinic.

Akward.......

Nawala lang ang nakakabinging katahimikan ng ayain ko silang kumain at kunin ang pagkain mula kay Kyle.

"Oh, guys! Tara, gutom na ako, eh." nakangiting aya ko sa kanila.

Kumain na ako at lahat sila naka-tingin lang sa akin habang kumakain ako. Wow, ngayon lang ba sila nakakita ng taong gutom, huh?

"Bakit ganyan kayo makatingin? Alam 'kong maganda ako kaya wag niyo akong titigan dahil natutunaw ako sa mga tingin niyo." deretsong sabi ko pero nangunot ang noo ko dahil tinawanan nila kong lahat. "Anong problema niyo?" nakanguso kong tanong.

"Ah, haha. Wala, nakakatawa ka kasi, eh. Parang di nakakain ng isang linggo." natatawang sabi
ni Pein.

"Grabe kayo! Gutom lang ako. Kumain na rin kayo, ano ba? Masyado kayong mapanakit." nakanguso paring sabi ko.

"O, sige. Hindi na." sabi ni Kurt na nag pipigil ng tawa.

Mga abnoy ata sila, o baka nababaliw na sila sa kagandahan ko uyyyyy HAHAHAH!

"Sige. ‘Wag na kayong mahiya, okay lang. Alam ko namang masaya kayo sa'kin." blanko ang emosyong sabi ko, natapos ko na ang pagkain ko pero sila tawa pa rin ng tawa.

Natapos lang ang kasiyahan namin dahil sabi ng isang nurse ay uwian na daw at kailangan na rin naming lumabas ng clinic dahil masyado daw kaming madami at maingay.

"Tara, uwi na tayo." yaya ko habang inaayos ang pinaghigaan ko.

Habang nag aayos ay biglang dumating si Sir kaya napatingin ako sa kaniya.

"Oh Gomez. Ayos kana ba? Hindi na ba masakit 'yang ilong mo?" alalang tanong niya.

"Ayos na po sir, wag po kayong mag alala." nakangiting sabi ko.

"Pasensya kana Gomez, hindi ko alam na mangyayari iyan sayo." paumanhin ni sir.

"Ok nga lang po, hayaan niyo at ipapaliwanag ko kay Lolo at wala naman kayong kasalanan." bulong ko kay sir.

Napatingin naman ako sa mga kasama namin at ngumiti lamang. Kawawa naman si sir kung madadamay siya sa kalukuhan no'ng isa. Yari sa'kin 'yung hayp na 'yun, babawi ako potek! Sakit ng ilong ko do'n ahhh!

"Sige Gomez, mag iingat ka at magpahinga." sabi ni sir. "Gusto mo bang alalayan ka namin?" dagdag ni sir na ikinagulat ko.

"Eh?! Sir ok na po ako, promise, kaya kayo nalang po ang magpahinga. Sige na po." sabi ko sabay senyas kay Kurt tsaka Kyle na palabasin si sir.

"Ayy sir, ok naman na po si Belle. Wag na po kayong mag alala." sabi ni Kurt.

"Oo nga sir, ok na siya kaya sir wag na kayong mag alala." sabi ni Kyle tsaka inakbayan si sir at lumabas na sila.

Napatingin naman ako kay Pein na umiiling iling.

Pagtapos mag ayos ay ibinagay naman sa'kin ni Beverly yung gamit ko kaya napangiti ako.

"Salamat." tipid 'kong sabi.

Ikinawit ko ang bag sa balikat ko at tinignan ko ang cp ko.

30 missed calls from Kuya 'kong buraot at kuripot~

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now