CHAPTER 4

631 40 0
                                    

"Abat! Gusto mo ba talaga ng away?!" inis 'kong sigaw tsaka siya hinarap.

Napahinto naman silang maglakad, tinignan nila akong lima.

"Oo, papalag ka ba?" mayabang na tanong no'ng ugok.

Bwesit gusto ko siyang sapakin, as in now na!

"Pre, tama na yan." awat ni Kyle.

"Ano ba Kyle, wag ka ngang mangelam! Hoy ikaw! Wag mo 'kong madaan daan dyan sa pag talim talim mo ng tingin dyan at baka matusok ko yan." bantang sabi niya.

"Tsk, masyado kang mayabang. Bakla ka ba?" tanong ko habang unti unting lumapit sa kaniya.

"Omg, yan na naman siya!"

"Papansin talaga!"

"She's a whore!"

"What a pathetic b*tch!"

Rinig 'kong bulungan ng ibang students. Aarte ampotek, hagis ko kayo sa labas eh!

"Belle." pigil na tawag naman ni Pein.

Hindi ko lang siya pinansin tsaka patuloy na lumapit kay Dylan, napapaatras lang naman siya. Napahinto lang ako ng paglapit ng humarang si Kurt.

"Belle, tama na please? Intindihin mo nalang siya." pakikiusap ni Kurt habang nakatingin sa'kin ang mga mata niyang puno ng senseridad.

Napasinghal naman ako sa isip. Hindi naman kami close nito para umarte siyang ganyan.

"Oo nga Belle, hayaan mo nalang siya." singgit naman ni Kyle tsaka lumapit samin ni Kurt.

Isa pa 'to! Masyadong maka eksena lang ampotek.

"Ano ba?! Umalis nga kayo dyan, mga epal." sigaw ni Dylan.

Napatingin naman kami sa kaniya.

"Tsk Childish." nakangising sabi ko at saka tumalikod na.

"Mas isip bata ka!" mapang asar na sigaw niya.

Hindi ko na siya pinansin at patuloy na naglakad.

"Tumigil kana Dylan!" rinig 'kong saway ni Kyle.

"Wag ka ngang makialam! Ang eepal niyong dalawa, ikaw Kurt, kinakampihan mo na 'yung babaeng 'yun?!" rinig 'kong naiinis niyang sabi.

Napailing nalang ako at tuluyang lumapit sa pwesto nila Pein malapit sa pinto ng Cafeteria.

"Ayos ka lang?" alalang tanong ni Pein.

Hindi ako sumagot at tinignan ang relo ko.

"Yeah I'm ok, mauna na muna kayo sa room, may kakausapin lang ako." sabi ko paglabas namin ng Cafeteria.

"Sino kakausapin mo?" tanong ni Merriel.

"Wag kayong mag alala hindi ako babalik sa loob para makipag away, may kakausapin lang ako dyan sa may parking lot." pag sisinungaling ko tungkol doon sa kakausapin ko.

"Sige sige, bilisan mo ahhh, para hindi ka na malate mamaya sa next sub." sabi ni Melody.

"Sige na, mauna na kayo, susunod agad ako pagtapos." nakangiti 'kong sabi.

Tumango lamang sila at nagsimula ng maglakad papuntang room. Pumunta muna ulit ako ng cr para umihi, grabe namang pantog 'to! Parang andami ko namang nainom na tubig at ihi ako ng ihi, pagtapos naman ay nagplush ako at lumabas sa cubicle, naghugas ako ng kamay at lumabas na ng cr. Nag lakad naman ako dahil pupunta ako sa DO, habang naglalakad ay bigla namang humarang si Dylan.

"Ano na naman?!" reklamong tanong ko.

Bwesit naman 'to!

"Kapal ng mukha mong sabihan ako ng isip bata, eh tignan mo nga 'yang sarili mo. Mas isip bata ka sa'kin!" pakikipag talong sabi niya.

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now