CHAPTER 12

368 33 0
                                    

Tahimik lang kami hanggang sa mapunta kami sa rooftop. Umupo naman ako sa bench.

"What now, Maribelle?" Dylan ask impatiently.

Tsk hindi makapag hintay?!

"Ahm... kasi 'yung apat mong kaibigan.... Ano, ahm... nagtapat sila sa akin. 'Wag kang magagalit, sa kanila. Hindi lang ako komportable sa gano'n." sabi ko.

Eh?Bakit ko sina-sabi ang mga salitang ito? Wala naman akong paki kung ma-gagalit sya, paki alam niya ba?

"Eh, anong problema doon?" tanong niya.

"Yun nga 'yung problema, wala akong gusto kahit na sino!" sabi ko. "Dahil may iba na akong gusto. Kahit ikaw, mag confess ka man hindi kita rin gusto dahil may iba na akong gusto." nakangiting sabi ko at tinignan ang bracelet ko.

"Kapag ba ginawa ko 'to makakalimutan mo na siya?" Tanong niya saka ako hinalikan.

Nagulat ako hanggang sa igalaw niya ang kaniyang labi. Itinutulak ko siya pero ang malakas siya. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan siya pabalik. Nawala lahat ng nasa isip ko hanggang sa maisip ko na mali iyon.

"Ano ba!?" sigaw ko saka siya sinampal. "Hindi kita gusto! Ang kapal ng mukha mong halikan ako!?" galit 'kong sabi.

"Hinalikan mo ako pabalik, ibig sabihin gusto mo rin ako." nakangising sabi niya.

"Hindi! Nadala lang ako at 'yun ang pagkakamali ko, nagkamali ako ng nilapitan." sabi ko saka siya tinalikuran.

Tumakbo ako palayo, umiiyak. It's my first kiss. Walanghiya talaga siya! Hindi niya ba alam na espesyal 'tong halik ko?! Pagbukas ng pinto ng elevator nakita ko si Pein.

"Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya.

"Ahm, wala ito. Napuwing lang ako." pagpapalusot ko.

"Tsk, tara sa kwarto." sabi niya.

Pumunta na kami sa kwarto ko.

"Maribelle Luis Gomez, anong problema mo?" usisa niya.

"Hayst! Eh, 'yun pa rin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko." sabi ko.

"Para 'yun lang iiyakan mo na?" tanong niya.

"Hindi kasi 'yun!" giit ko.

Walang hiya siya! Pero bakit gusto ko?! Hatdog talaga!

"Ano ba kasi 'yun?!" naguguluhan na ring tanong niya.

"Ano kasi... A-ahm... H-Hinalikan ako ni Dylan kaya sinampal ko siya." sabi ko sabay tingin sa palad 'kong namumula.

"Ano!? Hinalikan ka niya?!" sigaw niya.

"Shh! Huwag kang maingay." sabi ko.

"Hinalikan ka niya?! Tama lang na sinampal mo siya! Ang kapal ng mukha niya." bulong ni Pein at hinawakan ang kamay ko.

Tumango ako! Hayst! Kakaloka talaga 'to! Masyado silang naging mabilis. Sa unang araw palang namin dito ay andami na agad nangyari at nakakainis!

"Di na virgin ang lips mo." birong sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin, nag peace sign naman ito.

"Sapakin kita diyan! Seryoso kaya ako dito para lang alam mo 'no, puro ka biro, eh." sikmat ko.

"Ako din pa-kiss." biro niya at ngumuso.

Lalo naman akong mainis ng maalala ang malabot na labi ni Dylan, nakakainis man pero gusto ko pa rin! Masyado na akong malandi niyan!

"Alam mo, Pein, gusto mo ihagis kita papuntang mars? Baka gusto mo? Baka gusto mo lang naman?" tanong ko.

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now