CHAPTER 26

298 33 0
                                    

Dumating na si Sir at nagpa-quiz, pagtapos nang quiz dumating naman ‘yung teacher namin sa ESP at ang topic namin ngayon ay 'Pangarap'. Ikaw ano ba ang pangarap mo?

Ang pangarap ko kasi ay maging CEO sa isang Company, gusto ko lang ng maayos at tahimik na buhay. Hindi natin maiiwasan ang problema dahil araw araw naman ay dumadating ang problema. Basta simple lang ang pangarap ko, magkatrabaho, magka pamilya at mamumuhay kami ng masaya.

Nagsalita na si Miss tungkol sa pangarap, sinabi niya ang meaning nito at kung bakit nga ba tayo nangangarap?

"Sige bago ko sabihin ang tunay na kahulugan ng pangalan ay isa-isa ko kayong tatanungin tungkol sa pangarap niyo," Panimula
ni Miss Alonzo. "Ahm... simula sa’yo, Red, ano bang pangarap mo Red?"

"Pilot, Miss." mabilis na sagot ni Red.

"Bakit naman pilot?" tanong ni Miss.

"Para kaya kung dalhin si Maribelle kahit saan niya gusto." Malokong sagot niya dahilan para tignan ko siya ng nakangiwi.

Luh, ba’t ako nasama diyan? Tsk kalukuhan!

"Uy, sana all!" sigaw nang mga kaklse ko.

"Oh, Miss Gomez akala ko ba ay umuwi ka na?" tanong ni Miss ng mapansin ako.

"Ahh... HAHAHA ok na ho ako Miss.. Wag ho kayong mag alala..." sabi ko naman at tanging tango lang ang binigay ni Miss.

"Siya, sige Red. Thank you for your answer. Ikaw Yuri, anong pangarap mo?" tanong ni Miss.

"Ahm, doctor po Miss." ani Yuri.

"Bakit naman doctor?" curious namang tanong ni Miss.

"Para kaya 'kong gamutin ang mga sakit ni Maribelle at para na rin marinig kung ako ba ang tinitibok ng puso ni Belle." sabi niya sabay tingin sa akin.

Luh, ako na naman?! Napatingin naman ako sa kaniya ng pilit ang ngiti.

Yumuko na lang ako habang si Pein ay kinikilig.

"Hehehehhe Belle, grabe kakakilig naman ang mga banat nila." kinikilig na bulong ni Pein.

"Wag ka nga, ang cringe!" bulong ko.

"Wow, haba ng hair Gomez. ikaw Kurt? Pangarap mo din ba si Gomez?" asar ni Miss kaya gulat ko siyang tinignan.

"Maybe po pero Attorney po ang pangarap ko." sabi ni Kurt.

"Wow! Maybe... At bakit naman?"

"Para patunayan ko na kaya kung ipaglaban si Maribelle." nakangiting sabi ni Kurt.

Pailing iling nalang ako dahil ko alam kung anong magiging reaksyon ko! Nakakabaliw sila! Nakikisama pa si Miss! Kakainis!

"Oh? Ayie, sana all!" sigawan nang mga kaklase namin. Ano ba ‘yan, ano bang gagawin ko?

"Tahimik, class. Ikaw Kyle, ‘wag mong sabihin na si Belle din?" inunahan na ni Miss si Kyle.

"Writer," aniya.

"Bakit?"

"Para mai-sulat ko ang story namin ni Belle." sabi niya. Aba! Sabi ko kay Pein na siya!

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now